Saturday, April 30, 2016

Amelie Mitchell, My Brother's Woman








CHAPTER 1



Paglapag ng eroplano sa airport ay walang pagsidlan ang kasiyahan ni Amelie. At last, she's back in her Mom's homeland. She was just 16 years back then the last time she had her last vacation in the Philippines. After her Canadian-Filipino father died she stayed in France para mag-aral at magkaroon ng degree in Fashion Design dahil noon pa man pangarap nyang magkaroon ng sariling fashion label. Ang mama nya naman mas pinili ang bumalik na lng sa Pilipinas while ang kuya nyang si Adrien nanatili Sa Canada para pamahalaan ang kanilang family business na iniwan ng kanilang dad .

Pinasundo sya ng Mom nya sa kanilang driver and while she's on her way na sa Sa tahanan nila sa isang elite village in Santa Catalina nang tumawag ang kanyang Kuya Adrien dala ang balitang hindi naman lingid sa kanyang kaalaman pero hindi nya inaasahang yun ka agad agad na mangyayari pag-uwi nya ng Pilipinas. Yun ay pinaghahanda na cia ng kanyang kuya at may nadeal etong wedding organizer na sila na mag-aasikaso ng lahat lahat nilang pangangailangan para sa kasal nila ni Mr. Garret Lee. At syempre sya na mismo ang magdedesign ng kanyang gown at buong entourage. Kailangan nya lng na makipagcoordinate sa wedding planners na ni-hire ng kuya nya.

Yes, she was engaged at sa lalaking kailan man hindi pa nya nameet in person. Naipagkasundo na kasi sya ng Daddy to marry the first son / heir of their family business partner. Hindi na cia pwedeng kumontra dahil rules pa rin ng dad at kuya nya ang masusunod, buti na lng at pinagbigyan sya sa pinakagusto nyang mag-aral sa France. Pwede syang magboyfriend pero hindi nya dapat seryosohin dahil hindi rin naman nya eto makakatuluyan. Bagay na hindi nya na rin ginawa para ano pa't masasaktan lng sya o mangyayari ring makakasakit lng sya ng iba. Ang alam nya lng tungkol ky Garret ay matalino, gwapo at mabait naman daw eto at hindi naman sya sigurong mahihirapan matutunan etong mahalin.

Pagdating dating nya kanilang bahay sinalubong sya ng galak at yakap ng kanyang ina. Pero medyo nagkasimangot na eto kaya tinanong sya ng mom nya, “ What's wrong with my princess..? Hindi kaba masaya na magkasama na uli tayo? “.... “Of course mom... I'm so happy to be with you and I miss you so much. “..... “ Then what's wrong hija?”.... “ Si Kuya kasi mommy eh, parang masiado nyang minamadali ang kasal ko sa Mr. Lee na yun... eh kadarating ko nga lng po” ….. “ Halika ka hija, pagsaluhan na lng natin ang dinner na ipinahanda ko na, niluto ko lahat ng paborito mo, para naman mawala na yang tampo mo..”
Alalay ng kanyang inang parang wala na ring magagawa sa desisyon ng kanyang kuya.

After ng dinner at chitchat nila ng mom nya about sa experiences nya sa France nakaramdam na ng pagod si Amelie. Kaya after nyang maligo nakatulog agad sya sa kanyang mala prinsesang kama.

Sumunod na araw, nakipagkita si Amelie sa Mom ni Garret. Nasa America pa kasi si Garret at marami pang tinatapos na tungkulin sa business din nila doon and a month from then makakauwi na rin sya ng Pilipinas to meet his fiance at matulungan na rin eto sa mga pag aasikaso ng kasal nila. Samantala yung mom nya na mismo ang nagvolunteer to take his place sa pagtulong ky Amelie para makapag bonding na rin daw sya sa kanyang magiging daughter in law. After nilang makipagtagpo sa wedding planners, ay magkasama din silang naglunch. Tuwang tuwa si Mrs. Lee sa kanya at talagang bet na bet nya ang dalaga para sa kanya unico hijo. At proud na proud syang nagkukwento tungkol ky Garret. Pinakitaan nya na rin eto ng mga pictures at minsan tumatawag na rin si Garret sa kanya.

Pagkatapos nilang maghiwalay ni Mrs. Lee, nilibang nya ang sarili sa paglibot libot sa syudad. Pabalik na sya sa village nang nakadaan sya sa nagtitinda ng balut, fishballs at cotton candy. Bigla nyang na miss Filipino street foods. Bumili sya ng balut at fishball, at nang binuksan nya ang wallet nya para magbayad, bigla na lng may humablot nito at napatakbo ng mabilis.. Habang nagsisigaw sya.
“ Ang wallet ko..” ngunit para na lng etong natulala at walang nagawa. Pero biglang my rumagasang itim motorsiklo sakay ang lalaking naka black jacket at black helmet. Hinarang nito ang snatcher pinakiusapang ibigay sa kanya ang wallet, pero kumawala eto sa kaya hinabol pa rin sya at nahuli nito ang snatcher, nanlaban pa ang snatcher at may dala pa pala etong pocket knife at sinubukang pa nitong saksakin ang lalaking nakahelmet. Pero magaling sya sa self defense. Pinosas nya ang snatcher at habang hawak nya eto, tinangal nya ang suot na helmet tiningnan nya ang ID ni Amelie sa wallet... Kumunot ang noo nya na parang pamilyar sa kanya.. Nang biglang nasa harap nya si Amelie...
“ excuse me po sir, sa akin po ang wallet na yan.. “ aniya... Binalik nya ang wallet na may kasama pang sermon.. “ Ms. Mitchell... next time po mag-ingat kayo.” …. “ Salamat po sir.... swerte na lng at may pulis palang nakabantay dito..” kausap pa nya dito habang pinapasakay ang snatcher sa motor nito para ihatid sa Police Station..Habang sumakay na din eto ng motor, supladong sumagot eto
“ correction lng Miss, hindi ako Pulis at lalong hindi ako nagbabantay dito, nagkataon lng din nakita ko ang pangyayari at dadaan na din lang ako ng Police Station kargo de koncencia ko ang hayaan na lng ang tatanga tangang katulad mo.. bratty girl !!”
Sabay sinuot ang helmet at pinaandar ang motor.. “ Hmmmm... gwapo naman sana kaya lang suplado naman nun, hindi sya Police pero bakit may dalang posas..” bulong sa sarili at nagmamaktol na bumalik sa kotse nya...

At habang nagdadrive, nagrewind sa utak nya ang salita ng misteryosong lalaki,
“ kargo de koncencia ko ang hayaan na lng ang tatanga tangang katulad mo.. bratty girl.. “
Parang may bumabalik sa memory nyang narinig nya na ang annoying statement na yun na parehong pareho ang pagkakasabi..
“ Brice …... tama si Brice nga.... sabay hampas manubela nang may naalala..






CHAPTER 2



10 Years ago ….......

Sa iisang village tuwing ala-sais pa lang ng umaga, dala ang bisekleta nito lumalabas na ng gate sa mansion ng mga Lee si Brice para pumasok sa eskwela. Hindi naman ganun kaaga ang kanyang pasok pero kinailangang nyang umalis ng mansion bago pa gumising si Madam na siguradong masisira ang araw pag nakita ang binata.

Si Brice Castañeda ay anak ni Mr. Lee sa dati nyang sekretarya, na isa nyang malaking pagkakamali. Hindi pwedeng dalhin ni Brice ang apelyidong Lee dahil sa isa etong kahihiyan sa kanilang pamilya at itinago itong lihim. Gamit nito ang apelyido ng kanyang inang pumanaw walong taon ang nakaraan dahil sa isang hold up incident at nanlaban eto kaya hindi pinalampas ng mga salarin. Silang mag-ina lang ang magkasama sa buhay at dinadaos nito ang sariling anak ng hindi tumatangap ng anumang tulong mula sa mga Lee. Ngunit ng pumanaw eto at walang mapuntahan ang musmus pa lamang noon na si Brice. Kaya sa ayaw at gusto ng asawa, inuwi ni Mr. Lee ang bata at pinalabas lng na anak eto ng isa sa kanilang katulong. Isa sa mga katulong ng mga Lee na si Aling Martha ang naging ina inahan ng bata. Ang mag-asawang Lee lng at ang mga katulong ang lng nakatira sa mansion dahil si Garret simula pa noon sa America na nag-aaral, at parang nanatili lng ang usual nilang pamumuhay as if Brice doesn't exist. Pumayag si Mrs. Lee na tumira doon si Brice sa ganoong kondisyon, dapat hindi nya eto makikita. At yun na din nga ang nangyayari, maaga pang umaalis si Brice bago pa umalis na rin ang mag-asawa patungo sa kanilang kompanya, at umuwi eto gabi na at madalas hindi na rin nakakauwi.
Nagpapaalam na lng eto kay Aling Martha.

Sa tuwing umaga na magbibisekleta cia palabas ng village, may ilang araw na nyang nadadaanan ang noon teenager pa din lamang na si Amelie na nagjojogging sa palibot ng village road. Dinadaanan nya lng eto ng tingin at hindi naman kailanman lumilingon si Amelie. Noon pa man napansin na nito ang kanyang kagandahan pero alam na alam nya sa sarili na yun ang mga tipo ng babae na para sa kanya ay hangang tingin na lamang. Nagjojogging eto na parang wala lng pakialam sa paligid at may nakasangsang na headphone lang mga tenga nito, na parang sa kanya lng ang highway at sa gitna na mismo eto ng daan tumatahak.

Isang araw nakita cia ni Brice na nakayukong nagtatali ng kanyang nahubad na shoelace sa gitna ng daan at napansin nito ang paparating na rumaragasang black tinted na kotse. Sumisigaw cia kay Amelie, ngunit hindi sya nito naririnig dahil sa naka headphone eto. Dali dali syang bumaba ng bike at iniwan eto sa gutter. Karga pa ang backpack nito mabilis nyang hinablot si Amelie sa papunta sa gilid ng daan. At dahil sa pagka out balance natumba ang mga eto sa gutter at sinigurado ni Brice na hindi masasaktan si Amelie, bumagsak silang nakayakap sya dalaga na nakadagan sa kanyang dibdib.

Nang iniangat ni Amelie ang ulo nagkatitigan silang dalawa, at sa ilang sigundo silang naistatwa. Nang marinig ang sigaw ng driver ng kotse na tumigil sa harap nila, “ hoy!!! magpapakamatay ba kayo? “
Agad agad silang tumayo na at nilinis ang mga sarili na parang walang nangyari.. “ Manong hinay hinay lng din po kayo sa pagmamaneho..” pagalit din sagot din ni Brice sa kanya … “ tsk...tsk... walang galang kang sumagot na bata ka ah, Oh.. ayan.... nagmamadali ako kung nasaktan kaya tumawag na lng kayo jan..” sabay abot ng calling card kay Brice at daling sinara ang bintana ng kotse at umalis.

“ By the way I'm Amelie Mitchell.. My crush ka ba sa akin at super hero ang peg mong iligtas ako..” pahanging pagbasag ni Amelie ng katahimikan na nakatayo pa rin sa likod ni Brice habang matalim pa rin ang tingin nito sa palayong kotse. Biglang nag-init ang kanyang mukha hangang tenga ng marinig ang seducing na boses ni Amelie.. Kumunot ang ang noo ni Brice na bumaling eto dito.. “ Hindi ka man lng ba marunong magpasalamat?... Nagkataon lang na napadaan ako at kargo de koncencia ko ang hayaan na lng ang tatanga tangang katulad mo.. bratty girl !!” ….. “Oh... well.. Tha.... “... bago pa matapos ang kanyang salita tinalikuran na cia ng binata na nagmadaling sumakay muli ng kanyang bisekleta at umalis. Sinubukan pa nya etong pigilan dahil napansin nyang may galos eto sa siko at bahagyang bukas ang bag nito. Biglang narealize nya ang sinabi na kinainis ng lalaki. Joke lng naman sa kanya sana yun para mawala yung awkward moment ng pagpagsak nilang magkayakap. Napaupo na lng cia sa gutter at napabuntong hininga. At bigla syang may nakitang notebook. Pinulot nya eto dahil sa sigurado syang galing yun sa bahagyang bukas na bag ng lalaki. Math notebook nya yata iyon dahil puro figures and numbers lng ang nakita nya nang buksan eto, at konting konti lng ang laman. Wala din syang makuhang info maliban na lng sa nakasulat na pangalang Brice Castañeda behind the cover na paniwala nyang yun na nga ang name ng lalaki.

Sumunod na araw, sa muling pag jogging ni Amelie dala dala nya yung notebook at sadyang naghintay sa lugar ng pangyayari kahapon. Nakaupo lang cia sa guter at dalawang oras naghintay ngunit walang ni anino ni Brice ang dumaan. Nanghinayang si Amelie at feeling guilty na hindi man lng sya nakapagpasalamat at naka hingi ng sorry sa kanya. Last day na ng vacation nya ang araw na yun at mamayang gabi ang flight nila back to Canada. Nagkataon din naman namang ilang araw ding hindi bumalik si Brice sa mansion.

Bago bumalik si Amelie at ang buong pamilya nya sa Canada, iniwan nya sa drawer sa loob ng kanyang cabinet ang notebook at binilin din nila sa care taker ng mansion nila na huwag galawin ang pagkaayos ng mga gamit sa mga kwarto. Habang si Brice naman nang bumalik na rin sa village at balik din sa dating gawi tuwing umaga ay kailanman hindi na nakita si Amelie at minabuti na lng eto sa sarili at kinalimutan na lng ang magandang dalagang dati tuwing umaga nyang nakikita.

--------------------------------------------------




Sa Kasalukuyan ….........

Nakahiga na si Amelie sa kanyang kama para makapagpahinga na rin sa pagod sa buong araw nyang lakwatsa. At bigla nyang naalala ang pangyayari nung hapon. Dahan syang bumangon at binuksan ang antigong cabinet at ang drawer nito sa loob. Kinuha nya ang lumang notebook ni Brice sa sampung taon na nakalipas ay nandun pa rin. Bigla nyang naisipang punuin eto ng kanyang sulat kamay ng Thank You at Sorry at binabalak na isauli eto sa kanya. Sa kung paanong paraan ay hindi pa nya malaman.









CHAPTER 3


Maagang nakapag off si Brice sa dahil lumipad si Congressman patungong Singapore dahil sa sa isang personal invitation ng kaibigan. Naisipan nito ang mag Friday day night whine up with his best buddy. Hindi nito macontact ang cellphone kaya sinubukan nyang sorpresahin na lng eto sa kanyang klase. Agad syang pumunta ng University of Santa Catalina, at pagdating nya doon tinahak nya ang classroom ni Raph at hindi pa nga eto tapos sa klase. Napakatahimik nyang pumasok ng classroom at umupo sa pinakalikuran at nagkunwaring estudyante na late lang pumasok. Nagsenyasan lang sila nang kaibigan at tahimik na rin etong nakinig ng lecture.
“Tristan and other Cornish warriors launch an attack on an Irish slave caravan. Tristan fights Morholt, the champion and leader of the army of Donnchadh, whose daughter, Princess Isolde, has been promised to Morholt in marriage. Though Tristan kills Morholt and Donnchadh's forces are overrun, he is severely wounded in the fight and believed dead, though he is in fact only suffering the effects of Morholt's poisoned sword.Tristan's body is put out to sea on a funeral boat which eventually washes up along the shores of Ireland. He is discovered by Isolde and her maid, Bragnae, who administer an antidote that revives him. Bragnae insists that Isolde conceal her identity so Isolde tells Tristan her name is Bragnae. Tristan and Isolde fall in love as she nurses him back to health. The two lovers must separate after Tristan's boat is discovered. Tristan returns to Cornwall and receives a hero's welcome. A confused but overjoyed Marke welcomes him back with open arms.Plotting to defeat Britain, Donnchadh proposes a peace treaty, promising his daughter Isolde in marriage to the winner of a tournament. Tristan wins the tournament on behalf of Marke, unaware that "the prize" is the woman he fell in love with in Ireland. When he discovers the truth about Isolde, he is heartbroken to see her betrothed to Marke, but accepts it since the marriage will end "a hundred years of bloodshed."
( From The Story Of Tristan and Isolde )
And the school bell rings………………….
“ Ok class let’s continue on Monday and it’s your assignment to know the continuation of the story and be ready for the quiz next meeting. “

Paglabas ng mga estudyante, agad ni Raph tinangal ang eyeglasses at nagligpit ng mga libro at gamit nito at lumapit na sa kaibigan.
“ Pare ano sumunod na nangyari dun sa kwento mo..” curious na tanong nito sa kaibigan habang papalabas na sila ng pintuan ng classroom. “ At kelan ka naman nagsimulang magka interes sa literature pre?” ….” Actually , ngayon lang..” at nagkatawanan na lang ang dalawa. “ Saan ang shot natin ngayon…?” tanong ni Raph …” Eh di doon pa rin sa dati..”
At dumiretso na ang dalawa sa karaniwang bar at billiard na lagi nilang tambayan tuwing boys night out .

Pagkagraduate noon ni Brice sa High School napagdesisyunan nyang umalis ng mansion at naghanap trabaho para makapag-ipon para sa kolehiyo. Ngtrabaho sya bilang waiter ng isang restaurant hangang sa natagpuan sya ng kanyang high school buddy na si Raphael Dizon na isang Literature Prof na sa kasalukuyan sa isang unibersidad sa kanilang bayan. Anak sya ni Congressman na noon ay Mayor pa lamang. Dahil sa tulong naging working scholar si Brice at kumuha ng kursong BS Criminology sa kaparehong paaralan ni Raph. Napansin ni Mayor kanyang pagpupursige at potential, humanga sya mga kakayahan nito. Kaya nang nakapagtapos eto, pinag special training sya Mayor para maging personal na katiwala at bodyguard nito. Marangal na pulitiko si Mayor Dizon, marami syang tinutulungan at mahal sya ng masa kaya lagi syang panalo sa eleksyon. Bagay na kinaiinisan ng mga kontra partido at lagi na lang etong may threat. Matalino, matapat, matapang sa marangal na paraan si Brice. Magaling din eto sa shooting at martial arts at naging black belter ito sa Taekwondo, Muay Thai at Aikido.

-------------------
Ang ganda ng sikat ng araw ng Sabado at maagang nagsimula sa pagdidilig at pag-aalaga ng flower garden si Aling Martha. May dalawang araw na day off si Brice dahil wala sa bansa si Congressman, kaya sa wakas makakauwi na rin eto. Sa pangungumbinsi na rin ni Brice napagdesisyunan ng matanda ang magresign sa pagiging katulong ng mga Lee at sinusuportahan naman sya ng binata dahil sa tinuturing na rin etong ina, at Nanay ang tawag nya dito.
Pagkatapos sa hardin naging abala na rin ang matanda sa paghanda ng tanghalian at niluto ang mga paborito anak anakan. Maya maya’y dumating na rin cia at medyo may hang over pa sa pakikipag-inuman sa kaibigan kagabi. At habang nananghalian at kahit medyo may hang-over Masaya pa rin ang pagkukwentuhan nila ni Aling Martha. Biglang nabangit ng matanda na kaninang umaga daw habang nasa hardin cia napadaan si Stella, isa sa mga katulong din ng mga Lee. Dahil day off din daw nito kaya nagawa pang makipagkwentuhan ng sandali ky Aling Martha. Binalita ni Stella sa susunod na buwan darating ang kanilang señorito Garret dahil ikakasal eto. Hindi naman alam ni Stella kung kanino basta sa anak ng Family business partner. Ikinagulat iyon ni Brice dahil madalas naman tumatawag sa kanya ang kanyang kuya ngunit ni minsan hindi nito nabangit ang pagpapakasal.


Hindi lingid sa kaalaman ni Garret ang katotohanan tungkol kay Brice. In fact masaya pa nga eto na meron palang kapatid. Mabait kasi Garret at tuwing nakakauwi eto ng Pilipinas hindi nakakalimutang makipagbonding eto sa kapatid.

After ng pag-uusap nila ni Aling Martha, sinubukan ni Brice na magtext sa kapatid para kamustahin at itinanong na rin ang nasagap na balita. Kinagabihan, tumawag si Garret sa kanya.
“ Bro… kamusta kana jan? Balita ko marami ka raw napapaiyak na babae dyan?” bati agad ni Garret sa kanya.. “ Kuya… saan mo naman nasagap yan… Diba ikaw dapat ang may ibabalita? “
“ Ah yun ba… tama nga ang nasagap mong balita, at ihanda mo sarili mo dahil ikaw ang bestman..” …” hahahaha… yan kung mapapayag mo ang mama mo..” … “ Ako na ang bahala kay mama…. At Bro salamat sa pag intindi at pagpapacencia kay mama ha..” …. “ Ok lng yun kuya sanay na ako dun…” at nagtawanan na lng ang dalawa… “ By the way kuya, sino naman kaya ang napakaswerteng prinsesa ang magiging reyna ng buhay mo..” …. “ To be honest Bro we haven’t met yet… thru phone at online video call lng kame nagkakausap.”… “ Huh!!!! Magpapakasal ka sa babaeng hindi mo pa nameet in person? Hindi ba isang malaking kalokohan yun kuya? Mahal mo ba sya…at mahal ka rin ba nya?” ….. “ Oh…slowly Bro…. tangap ko na yan na eto talaga ang destiny ng isang tulad ko… By the way Bro.. I have a business call waiting, I will try to call you back later… “ Before pa nya maitanong ang name ng fiancé ng kuya nya naputol na ang kanilang usapan.








CHAPTER 4


Boring ang araw ng Lingo na yun para ky Amelie. Pagkatapos nyang magsimba, naisipan na lng nyang manatili na lamang muna sa bahay at makipagbonding na lang kay mommy at magjoin na lng dito sa pakikipaglibangan sa mga alagang asong shih tzu at maltese ng kanyang mommy. At sultin na lng ang pahinga dahil magiging abala nanaman cia bukas sa mga wedding plans at sisimulan na rin nyang asikasuhin ang mga pangangailang sa business plan nyang magpatayo ng store ng sariling clothing line, at magsisimula yun sa Santa Catalina.

Sinusuklay nya yung balahibo ng maltese puppy sa kanilang sala habang nanood ng news sa TV. Nasa news ang recorded interview ni Cong. Dizon tungkol sa bago nitong lunsad na charity foundation at nang-iimbita ito ng sponsors and donors.
Bigla nyang napansin ang lalaking naka tuxedo sa tabi ni ni Congressman. Hindi cia pwedeng magkamali, it was him.... Kaya dali dali ciang nag open ng laptop at ng iba pang videos and pictures ni Congressman sa internet para kompirmahin kung sya nga talaga, at hindi nga sya nagkamali. Ngayong may ideya na sya paano mahanap ang lalaking yun, napaisip sya ng paraan. Bigla nyang naalala ang Charity Foundation ni Congressman. Maari syang maging sponsor dito para na rin sa kanyang name publicity na makakatulong na rin sa kanyang new clothing line business. Naisipan nyang tawagan si Dianne nang palihim. Si Dianne ang inaanak ng kanyang mommy sa isang kaibigan at nirekomenda etong maging P.A. ni Amelie sya na rin gagawa ng Business Feasibility Study nito. Tinawagan nya si Dianne para sa kanyang secret mission na ipag book eto ng appointment kay Congressman.


Naging successful ang plano ni Amelie. Ilang araw pagbalik ni Congressman mula Singapore nakapag set si Dianne ng appointment dito. At nang nasa office na eto ni Cong.Dizon, nagpakilala agad sya dito at nilahad ang pakay tungkol sa foundation. Hindi naman lingid sa kaalaaman ni Congressman na prominente ang Pamilyang Mitchell. Sobra syang nagalak sa alok nitong sponsorship na malaki ang maitutulong nito sa Foundation. “ Ano naman ang magagawa ko for your favor hija? “... “ Pwede naman sigurong e-recommend nyo rin ako ng matapat na bodyguard..” Hindi seryosong sagot nito... “ Oh... well pwedeng pwede hija... at sa panahon naman ngayon ang isang tulad mo dapat nag-iigat at hindi nag-iisa..” …. “ Kung ganun Congressman pwede ko bang e-request si Mr. Brice Castañeda? “ …. Biglang nag-iba ang mukha ni Cong.Dizon... “ Oh.... You know him? “ nasorpresang tanong nito....

 “ Hmmm.. not so well naman, isang dating kaibigan pero parang hindi nya na yata ako maalala eh..” … “ Ah..ganun ba... pero sorry hija ha... Pero hindi pwede si Brice eh.. I will recommend you another, I will make it sure you won't get disappointed“ …. “ No it's ok Cong.. I'm not really serious about it. The fact is hindi ko gusto yung may buntot ng buntot saken, sanay kasi akong maging independent. Doon kasi sa Paris malayong malayo ang buhay ko dito. There namumuhay at nag-aaral lang ako just like the other common people. “ …. “ Sige, ganito na lang kung kakailanganin mo ang tulong ko, I'm just your call away... “ … “ Sige Cong, I guess this conversation is clear baka marami pa po kayong gawin.. looking forward in cooperating with your endeavors Cong. Dizon. ” …. Sabay nito tumayo at nakipagkamay .. “ It's my very pleasure hija... and by the way kung kakailanganin mo ang tulong ko tawagan mo lang ako...” … “ Sure, thank you.. “...
At bago eto lumabas ng pinto... “ Wait hija, kung gusto mo pala makausap ang dati mong kaibigan. Dumeretso ka muna sa lounge, I'm calling my Secretary right now na papupuntahin doon si Brice..” … “ Thank you po ..” tumango eto at napapangiting lumabas ng pinto at dumeretso na nga sa lounge.

Hindi pwedeng ibigay ni Congressman si Brice kasi hindi lang basta bodyguard nito ang binata, kundi marami din eto ditong pinagkakatiwala. Naging secret private agent nya rin eto na nag-iimbistiga kung sino sino ang mga taong may pakana ng mga death threat ni Cong.Dizon at sa pamilya nito.

Pagpasok nya ng lounge nakaupoo at naghihintay doon si Brice.. “ Good afternoon Mr. Castañeda! “
agad nitong pagbati.. Tumayong nagulat si Brice mula sa kinauupuan. Kumunot ang noo nito na tila hindi inaasahang si Amelie Mitchell ay papalapit sa kinatatayuan nya. “ Pano mo alam ang pangalan ko?”
“ Hmmm.. Well, paano nga kaya.... dahil ni research kita online wala ka namang any social media account.. Paano nga ba..” patuksong pagkasabi dito at umupo na rin sa kabilang couch kaharap nito..
“ Tigilan mo na nga yang pagkunot ng noo mo, binibiro ka lng eh... nakakatense naman yang tingin mo kaagad , umupo ka nga muna.. Ano ba naman kasi ang nagawa ko at parang allergic na allergic ka saken.. ” …. at dahan dahan rin etong umupo. “ So, ano naman ang pag-uusapan natin?'
“ Nothing... I'm sure ayaw mo naman akong kausapin ni ayaw mo nga makipagkilala eh..”
“ Kelangan pa ba yun, magaling ka naman yata mag research..” insulto pa nito...
May dinukot si Amelie sa bag nito at padabog na pinatong sa mesa sa harap ni Brice ang bagay na kinuha sa mula bag.. “ Oh.. yan lng naman ang pakay ko sayo eh...at for your information hindi ko na kelangan i-research ang pangalan mo. “ agad din etong tumayo at nagwalk out palabas ng lounge, at hindi na nagpaalam ng maayos.. At hindi na nakasagot si Brice.

Nang makaalis na si Amelie at naiwang mag-isa si Brice sa lounge, pinulot at binuksan nito ang lumang notebook. Bahagyang napangisi eto ng mabasa ang pangalan sa likod ng front cover nito. Naalala nya noong highschool na pinalabas sya ng teacher sa classroom dahil wala syang assignment sa Math dahil hindi nito mahanap ang notebook. Kailanman hindi napasok sa isip nya na si Amelie ang nakapulot nito. Lalo pa etong ngumisi nang buklatin at nakitang napuno na eto ng sulat kamay ng dalaga ng mga salitang sorry at thank you... At sa last page may nakasulat etong cellphone number at binasa nya ang note. “ Baka sakaling magbago ang isip mo at makipagkaibigan kana saakin. “ napangiti na lng etong tinititigan ang number ni Amelie.

Kinagabihan, balisa sa kama na hindi makatulog si Amelie. Mukhang deadma zone pa rin cia ni Brice. Halos nakaidlip na cia sa kakabantay ng phone nya na tumunog. Nang sa wakas tumunog din eto, parang bigla ciang buhay na buhay nang makitang number lang ang nag-appear... At sobra syang na disappoint nang parang ma wrong send lamang eto sa kanya.. Ang message ba naman “ napadala ko na po riyan!”
Hindi sya makarelate kaya nireply nya, “ sorry wrong send po kayo.” … at nagtext ulit yung number,
“ disappointed ka ano... bratty girl .. nagjojoging ako every morning at 5:00 AM sa City Sports Complex.. “...... hindi nya napigilang napatili, nagtype sya... “ OK see you there.. goodnight “.. and she's about to press send.... biglang nagbago ang isip nya at binura ang tinype na message saka nagbulong na lng sa screen ng phone.. “ Goodnight Mr. Antipatiko !”


Samantala, si Brice din ay nanatiling gising din na nakahiga na rin sa kama panay titig sa phone na wari'y naghihintay ng text. Tumunog ang phone nya at excited nyang dinampot eto, ngunit kay Congressman galing yung message, tungkol sa trabaho. Napabuntong hininga na lamang eto at inisp na baka mahimbing na nakatulog si Amelie.


















CHAPTER 5


Aligagang gumising at bumangon si Amelie, pasado ala sais na nang umaga at inis na inis sa sarili dahil napahimbing eto ng tulog. Kaya mabilis lang eto nag half bath at nagbihis ng jogging outfit. Hindi na mabuting nakakapag ayos ng buhok . Sunusuklay na lng ng kamay nito ng buhok at tinaling ponytail habang tumatakbong bumaba ng hagdan.

Mabilis ciang nagdrive patungong sports complex habang panay tingin sa kanyang wristwatch. Past 6:45 AM na at estimate nyang makakarating cia sa complex within 5 to 10 minutes, at nag-alala sya dahil baka hindi nya na maabutan si Brice. Pagdating agad nyang naipark ng maayos ang kotse at tumakbo agad sa field. Tama nga ang hinala nya at mukhang hindi nya na naabutan ang binata. Hindi pa eto nakapagjogging pero para na rin etong ginawa dahil sa kanyang naging adrenaline rush. Bigla etong nakaramdam ng pagod at napabuntong hininga na lang na napaupo sa running oval.

“ Did you have a sweet dreams Ms. Bratty? “ … Bigla etong nabuhayan ng dugo nang marinig ang boses at kumunot ang noong lumingon eto... “ Oh... I thought you left already..”... “ Yeah... I'm about to leave but I guess I saw your car out there, and just came back to confirm.. I'm just done with 10 lapses around this oval so I guess it's your turn now, and I gotta go first... “ ….. “ I don't think I can make it now, it's already past 7:00 AM at sa katataranta ko kaya para na ring akong nag jogging.. hmmmm...
but would you like to have some coffee with me? “....... tumingin si Brice sa kanyang relo ..
“ Ok... I still have an hour ..” … OK, let's go.. “ sagot uli nito habang dahang tumayo sa pagkakaupo at medyo nangawit ang kanyang binti kaya inabot ng binata ang kanyang kamay nito para alalayan..

“ Just secure your bike and shall we use my car na lang kaya, ok lng ba? “.. mungkahi ni Ame habang nakatayo silang dalawa sa motorbike at kotse. “ … pumayag naman si Brice at sinugardo yung lock ng bike.. “ Just let me drive.. your key? “ … “ my keys... Oh My Gosh where's my keys.. I don't have my keys here on my pocket.. “ nataranta nanaman eto ng mapansing wala ang susi at naiwan pala yun sa loob ng kotse. Hindi lng susi kundi buong pouch nya nasa loob. Naalala nyang bigla lang pala etong tumakbo sa loob ng stadium na walang dala kahit na ano. “ Hay!!! tatanga tanga ka pa rin nga talaga.. Do you have extra key sa bahay mo?”.. .. “ OO naman, pahiram na lang ng phone mo para makatawag lang sa bahay pahahatid ko na lang ang susi ko. “ malungkot na sagot nito..

Nakigamit sya ng phone ni Brice at tumawag sa mommy nya na na ipahatid sa kanya ang extrang susi ng kotse nito.
 “ Brice, mauna ka na lng muna pacencia na sa abala ha, baka ma late ka pa sa trabaho mo eh.. Hihintayin ko na lang si yaya muna dito.. “ sinabi habang binabalik ang phone.. At tumungin uli sa relo nito si Brice.. “ But.. ok ka lng ba dito..?” … “ hmmm... don't worry I'm fine maghihintay lang ako doon sa benches.. “ buti na lang sa labas ng stadium mayroong mini playground, slide, seesaws, picnic benches and tables.. Iniwan nito ang binata mula sa kinatatayuan at hinayaan na lang na makakaalis

Naglalakad sya patungong playground na nagmamaktol at lalo pang nainis sa sarili sa kapalpakan nito that morning. Umupo sya sa bench, hinilig ang ulo nito sa mesa unan ang mga braso. Halos makaidlip sa paggkainip.

Ilang sandali, may mainit na dumampi sa kanyang braso at bumangon eto sa pagkahilig.
“ Brice?... bakit hindi ka pa umaalis.. “ Bumalik ang binatang may dalang dalawang mainit na kape at burgers at umupo na rin sa harap ng dalaga.. “ ka.... …...” …. “ ay oo nga pala kasi kargo de koncencia mo pala ang hayaan na lang ang tatanga tangang tulad ko....” natahimik si Brice at hindi na nga natuloy ang sasabihin at nagtawanan na lang silang dalawa. “ Inumin mo yang kape habang mainit pa.. meron pa naman akong 15 minutes, naisip ko lang bumalik kasi baka kinakausap mo na ang mga langam at bubuyog dito. ” … alok nito habang sumisip sip na ng kape at kumakain ng burger habang ngumingiting nakatitig sa kanya si Amelie.. Kaya hindi nya magawang tumingin din dito. “ Thank you ulit ha.. I guess tama naman yung hula kong mabait ka naman, at dahil meron akong sense of gratitude kaya gusto ko lang naman sana makipagkaibigan.... Ang totoo kasi wala ankong kaibigan dito. “ nagsimula etong magkwento habang iniinom na rin ang kape. “ Bakit wala kang kaibigan?” ..
“ It's not na wala akong kaibigan, In fact I have a lot but then andun silang lahat sa Paris at Vancouver. Since I was little, we only came here less than a month for vacation every year. But when Dad passed away I decided to study in Paris and 6 years I wasn't able to come here again for vacation. Ngayon lang ulit.. ” …. “ Yung math notebook, how did you keep that 10 years long?” … “ I found that after you left that day of incident. I waited at the same place the following day to return that to you but I did not found you. And unfortunately that was the last day of our vacation that year. I left that safely in my cabinet at home in the village. The next four years of our every year vacation, I'm still coming back on that place and still I'm not lucky to find you. Not after almost 10 years, halos nakalimutan ko na nga ang araw na yun eh, until another incident again happened here to me. You appeared again at last.. “



….. “ Alam mo ba na kick-out ako ng math teacher sa classroom that day
dahil wala akong mapasang assignment. And that was my last days sa village. “ ...” Kaya pala hindi na kita nakita sumunod na mga taon.. .. Kung ganun since we're ok now, siguro naman we could be friends..”... “ hmmmmm.. Ok.. I'll think about it.. “ ngumingisi at loko nitong sagot kay Amelie.

Bago pa natuloy ang kanilang usapan, dumating ang Yaya ni Ame at dala na nito ang extrang susi. At kinailangan na rin ni Brice umalis. At may usapan sila muling magkita at sisikapin na talaga ng dalaga na gumising ng 5:00 AM susunod na araw. Pero bago sila naghiwalay ng landas. Nakipag kamay din sa wakas si Brice at sinabing.. “ Nice to meet you Amelie Mitchell “.....

Pag sakay nya ng kotse, tiningnan muna ang cellphone na naiwan din sa loob.
 She got 3 missed calls from Mrs. Lee at may mga text din eto reminding her of their meeting later for the list of entourage.

Ang tila sandaling nabalot ng saya na mood ni Amelie ay napalitan nanaman ang pagkayamot.

At habang tinatahak din ni Brice ang highway sa mabilis na pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo, napapangiti eto unconsciously habang may naiisip. Bumabalik sa alaala nito, sampung taon nakaraan may paghanga sya dito ngunit ito'y hangang tingin lamang. Because she was a princess and he's just a boy who can't find a real home. At kailan man hindi pumasok sa isip nya na ang babaeng tulad nya patiently keep coming back on that place where they met hoping she will meet Him again.

Nagkaroon na sya ng mga nakalipas na mga relasyon ngunit hindi ang mga iyon nagtatagal dahil sa uri ng kanyang trabaho.
Walang nagtyaga sa kanyang maghintay ng ganun.
“ Can we be friends? “ …...
“ Tama yun lang dapat Brice..... kaibigan lang at hwag na hwag kang lalagpas sa boundary na yun.. “ bulong nito sa sarili hangang sa nakarating na eto sa paroroonan.




















CHAPTER 6


Halos nakasanayan na ni Amelie ang gumising ng madaling araw dahil isang linggo nang naging daily routine nito ang pagkikita nila ni Brice sa Sports Center with coffee and breakfast together after jogging maliban sa araw ng Linggo na araw ng pag simba at pahinga. After nilang magkita nagiging abala naman sya pag gawa ng kanyang mga gown designs, meeting with Dianne, Mrs. Lee, and sa mga wedding planners. Sa ilang araw pa lamang na pag bonding ng dalawa unti unti na etong naging komportable sa isa't isa. Hindi na sya tinatawag ni Brice na bratty dahil hindi naman pala ganun si Amelie habang unti unti nya etong nakikilala.

Araw ng sabado habang nag-aalmusal sila sa isang fastfood napag-usapan nila ang lovelife. Naitanong ni Brice kung nasaan ang kanyang boyfriend, na ok lang ba dito na nakikipagkita sa kanya ang dalaga araw araw. ..

“ Masyadong strict si Daddy noon, and when he passed away mas lalong nakakatakot yung elder brother ko who took our Dad's place in the company and took over us na rin sa amin ni Mommy. Ang mga salita nun batas sa bahay. I can go out on a date, but I can't be in a serious relationship. Nakakatawa pero naiingit ako sa mga karaniwang babae. Hindi katulad nila hindi ako pwede umibig sa hindi nila gusto. “ …. “ Sobra naman pati puso mo manipulado ng kuya mo..” …... “ Tama, yun nga ang nangyayari, kasi sila yung pumipili at nagdedesisyun kung sino ako magpapakasal for the sake of business. Unfair diba? Pero wala akong magagawa yun na talaga ang batas ng pamilya namin eh, bata pa kame yun na angpinaregistro sa isip namin.. Kaya ganun.. … How about you? Baka naman biglang may susulong saken ang bigla akong sasabunutan ha na mamis interpret etong pagkikita natin. “
Napahalakhak si Brice.. “ Don't worry... walang sasabunot sayo... “ …..
“ Wala kang girlfriend? Weh... di nga.. sa itsura mong yan wala kang nabiktima? “
….” Ang mukhang eto lagi kasing iniiwan... “ tugon nito... “ Eh bakit naman? “
…..... “ Kasi hindi nila naiintindihan ang linya trabaho ko. Lagi ko silang nadidisappoint, at naiinip silang maghintay. Kaya mas minabuti ko na munang walang relasyon, no commitment. “
“ Ganun ba yun... Hwag kang mag-alala sigurado akong yung Ms. Right mo nariyan lang sa tabi tabi.
Hindi pa sa tamang panahon sigurong magtagpo kayo.. “
“ By the the way where you going after this? “ tanong ni Brice.. “ Dadaan ako ng mall may bibilhin lang akong CDs and DVDs sa music store..” …. “ Mahilig ka sa music”... “ Yeah, I'm very passionate with music and movies as well.” …. “ Kung ganun samahan na kita..”....
 “ Sure... pero wala ka bang work today? “... “ Hmmm.. suppose to be meron pero may ka meeting pa si Congressman... at makikipagkita sana ako sa kaibigan kaso may activities din daw pala sya sa school. Kaya day off ko ngayon. At uuwi ako mamayang gabi kay nanay Martha. Kaarawan nya pala kasi gusto ko syang handogan ng munting sorpresa. Mukhanag kakailanganin ko ang tulong mo. “ paliwanag nito...
“ Ganun ba? Sige ganito.. uuwi muna kasi ako ng bahay para makapagshower at magpalit ng damit... Kita na lang tayo later after lunch. Ok ba yun? “ …........ “ Sige, I'll just call you then.. “
At naghiwalay na sila ng landas pauwi at magkikita rin ulit ang mga eto mamaya.

Nasa mall na sila, una nilang pinuntahan ang tindahan ng mga CDs sat DVDs . Habang namimili si Amelie ng mga music albums, si Brice naman nas movie section. Napansin nitong mukhang may napiling DVD at binabasa nito ang contents. Ginulat nya ang binata nang biglang nasa tabi na eto at sinabi.. “ Mahilig ka pala sa classics?” …. “ Not really...” binalik ang hawak na DVD sa stand.. “ May napili ka na ba? “ … “ OO.. pipila na lang ako sa counter..” ….. “ Sige hintayin na lang kita sa labas .” .. Nang tumalikod at lumabas na si Brice, dinampot ni Amelie ang DVD na hawak nito kanina... Binasa din eto.

“ Tristan and Isolde ?“ napakunot ang noo nito.. “ Mahilig ka pala sa classic love stories ha...” natatawang bulong nito sa sarili at sinama na rin eto sa mga napili para bayaran sa counter.
Pagkatapos nila sa store na yun, tumungo na sila sa department store para mamili ng mga bestida, bag, at sandalyas para kay Aling Martha at pinabalot nila iyon sa gift box. At huling pinuntahan nila ang pastry shop at pizza house para magtake out ng cake at pizza. Mag aala sais na ng gabi nang makatapos sila sa mall at inibitahan ni Brice si Amelie ng dinner sa bahay ni Aling Martha, at pumayag din ang dalaga.

Kinarga nila ang pinamili sa kotse. At sakay ng motorsiklo pinangunahan ni Brice ang daan at sumusunod sa kanya si Amelie.

Pagdating nila nang bahay, halos katatapos lang ni Aling Martha sa pagluluto sa kusina. Tuwang tuwa etong sinalubong at nasorpresa sa daming regalo na dala ni Brice sa kanya. Pero mas lalo etong nasorpresa nang mapansin meron pala etong kasama .

“ Nay.. kaibigan ko nga pala si Amelie Mitchell. “ ….. “ Maligayang kaarawan po!” bati nito sabay nakipag beso sa medyo naguguluhan pang matanda.

Habang kumakain na silang apat ng hapunan masayang nagkukwentuhan ang mga eto. Kinuwento nila kay Aling Martha ang buong kwento kung paano sila naging naging magkaibigan. Nasabi pa ng matanda na mukhang espesyal sya kay Brice kasi sya ang ang unang babaeng dinala at pinakilala nito sa kanya. Namula ang pisngi ni Brice at medyo napahiya kaya iniba nya ang topic. Pagkatapos nilang kumain, nag-alok pa si Amelie na tulungan ang matanda sa pagliligpit at paghuhugas ng mga hapagkainan at mga hugasing naiwan sa kusina. Ngunit hindi sya pinayagan ng dalawa, sa halip pinagpahinga na lang nila eto sa sofa sa sala dahil halata na sa mukha na pagod na eto. Si Brice na lang ang tumulong kay Aling Martha.

Habang nasa sofa, nakaramdam na nga ng antok at pagod si Amelie kaya napahiga eto, at hindi nya namalayang nakaidlip na pala sya. Pagkatapos ng dalawa sa kusina, nadatnan nila na mahimbing na nakatulog eto. Gigisingin pa sana sya ni Brice, ngunit pinigilan sya ng nanay nya na hayaan na lang eto. Gabi na rin kasi at delikado na sa daan pauwi. Ikinuha nya na lng ng unan, kinumutan, at inayos ang ang pagkahiga nito. Umupo din eto sa kabilang couch na tinititigan ang dalaga habang mahimbing na natutulog, habang si Aling Martha pumasok na rin sa kanyang kwarto at nagpahinga.

May kung anong nag udyok sa kanya na lapitan eto at tinitigan ng napakalapit ang mukha ni Amelie. Parang gusto nitong halikan ang mapang akit nitong mga labi habang mahimbing na natutulog. Ngunit biglang gumalaw ng bahagya si Amelie, at natauhan eto at mabilis na bumalik eto sa kinauupuang coach. Hinagod nya ang kanyang dibdib at napabuntong hininga nang mapansin ang supot na nakapatong sa mesa. Parang supot eto galing sa music store na pinuntahan nila kanina. Kinuha nya eto at binuksan ang supot. Gulat nyang iyon ay ang hawak pala nya kaninang DVD na Tristan and Isolde. Napangisi na lang eto. Wala syang magawa at hindi rin makatulog kaya pinanuod na lang ang pelikulang iyon, para masagot na rin ang minsang nabitin nyang narinig na lecture ni Raphael.

Nalungkot sya at napaisip sa ending ng historical movie na yun dahil walang nagkatuluyan dahil naging malaya nga si Isolde pero namatay naman si Tristan. Inilagay nya ang sarili sa lugar ni Tristan, what if kung sa una pa lang naging matapang at ipinaglaban nya ang nararamdaman sa minamahal at hindi ito hinayaang mapagkalulong sa mahal na hari, magkakaroon kaya sila ng happy ending?

Habang nakabaling ulit ng titig kay Amelie. “ Kaya ikaw Brice hwag mong hayaan ang sarili na umibig sa isang tulad ni Amelie Mitchell dahil kahit kelan hindi magiging ganun kadali ang magiging sitwasyun kapag umibig ang isang hamak na kawal sa isang prinsesa. . “ .. bulong na paalala nito sa sarili.



CHAPTER 7


“ Baka naman tuluyan nang nahulog ang loob mo sa kanya ha.. Pre... I'm warning you, sa mga katulad ni Amelie hindi magiging madali yan. Maging handa ka na lang kung sakali. “ babala ni Raphael kay Brice habang may hawak silang tig iisang bote ng beer sa terasa ng bahay ng mga Dizon.
Minsan na rin kasi etong nagkaroon ng girlfriend na galing sa angkan ng mga Rich Traditional Chinese. Hindi nya eto nakatuluyan dahil hindi sya gusto ng pamilya ng babae. Bumalik ang girlfriend nya sa China at hindi na eto nakabalik at nakapag asawa na pala ng iba na gusto ng pamilya nito.

“ Hindi naman siguro mangyayari yun Pre.. At kung mangyari man, sisiguraduhin kong hindi ako magiging duwag at magkaroon ng ending na katulad ng nangyari sayo. “ ….. “ Naku.. sinasabi mo lang yan Pre.. tingnan na lang natin.. pustahan tayo dyan. “ ….....at nagkatawanan na lang silang dalawa.

“ Syanga pala.. Oh, eto baka sakaling may date ka sa Valentines . “ may dinukot na sobre mula sa bulsa nito si Raphael at inabot kay Brice.. “ Ano to...” binukasan ang sobre nang makita ang laman .
“ Two concert tickets?... saan mo naman nakuha to Pre.. Kanina lang binababalaan mo ako tapos ngayon bibigyan mo ako ng dalawang concert ticket para sa Valentines? “ tugon ni Brice habang tinitingnan ang tickets..
“ Masyado ka namang defensive Pre, wala naman akong sinasabi na si Amelie ang ka date mo... Pero.... kunsabagay wala namang ibang pwede mong maging kadate eh.. Siguro naman mahilig yun manood ng concert. Bigay kasi yan ng kaibigan kong DJ, eh hindi ko naman magagamit yan. “ …...
“ Siguro nga Pre kasi mukhang mahilig nga iyon sa musika.
Sige salamat dito,
susubukan ko syang yayain. “

Kinabukasan....

Habang nagkakape ang dalawa sa suking coffee shop tuwing umaga inabot ni Brice ang sobere kaya Amelie. ….
“ Valentine Serenade with Keith and The Band ? …. Oh My Gosh I like these balladeer band !!! “ napatatili eto ng sandali …...... “ Gusto mo bang manuod? “ …
“ Of course!! but wait... are you asking me for a date Mr. Castañeda? “
Halos mabulunan eto ng kape nang marinig ang mga sagot ni Amelie at pakiramdam nya uminit nanaman ang mga pisngi nito hangang tenga. “
“ Hi... Hindi sa ganun... Bigay kasi yan ng kaibigang DJ ni Raphael, sayang naman hindi naman nya magagamit yan.. At hindi din ako mahilig dyan.. Kayaa....... Kung gusto mo yayain mo yung P.A. mong si Dianne, dalawa kayo manuod..” …

Bulol at denial na paliwanag nito na hindi makatingin ng diretso ky Amelie at napahawak sya sa kanyang batok. Habang pabirong nakangiti ang dalaga sa kanya..
“ Naku hindi pwede si Dianne, my boyfriend yun and I'm pretty sure na sila ang magdedate.
Sige na.. ikaw na lang. Samahan mo ako dito, just for once please!! “
malambing na pagkukumbinsi nya kay Brice .
“ Sige na nga, pinipilit mo eh.. “ …....“ Thank You.. Ayan wala ng bawian yan ha .. “
Napangiti na lang si Brice habang tinitingnan si Amelie na parang batang kinikilig at excited habang nilalagay ang sobre sa bag.

Dumating ang araw ng Valentines at yun din ang araw ng concert. Dala ni Brice ang asul na kotse ni Raphael, sinundo nya si Amelie. Halos mahulog ang panga at tulala si Brice ng salubungin si Amalie paglabas mula sa kanilang gate.

Tumingkad pa ang kagandahan sa suot na hot pink sleeveless blouse tucked in with a floral black and pink skater skirt showing her flawless well shaped long legs at sapatos na pareho ang kulay sa kanyang blouse. Bumagay din sa kanya ang fish tailed hair do at ang kanyang light make-up.
“ You look wonderful tonight. “ puri nya dito bago binuksan ang pinto ng passenger seat.

Kasalukuyang nasa theater na sila at sobrang enjoy na enjoy si Amelie sa panunuod ng concert. Katulad ibang kababaihan doon nakikitili at nakikikanta na rin sya habang umaawit ang singer sa stage. Walang magawa si Brice kundi ang makisabay na lng sa trip ng dalaga, habang panay ang nakaw tingin nya dito.

Natahimik ang mga audience ng awitin ng banda ang makabagbag damdaming Truly, originally done by Lionel Ritchie.



♫♪♫♪♫♪♫
Girl, tell me only this
That I'll have your heart for always
And you want me by your side
Whispering the words I'll always love you
And forever I will be your lover
And I know if you really care
I will always be there
Now I need to tell you this
There's no other love like your love
And i,as long as I live,
I'll give you all the joy
My heart and soul can give
Let me hold you
I need to have you near me
And I feel with you in my arms
This love will last forever
Because I'm truly
Truly in love with you girl
I'm truly head over heels with your love
I need you, and with your love I'm free
And truly,you know you're alright with me
♪♫♪♫♪♫♪♫


Amelie was swaying her head with her both palms closed under her chin. Parang natamaan naman si Brice habang inaawit ng singer ang kanta na yun. Pakiramdam nya naka relate sya dito.
“ That's a wonderful song “. Bulong nito kay Amelie at nabasag ang konsentrasyon.
“ Yeah, and I I like that song very much, nakainlove... “
…....... “ Tama.. Mukhang nakakainlove love nga. “ sang-ayun nito sa dalaga.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Amelie, ang totoong ibig sabihin ni Brice ay mukhang naiinlove na nga sya sa dalaga.

After ng concert, napagkasunduan ng dalawa ang magpalipas nhg konting oras muna sa baywalk. Pinarking ni Brice ang sasakyan sa harap ng dagat at humimlay sila sa uluhan ng kotse. Malamig ang ihip ng hangin kaya pinasuot sa kanya ni Brice ang rugged jacket na suot nya. Tanaw ang mga bituin sa maailwalas na kalangitan, ini-enjoy nila ang take out na chicken at beer habang masayang pinag-uusapan pa rin ang concert. Hangang sa inabot sa seryoso ang usapan. Nang biglang nagpasalamat uli si Amelie sa kanya. Una ang akala ni Brice ang pagsama nya sa concert.

“ Salamat sa pagsama saken sa concert.. I really enjoy this night. Pero ang higit kong pinagpapasalamat kasi dahil sayo naging masaya ang mga nalalabi kong araw. “

Napabangon si Brice dahil nagulat sa mga sumunod na salita nito na nalilito kung ano ang ibig nyang sabihin. “ What do you mean, nalalabing araw? …. Mel, tell me...Are you sick? …. bulalas nito.

Bumangon din si Amelie.. “ No.... hindi ako mamamatay.. I'm very healthy kaya.. What I mean is....... Oh.... nakita mo yun Brice, may falling star. When I was a kid every night akong nag-aabang ng falling star to make a wish. It's a childish thing, but I want to do it again this time.. Ikaw din... let's dot it together. Let's close our eyes and make a wish.. “
“ Huh!! kailangan ba talagang gawin din yun... Ikaw na lang.. “ …
“ Sige na Brice.. Please !! “ nag aamen na pinapakiusapan eto.
“ Sige na nga... eto na pipikit na.. ikaw talaga … “
Habang nakapikit si Brice walang malay na tinititigan lang pala sya ni Amelie.. At nagulat na lng eto nang maramdaman ang pagdampi ng malambot na mga labi nito sa kanyang pisngi ng napakabilis. Nakamulat sya at napipipi.
“ Uwi na tayo Brice, it's getting very late. Maaga pa tayo ulit bukas bukas.” aniya habang naghahandang bumaba sa uluhan ng sasakyan. Ngunit bago pa sya makababa, biglang hinila sya ni Brice papalapit sa kanya. Gulat pa sya at susubukan pa sanang makawala sa biglang pagbalot ng mga makikisig na braso sa kanyang balingkinitang baywang at dumampi ang noo nito sa kanyang noo. Napakapit sya ng mahigpit sa kanyang dibdib na halos dinig na dinig na nya ang lakas at bilis na kabog ng kanyang puso. She closed her eyes and then she suddenly feel his warm soft lips against her. He kissed her and tuluyan nang nawala sa sarili si Amelie and she kissed him back.



















CHAPTER 8



Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse habang hinahatid ni Brice si Amelie sa kanilang bahay. Nakatuon lang eto sa manubela at sa tinatahak na daan habang si Amelie sa passenger seat ay halos mangawit na ang leeg sa kakatanaw lang sa bintana sa gilid nito. Napapakagat lang eto nang labi at hindi makatingin kay Brice. Parehong feeling awkward ang dalawa sa mga sandaling iyon.

Ilang saglit lang ay nakarating na sila ng mansion. Tinangal ang seatbelt at akmang bababa pa sana si Brice para pagbuksan ng pinto si Amelie, pero pinigilan sya ng dalaga dahil kaya naman daw nya, at hindi na nya pinalabas ng kotse ang binata. Nang nabuksan na ni Amelie ang pinto at dahang naibaba ang kanang paa mula sa kinauupuan, napalunok si Brice at nakakuha ng lakas ng loob para hawakan ang kaliwang kamay ng dalaga. Kaya napatigil si Amelie nang maramdaman ang ang mga kamay nito at napalingon sya sa binata.. Binigyan nya eto ng isang matamis na ngiti at mabilis na dinmpian muli ng isa pang halik sa pisngi sabay bulong ng “ Goodnight”. Pagkatapos ay dali daling bumaba na ng kotse at sinara agad ang pintuan nito. Bahagyang napatawa na lang si Brice habang hinahaplos ang kaliwang pisnging dinapian ulit ng mga malalambot na labi ni Amelie.
“ Magkita tayo ulit bukas “.. pahabol na lang nya dito habang dahang naglalakad ng paatras patungong pintuan ng gate si Amelie at kumakaway ng paalam sa kanya. Ilang saglit ay nagdoor bell na sya at nabuksan naman agad ng yaya nya..
“ Ingat sa pag-uwi Brice..” bilin pa nito sa binata bago tuluyang pumasok ng gate. Pagkapasok ni Amelie pinaandar agad ni Brice ang kotse at agad na ring umalis. At pangiti ngiting tinatahak ang daan palabas ng village.

Nang nasa loob na ng mansion si Amelie at paakyat na eto ng hagdan patungo sa kanyang kwarto. “ Ma'am dumating po pala si Sir Adrien at pinagbilin po saken na kapag dumating kayo puntahan nyo daw sya agad sa library, kanina pa po sya naghihintay doon sainyo. “
“ Huh!!! andito si Kuya ?.... … sige yaya thank you, magpahinga na kayo.. didiretso nako sa library.” At tumuloy sya sa pag-akyat ng hagdan ngunit patungo sa library. Hindi na sya nagtaka sa biglaang pag-uwi ni Adrien dahil ganun talaga ang kanyang kuya kapag may mga emergency na aasikasuhin sa mga company branches nila dito sa Pilipinas agaran na etong umuuwi na hindi man lang nagpapaabeso. Tatawag na lang eto kapag nasa Airport na at magpapasundo sa company service.

“ Hindi mo man lang ba napapansin kung anong oras na Amelie? Sa palagay mo tamang gawain ba iyon ng isang babaeng ikakasal? Kung nasanay sa hangang umagang lakwatsa sa Paris, well ibahin mo na ngayon Amelie. At sino ang kasama mo hanggang dis oras ng gabi? “
Bungad agad ni Adrien sa pagpasok pa lang nya sa pintuan ng library at hindi pa nakapagsalita.
“ Nagdinner at nanood ng concert lang naman ako kasama si Dianne kuya... May masama ba doon? … Sinusunod ko naman lahat ng gusto mo kuya ah. Hwag mo naman sana ipagkait na mag-enjoy ako ng kahit konti bago haharapin ang isang responsibilidad ng pagpapakasal ko sa taong hindi ko pa kahit kelan namemeet in person, dahil sa yun ang gusto nyong mangyari, hindi naman ako kahit kelan na kumontra.” defensive na sagot nito sa kapatid.
Tiniklop ng kapatid ang newspaper na binabasa at dahang tumayo palalapit sa kanyang kinatatayuan malapit sa pintuan ng libaray.
“ Sinasabi mo bang si Dianne ang kasama mo? I called her at hindi raw kayo magkasama. And we are trying to call you several times hindi ka sumasagot. “

Napalunok si Amelie at hindi na malaman ang isasagot sa kapatid at napahigpit na lang ang paghawak sa handle ng bag nito.

“ I don't care who the hell is this person you are playing right now Amelie, pero kailangan mo nang tapusin ang kahibangan mong ito dahil darating na si Garret sa Linggo. At matulog ka na dahil simula bukas sasama ka na sa akin sa pag punta sa branches at pag attend ng mga meeting. “
“ But alam mo naman kuya na kahit kailanma'y hindi ako naging interesado sa mga activities nyo ni Daddy. “ protesta pa nito sa kapatid.
“ Masyado kang naging spoiled ni Daddy noon. Magiging asawa ka ng isang napaka prominenteng si Garret Lee kaya kailangan hindi ka lalabas na tatanga tanga sa larangan ng business. At isa pa may plano ka rin magtayo ng negosyo diba. Kakailanganin mo din yun Amelie, hindi lang ang pag gawa ng design ang iyong aatupagin. “

Matapos magsermon ni Adrien nauna na etong lumabas ng pintuan ng libraray, matamlay naman na sumunod si Amelie patungo ng kanyang kwarto. Pagkapasok ng kwarto pinatong ang bag sa ibabaw ng dresser at nakatihayang binagsak ang katawan sa kama habang malayo ang isip na nakatingin sa kisame and suddenly she screamed rolling on her bed at napayakap ng mahigpit sa unan nito. Halo halo ang nararamdaman ni Amelie. Nawiwindang at kinikilig sa mga tagpo kanina lang habang kasama si Brice, ngunit may halong inis at lungkot na eto ngayon. Bumangon sya at nagtungo sa banyo para magshower.

Habang nakapikit eto at sinasalubong ang pagbagsak ng tubig mula sa shower ay muling naiisip nito ang binata. Pabalik balik na nagflashback ang mga pangyayari. Ilang segundo lang naman ang halikan na iyon pero bakit tila parang pakiramdam nya aabutin sya ng forever para makamove on, she still feel that sting of warm soft lips pressing against her lips.

It was almost 2:00 AM nang matapos syang magshower and ready for bed. Kinuha nya ang phone mula sa kanyang bag at nakita nyang napakarami ngang miss call from her mom and kuya Adrien, hindi nya eto napansin dahil naka silent pala ang phone. She got one new message. Humiga sya sa kanyang kama nang binanasa ang new text message at galing yun kay Brice.
“ Goodnight Mahal na Prinsesa.. See you again tomorrow. “ …... napangiti syang tila nalulungkot din nang mabasa ang text and she replied na hindi sila magkikita bukas at hindi pa nya masasabing kailan pa ulit sila maaring magkita. “ ….. Brice replied wondering why, if it is because of just what happened to them earlier.. He said sorry and promised it would never happen again. She just replied simply explaining , My Brother Adrien is here at isasama nya ako sa business meeting at branches visit at sinabi na ring Goodnight at last text nya na iyon for tonight, at nais na nyang magpahinga.
Ang totoo ay gusto nyang sabihin sa binata ang kanyang sitwasyon na ikakasal na sya in less than a month from now. Pero bakit hindi nya kayang sabihin. Parang pakiramdam ni Amelie ng mga sandaling ay gusto nyang tumakas at magtago. Sa unang pagkakataon gusto nyang baliin ang ang batas ng Kuya nya at hindi nito ituloy ang pagpapakasal. But she was helpless, kung pwedeng maging matapang sya sa pagharap ng mga consequences na kontrahin ang kagustuhan ng Kuya nya, hinding hindi naman nya magagawa ang hindi tuparin ang pinangako sa yumaong mahal niyang Ama.





Ilang araw ang lumipas....

Hindi maasinta ni Brice na matamaan ang center ng target sa fire shooting at napansin eto ni Raphael, kaya niyaya nito na magbreak muna. Nagpalamig muna ang mga eto sa cafeteria ng camp.

“ Anong problema pre... ang layo yata ng isip natin ngayon ah.. “ … “ Ok lang ako Pre.. pagod lang siguro ako at matagal tagal na rin kasi akong walang practice kaya hindi ako asintado ngayon.. “

Hindi kumbinsido si Raphael sa paliwanag nito dahil kilalang kilala nito ang kaibigan.

“ Yung si Amelie mo, kamusta kayo? Mukhang hindi mo na sya yata nababangit ah..”






“ Ah.. yun... busy yata.. dumating kasi ang Kuya nya at sinasama eto sa business trip nila dito sa bansa... But I'm trying to send her messages at kinakamusta sya hindi din sya nagrereply eh. “
“ So... tama ba ang iniisip ko namimiss mo sya noh... Sabi ko nga ba eh, pano yan Pre, mukhang mananalo ako sa pustahan.” …..
“ Loko loko ka talaga, akala ko concern kana saken.”
“ Pero hinay hinay lang Pre ha... Pero, teka lang... Pagkatapos mo syang halikan, ano na ba kayong dalawa? … Pre, hindi ba kaya talagang iniiwasan kana nun? Eto lang mapapayo ko sayo bilang kaibigan. Pre, hwag kang masyadong umasa. “
Napabuntong hininga na lang eto at napapaisip din sa mga binitawang salita ng kaibigan.





Dumating ang araw ng Linggo, ang inaasahang pagdating ni Garret sa Pilipinas. Galak na galak na sinundo sya ni Ginang Lee sa airport kasama si Amelie. Sinalubong ng mahigpit na yakap ng ina si Garret sa Arrival Waiting Area. Malayo palang kumakaway na papalapit si Garret sa kanila tulak ang bagahe nito. Casual lang eto sa suot na blue sweater shirt and jeans and his hair was nape level length wet look brushed up. Napakalayo sa iniexpect ni Amelie ang itsura ni Garret in person dahil nakabonnet eto tuwing nag-uusap sila thru webcam.

Pagakatapos sa ina bumaling din sya kay Amelie at binati din eto ng yakap. “ How are you my dear? “ bulong nito sa fiancee habang niyayakap. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Amelie sa kanya, sa palagay nya tama lang ang naging kutob niyang hindi sya mahihirapang mahalin si Garret.


Kinuha na ng driver ang mga bagahe ni Garret at dinala sa sasakyan. Akbay nya sa kanan ang kanyang mommy at hawak naman ng kaliwang kamay nya ang kamay ni Amelie habang papalabas na ng airport. Panay ang sulyap ni Amelie sa tuwang tuwa na nakauwing binata. Bakit pakiramdam nya parang si Brice lang ang kasama nya sa mga oras na iyon. Sobrang namimiss nya lang ba eto at nakikita nya na si Brice sa greenish gray eyes din nito? Nakasuot nga lang si Garret ng makapal na lenteng salamin, pero ang mga mata nito ay katulad na katulad din ng mga mata ni Brice.











CHAPTER 9


Dumating sina Garret kasama ang kanyang Mommy at Daddy sa mansion ng mga Mitchell para sa isang family dinner. Iyon ay para mapag-usapan na rin ang public announcement at formal engagement party nila Garret at Amelie. Pagkatapos ng dinner, pasado alas otso na nang gabi nang imbitahan ni Garret si Amelie lumabas. Hinayaan lang sila ng kani kanilang pamilya para magkaroon din naman ng solo moment ang dalawa.

Komportable lang si Amelie kasama si Garret at approachable etong kausap. Hindi nga lang sya taklesa kumilos, hindi eto madaldal, kung ano lang itatanong ni Garret yun lang din sasagutin nya. Hinahayaan nyang pagbuksan sya ni Garret ng pintuan sa passenger seat ng kotse, bagay na hindi nya ginagawa kapag si Brice ang kasama nya. Komportable nga sya kay Garret, but with Brice she can be with herself pwera lang ang ipagtapat ang status ng kanyang buhay at kung ano ang dinaramdam ng kanyang puso.

“ Where are we going ? “ ….... nakangiting liningon sya ni Garret habang nagmamaneho,..
“ Hindi mo pa na meet ang buong pamilya ko eh.. “ …. “ Do you mean we are going to meet your other relatives tonight? Tugon pa ni Amelie.. “ Maybe on our engagement party but not tonight.. but we are going to meet my brother . He will be my best man for our wedding. I just promised Him na ipakilala ko ang kanyang magiging sister in law sa pagdating ko dito sa Pilipinas. Nagulat kasi yun at medyo nagworry nang malaman agad akong ikakasal. “
“ Brother... You have a brother? “.. nagtaka eto dahil sa pagkaalam nya unico hijo lang si Garret at wala naman eto sa Family dinner....


“ Yes, I have a brother. I understand naguguluhan ka sa ngayon but later I'm sure you will understand.. “

Hangang sa nakarating na sila sa isang classic cozy bar malapit sa bay walk.

“ Here we are.. Hintayin na lang natin sya sa loob. He will be late a little daw dahil may pinahabol pang pinagawa ang Boss nya. Hay.. Ever since this kid never changed.. He always makes me wait. “ pabirong reklamo pa nito habang tinatangal ang seatbelt at unang bumaba ng kotse para pagbuksan si Amelie ng pinto.

Pagbaba ni Amelie ng kotse nalanghap agad nya ang simoy at lamig ng hangin at kita ang view ng baywalk. Biglang may naalala tuloy at napalayo ang tingin.

“ Are you alright my dear. Are you not feeling well? “ Worried na inalalayan sya ni Garret at hinubad ang suot na formal coat at inalagay kay Amelie..
“ Oh.. I'm fine. I just remember something, but never mind about it.. Let's get inside? “
At hindi na rin nag atubili pang magtanong si Garret at pumasok na sila sa loob ng bar.

Maraming tao sa loob ng bar nang gabing iyon, at halos lahat ng customers ay mukhang sophisticated. Buti na lang at nakareserve na ang regular na pwesto ng magkapatid tuwing nagkikita sila dito. Nakaagaw pansin agad kay Amelie ang maliit na stage at babaeng kumakanta ng jazz and ballads accompanied by a male pianist.

Habang nagseserve ang waiter ng order nilang drinks at finger foods, nagriring ang cellphone ni Garret, nangagaling yun sa assistant nya na iniwan sa U.S.. Kinailangan nyang iwan ng sandali ang dalaga para sagutin ang tawag, habang ito'y nalilibang naman sa nagpeperform sa stage.

“ Amelie? ...” Nagulat sya nang makitang nakatayo si Brice sa harap nya.
“ Brice? Ano ang ginagawa mo dito? “ …. tanong ng nagsisimula nanamang maguluhang si Amelie.
“ Diba dapat ako magtanong nyan? “..... bago pa makasagot ang dalaga ay...
“ Oh.. Bro... finally you're here..” …. Biglang sulpot ni Garret at tinapik agad sa balikat si Brice.
Kumukunot nanaman ang noo ni Amelie...
At biglang napansin ni Garret nag-uusap ang dalawa ng dumating sya.
“ Umupo muna tayo bro.. Nagkakilala na ba kayo ni Amelie?.. “
Naunang umupo si Garret sa couch katabi ng dalaga.. at dahan dahan na ring umupo sa kabilang couch at tumitingin kay Amelie na ang mata ay parang humihingi ng explanation. Samantalang napuno ng tensyon ang pakiramdam ni Amelie at hindi napansin na isang lagok nya lang ang kanyang isang basong flavored vodka.
“ So ano.. ano magkakilala na ba kayo. Kung hindi pa... Well, Amelie, That's my brother Brice.. and bro.. here she is Amelie my fiancee. “
Napalunok si Amelie...
“ Yes, I already know her..... she.....” before pa nakapagpatuloy ng magsalita si Brice,
“ Remember I mentioned to you once sa chat na nagjojogging ako sa sports center every week days morning. Andun din kasi si Brice, that's where we knew each other. “
“ Oh.. I see... Well , there's no need na pala to introduce you more.. “

Umorder si Brice ng red horse. Habang pakiramdam namn ni Amelie ay para na syang lalagnatin sa mga nakakastress na mga pangyayari sa mga oras na iyon. Kaya iniwan nya muna ang dalawa para pumunta ng C.R.

Parito't paroon si Amelie sa loob ng C.R. Habang pinapaypay ng kamay ang sarili at napabuntong hininga na humarap sa salamin.

“ Bakit naman kasi sa dinadaming lalaki dito sa Pilipinas at kayo pa ang magkapatid. Relax lang Amelie... relax yourself... everything will be alright. “

Kumuha lang eto ng buwelo at bumalik sa kinaroroonan ng dalawa. Ngunit pagdating nya doon wala si Garret. Sandaling lumabas eto ulit para sagutin uli ang phone call.

“ I guess you awe me an explanation Ms. Mitchell..” baling agad ni Brice sa kanya.

“ Nakita mo nga diba.. Hindi pa ba malinaw sayo.. I'm getting married..
But sorry that I don't have any idea he was your brother. “

“ I mean, bakit hindi mo man lang na mention na ikakasal ka na pala.
You told me wala kang boyfriend. How about me.. How about us.. Yung mga pinaramdam mo saken, Para saan yun? Is it just all for your stupid game? Huh !! “

“ I'm a brat right?.... there's no us Mr. Castañeda at huwag mo nang ipilit na sagutin ko ang mga katanungan mo dahil baka hindi mo magugustuhan ang mga isasagot ko. “

Biglang sumulpot ulit si Garret.
“ Pasensya na, may konting problema lang kasi sa U.S. But it's done, my assistant just requested some of my confirmations. So... mukhang seryoso pinag-uusapan nyo ah. “

“ Not really bro, I'm just telling my sister in law to be about my job. “

Ilang saglit na nabalot ang katahimikan sa tatlo nang biglang naagaw ang pansin nila nang tawagin ng singer si Garret.

“ May we request on Mr. Garret to invite his woman in the dance floor? …...
And the rest of the couples out there please join the soon to be married couple. “

Halatang magkakilala pala ang singer at si Garret dahil kumakaway eto sa kanya at kinukumbinsing isayaw si Amelie.

“ Can I have the honor my lady? “ hindi na nagawang tumangi ni Amelie kahit parang ayaw nito. Baka mapahiya si Garret kapag tumangi sya.

“ Will you excuse us muna bro?.. “ paumanhin nito sa kapatid..
“ Go... and enjoy … “ tugon naman kaagad ni Brice. Pero nakailang bote na sya ng red horse at nang naiwan sa couch nagpadagdag pa eto sa waiter. Nang biglang may matangkad na babaeng nakapula at maigsi ang blonding buhok na lumapit kay Brice. May hawak pa etong isang goblet ng wine na umupo sa arm ng couch na kinauupuan ni Brice at inakbayan ang binata. Mula sa dance floor kitang kita iyon ni Amelie.

“ Ows.. masama yata ang mood natin ah. Bakit kasi wala ka ring ka date naNg hindi ka out of place sa brother mo at fiancee nya. O baka naman may gusto ka dun sa babae... Mukhang tama ba ako? Hay... pansinin mo nalang kasi ako nang hindi ka nag-iisa.. “

“ Stop me Rhian..” habang tinatangal ang kamay ng babae sa balikat nito. “

“ Wala rin akong kasama. Alam mo talong talo ka pag namukmok ka lang jan. Halika na nga.. “ habang sapilitang kinuha ang hawak na bote ni Brice at hinila eto sa dance floor sa tabi ng dalawa.

Akmang babalik pa sana si Brice sa pwesto ngunit nahuli nyang panay ang sulyap ni Amelie sa kanila na nanlilisik ang tingin na parang naiinis. Napaisip na isa etong magandang ideya para patuloy pang inisin si Amelie. Dinampot nya sa baywang si Rhian at magkalapit na magkalapit sila at binalot nya eto ng yakap habang sumasayaw na gustong gusto naman eto ng babae.

Habang kasayaw si Garret, biglang napatigil si Amelie at niyayaya na ang fiancee na umuwi dahil nahihilo na at hindi na nya daw kaya ang sama ng pakiramdam. Nagpaalam si Garret kay Brice sa pamamagitan ng pagtapik nito balikat ng kapatid sabay bulong,
“ Mauuna na kame Bro... Just enjoy your night … “ at tuluyan na nilang iniwan ang dance floor.

Bumalik sila sa couch para kunin ang naiwang gamit at nag-iwan si Garret ng credit card sa pinagkakatiwalaang waiter. Nang tuluyan ng nakalabas ng bar ang dalawa, kumawala agad si Brice kay Rhian telling her tapos na ang palabas. At iniwan na rin ang babae sa dance floor at sumunod na rin syang lumabas ng bar.

Parang racing highway lang ang daan sa sobrang bilis na pagpapatakbo ni Brice ng kanyang motor patungo sa mataas na bahagi at rural na look na ng Santa Catalina. Tumigil sya sa isang bakanteng loteng bangin na overlooking ang mga ilaw ng syudad. Humiga sya sa manipis na damuhan tanaw ang mga bituin unti unting natatabunan ng mga ulap sa malungkot na kalawakan. Hinahagod at kinakatok nya ang dibdib dahil parang may kung anong nakabara dito at hindi sya makahinga. Sa pagpikit nya ay tuluyan nang bumagsak sa gilid ng mga mata ang kanina pang namimintanang mga luha.

Nagkaroon na dati si Brice ng mga nabigong relasyon. Ngunit sa unang pagkakataon ngayon lang sya nasaktan ng isang babae ng ganun.

Hindi rin makatulog ng mga gabing iyon SI Amelie. Hindi matanggal sa isip nya si Brice. Naiinis sya hindi dahil sa may intimate na kasayaw eto kanina. Alam nyang sinadya ni Brice na inisin sya. Naiinis sya sa paglalaro ng tadhana sa kanila. Naiinis sya dahil nasaktan nya ang binatang namimiss at gustong gusto nyang yakapin sa mga sandaling iyon, sa halip kinailangan nya pa etong itaboy. Nakita na nya sa wakas ang matagal nag hinanap na Knight In Armour ngunit kailangan nyang isuko for the sake of her Prince.

Sinalpakan nya ng headset ang mga tenga at full volume na pinatugtog ang mga paboritong kanta mula sa kanyang Ipad. Nang tumugtog ang kantang “ Lady by Lionel Ritchie “.

Lady, I'm your knight in shining armor and I love you
You have made me what I am and I'm yours
My love, there's so many ways I want to say I love you
Let me hold you in my arms forever more

You have gone and made me such a fool
I'm so lost in your love
And oh, we belong together
Won't you believe in my song?
Lady, for so many years I thought I'd never find you
You have come into my life and, made me whole
Forever let me wake to see you each and every morning
Let me hear you whisper softly in my ear

In my eyes I see no one else but you
There's no other love like our love
Oh yes, I'll always want you near me
I've waited for you for so long

Oh, Lady, your love's the only love I need
And beside me is where I want you to be
'cause,'cos, my love, my love, there's somethin' I want you to know
You're the love of my life, of my life, you're my lady...You're my lady

“ I'm sorry Brice... I'm sorry...”
Bulong nito sarili at napayakap na lng ng mahigpit sa kanyang unan covering her face at napahagulgol sa pag iyak.
CHAPTER 10


Ilang araw ang nakalipas ang gabi nang naging rebelasyon kay Amelie na half brorthers pala sina Garret at Brice. Simula ng kaganapang iyon ay hindi na nagparamdam pang muli si Brice kay Amelie, naging mailap na din ito kay Garret. Laging syang may alibi sa kapatid sa tuwing iniimbitahan nitong magkita lalo na kapag kasama si Amelie, na medyo ipinag-alala na rin ni Garret.

Dumating ang gabi ng engagement party nina Amelie at Garret na ginanap sa resort Hotel na pagmamay-ari ng mga Lee. Hindi nalulugar ang mga mata ni Amelie sa pagsulyap sulyap sa mula entrance ng at sa buong paligid ng venue, wari'y may hinihintay na dumating. Habang ito'y nakakapit sa mga bisig ni Garret at may kung sino sinong mga bisita ang lumalapit at kumakausap at bumabati sa kanila at halos mangawit na ang kanyang mga panga sa kakangiti, mga ngiting nagkukunwari. Alam nyang hindi na nya dapat asahan na darating si Brice lalo na't engagement party nila yun ni Garret, subalit nagbakasakali pa ring makakadalo sya. Kaninang umaga lang tumawag na nagpaalam si Brice ky Garret na susubukan lang nya kung makadalo sa party pero hindi sya sigurado dahil sa naging Panauhing Pandangal si Congressman Dizon sa kapistahan ng isang malayong rural na barangay sa ng kanilang bayan.

Dumating sa party ang kaibigan ni Ginoong Lee na ninong ni Garret. After na makipagkilala ng Ginoo kay Amelie ay hinanap nito ang Daddy ni Garret. Lumingon lingon sila sa buong paligid ay hindi nila makita si Mr. Lee, habang nakita naman nila sa di kalayuan si Madam Lee na busy rin sa kachikahan si Ginang Mitchell at mga kaibigan nila na nasa party. Dahil hindi pa mahanap ang ama nag-usap muna ang mag ninong tungkol sa business at hindi naman si Amelie maka relate, kaya nagsuggest syang iwan muna ang mag ninong at hahanapin nya si Ginoong Lee.

Naglakad lakad si Amelie hangang sa nakaabot sya sa likod ng venue na walang tao at nakita nya si Ginoong Lee na mukhang hindi mapakali. Nilapitan nya eto at may kausap pala sa cellphone mukhang emergency at hindi nya sinasadyang marinig ang sinasabi nito sa kinakausap eto sa cellphone.
“ Anong nangyari kay Brice....... Saan... saang ospital..”

Nang marinig iyon, nabitawan ni Amelie ang hinahawakang wine glass at nabasag sa harap nito kaya napansin sya agad ni Ginoong Lee..

“ I'll be there in a moment... I'll call you back.. “ pagtatapos ni Ginoong sa kausap sa cellphone.

“ Dad.. what happened? “ nag-aalalang tanong ni Amelie..
“ Hija... bumalik kana dun sa loob and tell Garret na may pupuntahan lang akong importante sandali. “
“ May nangyari po ba kay Brice? “ sinusubukan nyang pigilin ang sarili na hindi pahahalata na sobrang nag-aalala sya.

Pabalik na sana sa syudad ang convoy ni Congressman nang sa kanila'y may nang ambush. Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa magkabilang panig. Nahuli rin sa huli ang mga salarin ngunit sa kasgsagan ng mga kaganapan may ilang myembro di ng grupo nila Brice ang nasaktan at nasawi. At sa responsibilidad nyang proteksyunan si Congressman tumama sa kanyang likod ang ilang balang tatama sana kay Congressman. Si Raphael pala yung tumawag kay Ginoong Lee.

Bumalik sa party medyo wala sa sarili at sinabi kay Garret ang tugon ni Ginoong Lee na aalis eto at hindi muna sabihhin ang totoong dahilan dahil baka ikasira eto ng gabi at lalo nanamang maiinis ang mommy ni Garret. Ngunit napansin ni Garret na wala sa srili at halatang hindi mapakali si Amelie.

“ What's wrong my dear? “ nag-aalalang tanong ni Garret... Sandaling humingi ng paumanhin si Garret sa Ninong na kausap at dinala si Amelie sa labas. At pinilit nya si Amelie na sabihin sa kanya kung ano ang nangyayari dahil sa kinukutoban talaga eto sa galaw at reaksyon ng dalaga. Nang sinabi lahat ni Amelie ky Garret ang narinig sa Daddy nito ay hindi nagdalawang isip ang binata at hinila sya papunta ng kotse at iniwan na rin nila ang party.

Pagdating nila ng ospital, naipasok na ng operating room si Brice at nadatnan nila si Ginoong Lee na kausap ang isa sa mga Doctor na sinasabing critical ang lagay ni Brice, na hindi nila masisigurong mailigtas eto subalit gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya at pinapirma nila ang Ginoo ng waiver. Sumunod ding dumating si Congressman kasama ang iba pang bodyguards nito at si Raphael. Inimbitahan ni Congressman si Ginoong Dizon sa lounge ng ospital para makausap at sumunod din si Garret, samantala naiwan si Amelie at Raphael sa labas ng operating room.

“ If I'm not wrong, You are Amelie? “ …........ “ Yes... I am.. ikaw ba si Raphael? “
“ Yes... nice to meet you then.. “ nakipagkamay kay Amelie.. Habang silay nakaupo sa waiting bench sa labas ng O.R. At nakasandal sa dingding.
“ Narinig ko sabi kanina ng doctor maaring hindi raw nila mailigtas si Brice …. Alam na ba eto ni Nay Martha? “ mukhang wala pa rin sa sarili na kinausap si Raphael.
Napalingon si Raphael sa kanya at napansing medyo nanginginig eto at namimintana ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumayo eto at iniwan ang dalaga para kumuha ng inuming maligamgam na tubig para sana dito ngunit wala na si Amelie sa kinauupuan nya kung saan nya ito naiwan. Hinanap nya ang dalaga, napansin nyang sa di kalayuan pala ng O.R. Ay naroon ang isang maliit na chapel ng ospital. Nakita nya si Amelie nakaluhod at mataimtim na nagdadasal sa unang upuan sa harap ng altar. Pumwesto si Raphael sa likuran nya at nagdasal na rin. Pagkatapos ni Amelie magdasal at tumayo mula sa pagkaluhod at namamaga pa nag mga mata. Umupo muna eto sa silya para kumuha ng buwelo bago lumabas ng chapel dahil hindi dapat mahalata ni Garret na umiiyak sya. Biglang nagsalita muli sa Raphael mula sa kanyang kinauupuan sa likuran niAmelie.
“ Matibay yung kaibigan ko... Hwag kang mag-alala mabubuhay sya. “
biglang ikinagulat ng dalaga at nilingon eto.. “ Kanina ka pa ba riyan? “
“ Hindi naman masyado.... Eto inumin mo muna.. “ inabot ang tubig habang lumilipat sa tabi ng dalaga... “ Mahal mo ba si Brice..”...
derechong tanong pa ni Raphael nang nakaupo na eto sa tabi nya.
“ Huh... ano ba ang pinag-sasabi mo? Naging kaibigan ko rin sya, syempre hindi ko rin maiwasang mag-alala. Wala naman sigurong masama doon. “ depensa naman kaagad ni Amelie
“ Alalahanin mo Mel na sa chapel tayo, hindi ka dapat nagsisinungaling. “
Biglang napikon si Amelie sa pagiging pranka ni Raphael .
“ Salamat dito sa tubig ha.. maiwan na kita .” mabilis na tumayo si Amelie at lumabas sa chapel, nagkataon na bumalik na rin si Garret at si Mr. Dizon sa waiting area ng operating room.

Kinumbinsi ni Ginoong Lee na bumalik na ang dalawa sa party dahil tawag ng tawag na si Ginang Lee at napapraning na hinahanap na sila. Umalis na nga ang dalawa sa ospital at bumalik sa party sa pangako ng Daddy na babalitaan sila agad sa magiging resulta ng operasyon ni Brice.

Sa kabutihang palad nadinig ang dasal ni Amelie at matagumpay naman ang operasyon. Subalit ito'y nanatiling walang malay ng ilang araw pa sa ICU at patuloy pang inobserbahan. Sa panahong iyon ay walang nakakaalam na araw araw pala syang binibisita ni Amelie.

Isang araw, mula sa crystal view ng ICU ay nakita nyang wala na doon si Brice. Napatanong sya sa isang nurse na dumaan at sinabi ng nurse na nagising na ang pasyente at kakalipat lang sa Rm. 307. Agad namang tinungo ni Amelie ang kwartong iyon para kumpirmahing mas mabuti na ang kalagayan ni Brice.

Nasa harap na sya ng pinto Rm. 307 ngunit nag-aalangan pang kumatok. Nagulat sya ng hindi pa sya kumakatok ay bumukas na ang pinto, buti na lang si Aling Martha ang lumabas. Laking pasasalamat ni Aling Martha nang makita si Amelie dahil balak nya sanang bumaba ng sandali para makabili ng pagkain ngunit nag-alalang iwan si Brice sa loob. Sasaglit na sana ang matanda habang ito'y tulog dahil kakainject lang ng gamot. Nakumbinsi sya ni Aling Martha na maiwan muna.

Nnakaupo lang sa tabi ng kama na hinihintay nyang bumalik si Aling Martha habang pinagmamasdan lang ang namumutlang mukha ni Brice. Pero mukha pa rin etong prinsipeng matagal lang nakatulog. Unti unting ginalaw ni Amelie ang kanyang mga kamay para mahawakan sana ang kaliwang kamay nito subali't biglang bumukas ang pinto. Agad naman nakabalik si Aling Martha. Gusto man ni Amelie na manatili pero kailangan nyang umalis bago pa gumising ang binata.

Gising si Brice sa tuwing bumibisita sa ospital Raphael at Congressman, ganun din si Garret at Daddy nila. Isang beses, lokong tinanong ni Brice si Garret kung nasaan ang sister in law to be nya, na ipinagkibit balikat na lang ni Garret dahil niyayaya nya naman daw ngunit ayaw nitong sumama sa kadahilanang marami etong ginagawa. Kahit nandun din si Raphael, hindi pa nya nagawang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa pag-uusap nila ni Amelie at napansin nito sa dalaga dahil gusto nya na rin maka pag move on kaagad ang kaibigan paglabas nito sa ospital.

Kinabukasan....

Araw ng Linggo pagkatapos magsimba at maglunch, nagpahatid na agad ng bahay si Amelie kay Garret dahil masakit na daw ang ulo at gusto munang magpahinga. Pagdating ng bahay nagpahinga lang eto ng saglit at naghanda na pag-alis. Tuwing als dos ng hapon , yun ang oras na bumibisita si Amelie sa ospital, oras na natutulog pa si Brice. Kakapasok lang nya ng kotse nng tumawag si Ginang Lee sa kanya na samahan sya sa mall. Katulad din ng dahilan nya kanina kay Garret ang naging dahilan nya sa Madam.

Dumaan muna sya ng fruit stand para bumili ng mga prutas na dadalhin, nang hindi nya namalayang nadaanan sya ni Ginang Lee. Biglang nakaramdam ng pagdududa ang Mommy ni Garret sa kakaibang kinikilos ni Amelie lately, kaya lihim nitong sinundan ang dalaga. Walang kamalay malay si Amelie, mukhang masaya pa etong pumasok ng kotse bitbit ang fruit basket.

Pagdating nya ng ospital, tamang tamang nga ang dating nya at tulog nanaman an binata. Nagpaalam na naman si Aling Martha ng saglit para naman makauwi at babalik din naman kaagad.

Inilapag nya ang fruit basket at pumwesto na muli sa tabi Brice. Kung ano ang pumasok sa isip nito at sa pananabik na kahit sa nakaw na pagkakataon ay mayakap nya ang binata.


Nasa kaliwang braso ni Brice nakakabit ang dextrose nito. Kaya pinili nyang lumugar sa kanan at tinabihan nya etong bahagyang nakahilig sa sa kanang balikat ng binata, lifting his right arms for her to hug and hold. Hangang sa hindi nya namalayang nakatulog sya sa ganung posisyon. At wala pa rin syang ka malay malay na sinundan at lihim na pinagmasdan ni Ginang Lee mula sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwartong iyon. Hindi natagalan ang ang pagmasid ni Mommy ni Garret at uminit ang ulo nito. Bago pa sya ma high blood umalis na sya ng ospital.

Ilang sandali ang lumipas...

Nagising si Amelie ng tapikin sya ni Aling Martha.. Nagpapanik na bumangon eto, nang dumilat ay halos magkadikit na ang mukha nila ni Brice, at nakayakap na eto sa kanya, ngunit mahimbing pa rin etong natutulog. Napatawa si Aling Martha sa kanya nang madatnan ang kanyang sitwasyun at biglang pagpanik nito. At bago pa tuluyang magising muli ang binata dali dali nanaman etong umalis. At habang nagmamaneho, hindi maalis sa isip ang magkalapit nanaman nilang mukha at bakit nakayakap na yun sa kanya. Hindi kaya nahuli na sya ni Brice..

Samantala...kakagising lng ni Brice at hinahanda sya ng makakain ni Aling Martha.
“ Gusto mo ba ng mansanas anak ? “ … Hindi agad nakasagot si Brice kay Aling Martha dahil parang may iniisip eto. Iniisip nyang labis na namimiss nya na talaga siguro si Amelie at napaniginipan nyang katabi nya eto.. Ngunit parang totoo ang panaginip na yun.
“ Anak... okay ka lng ba.. may masakit ba sayo? “ …... Biglang nasa harap na nya si Aling Martha at inaabot sa kanya ang mga hiniwang mansanas.
“ Wala naman nay... may naiisip lang po ako.. “ biglnag napatingin sa fruit basket..
“ Ang dami nyong pinamiling prutas Nay.. “ ….. “ Ah... ang mga yan? Dala yan ni Amelie.. “
“ Ni Amelie? “..... “ Oo ni yung kaibigan mong si Amelie .. Alam mo yung babaeng yun araw araw nandito. Pasalamat nga ako dahil sa kanya kahit paano nakakauwi ako kahit sandali. Kaya lang pinagtataka kung bakit sa laging oras a tulog ka ang pagpunta nya dito.. May problema ba kayo anak?”
“ Nay, hindi na po sya dapat pumupunta dito..”... “ Bakit naman? “
“ Yun po si Amelie, ang fiancee ni Kuya Garret.. “

Nagulat si Aling Martha sa sinabi ng anak anakan pero pinalwanagan din sya ni Brice.

Alam na alam ni Aling Martha na may namuuong lihim na pag-iibigan ang dalawa ngunit wala din etong magagawa.




Kinabukasan, ganun pa rin ang routine ni Amelie.

Ngunit nang pumasok sya ng Rm. 307 wala doon si Alin Martha, at wala din si Brice. Nagtungo sya ng information to check kung nakalabas na ang pasyente sa kwartong iyon. Hindi pa naman pala dahil bukas pa sila pinayagang makalabas.

Feeling disappointed na nakatayo si Amelie sa harap ng elevator.
Nang bumukas ang elevator, parang nag slow motion ang lahat nang magkasalubong ang mga mata nila ni Brice habang ito ay nakatayo sa harap nya mula sa loob ng elevator. Natigilan sila ng ilang saglit, nang biglang dinampot ni Brice ang kaliwang kamay ni Amelie hila papasok ng elevator.

Hawak pa rin ng mahigpit ang kamay ni Amelie muling sinara ni Brice ang elevator pushing the button back to the rooftop. Hindi na nakapagsalita si Amelie when suddenly Brice hug her so tight. She was trying to push Him away.

“ Amelie.... just this few moment please stay still. “ bulong ni Brice habang lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Ang mga bisig ni Amelie na kanina lang ay nanlalaban at tinulak syang palayo tuluyan na ring sumuko, and it freely runs through his back as well embracing him back..

Nasira ang momentum nila nang may pumasok na nurse at pasyenteng nakawheelchair mula sa ikalimang palapag at patuloy ang pag-akyat nito sa ikapito at huling palapag kung saan hawak kamay pa rin silang lumabas ng elevator at inakyat ang maliit na hagdan patungong rooftop. Na para silang mga batang tumatakas.

“ Why are you coming here every day? What's that for ? “ unang tanong ni Brice habang tanaw nila ang buong syudad mula sa kanila kinatatayuan.
“ Did you just suddenly hug me on that elevator and drag me here just to ask that question?”
“ Oh Yeah... Maybe I'm just crazy.. Crazy that I suddenly hug my brother's fiancee and drag her here.... And now I will even get more crazier because I want to kiss her. “
“ Then kiss her... and she is crazy too because she's still going to marry your brother anyway.”

Hawak pa rin ang kamay ni Amelie, hinarap nya eto pulling her more closer to him again. Brice cupped her face with his palms and said..
“ Then let's both get crazy...." Ilang sandaling nakatitig sya sa mga mata ni Amelie.. " Damn, I miss you. “ before she could answer she missed him too, napasinghap si Amelie nang tuluyang maglapat ang mga labi nila. She gently close her eyes and feel the mixed emotions she couldn't even name. She's right here right now with this man once made her feel complete. While their kiss deepened, they finally surrender to each other's embrace. She decided to get crazy with Him for a moment, kakalimutan muna nyang ikakasal sya..... at ang napaka saklap ,
She is getting married with this man's brother.





















CHAPTER 11



Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng mga tagpong iyon sa rooftop. Nakipagsundo si Amelie kay Brice na hindi na mauulit yun at hindi na sila pwedeng magkita sa ganoong sitwasyun. Sa kabila na parang sasabog ang dibdib ni Amelie sa sobrang sakit na naramdaman nang iniwan nya si Brice sa rooftop, kung ano man ang naging meron sa kanila, tinapos na nila nang araw na iyon.

“ Wow... Grabe!! Ang ang ganda mo teh... “ manghang mangha si Dianne habang sinusukat ni Amelie ang katatapos lang nyang wedding gown na sarili nitong design.
“ You'll be the most beautiful bride my dear... And I'm so lucky to have you“ sang-ayon din naman agad ni Garret..
“ Kayo talaga, sobra nyo namang pinapalapad yung tenga ko..”
habang tinitigan ni Amelie ang sarili sa salamin.
“ Sir Garret swerte din naman ni Ate Amelie sainyo.. Napakagwapo na, mayaman na, matalino pa , at mabait pa. “ ….... “ Sige na nga Dianne ililebre na kita ng lunch mamaya. “ pabirong sagot naman ni Garret ky Dianne..
“ Pero teka lang po... naalala ko po kasi laging sinasabi ni Lola noon na bawal daw isukat ng Bride yung kanyang gown bago sa araw ng kasal. Malas daw yun. Maaring hindi raw matutuloy ang kasal.” dagdag pa ni Dianne.
“ Naku Dianne lumang pamahiin na yan, moderno na ngayon. Paano mo yan malalaman kung maluwang o masikip ang damit mo kung hindi mo isususkat. “ ani ni Amelie..


Tatlong araw na lang bago ang kasal, kasama ni Amelie si Garret at Dianne nang kinuha nila ang kanyang wedding gown sa patahian and the rest na susuotin ng buong entourage. Kunga dati atat na atat ang mommy ni Garret sa pagvolunteer na tulungan si Amelie sa pag-aasikaso other needs sa wedding pinagtataka nyang mukhang hindi maganda ang mood ng Madam sa kanya lately. Hindi nya naman pinaag-ukulan ng buong pansin dahil iniisip lang nito na ganun talaga ang ugali ng Mommy ni Garret. Kaya kung hindi si Garret mismo, si Dianne na lng kasama nito. Nakapagdesisyon at sinasasanay na ni Amelie na turuan ang sariling kalimutan na si Brice at ibaling na ang atesnyon sa magiging asawa nito.
Ngunit isang beses na doon nagdinner si Amelie sa bahay nila ni Garret kasabay ang mga magulang nito, masama ang tingin nito kay Amelie at nagwalk -out na biglang sinabi masama ang pakiramdam nya. Sinubukan etong sabihin ni Amelie kay Garret ang biglang pagbago ng pakitungo ng Mommy nito sa kanya. Nangako naman si Garret na kakausapin nya eto.


Pagkatapos nila sa shop, naglunch, at tumuloy naman ang tatlo sa mall para mamili ng mga sapatos, at pauwi sila ng napadaan sa DVD Store, muli nanamang nakita ni Amelie ang pelikulang Tristan and Isolde at biglang sumagi nanaman sa isip nito si Brice. This time binili nya eto para sa sarili at niyaya pa si Garret na sabay nilang panoorin sa Theater room sa bahay nila ni Amelie at hindi naman nakatangi si Garret.

Kinagabihan sa bahay na ng mga Mitchell nagdinner si Garret. At tulad ng pinagkasunduan magkasama nilang pinanuod ang movie na yun. Subalit sa kalagitnaan pa lang ng pelikula nakatulog si Amelie na nakahilig pa eto sa balikat ni Garret. Habang napatapos at naenjoy naman ni Garret ang buong pelikula.

Binuhat sya ni Garret patungo sa kwarto nito at marahang inilapag sa kanyang kama. Mahimbing pa rin ang tulog ni Amelie at hindi man lang naramdamang binuhat sya ni Garret. Pagkatapos nya kumutan ang dalaga, umupo pa eto saglit sa kanyang tabi at tahimik lang pinagmasdan ang maamong at mala angghel na mukha ni Amelie habang mahimbing natutulog. At katulad din sa naging karanasan ni Brice dati, biglang natuon din ang kanyang pansin sa mapang-akit na mga labi ng fiancee. Dahang dahang nilapit nya ang mukha dito at akmang halikan ang mga labi nito, ngunit bigla syang natauhan, sa halip sa noo ni Amelie dumampi ang kanyang halik, sabay bulong ng goodnight and sweetdreams dito, saka sya tumayo at lumabas nang kwarto ni Amelie.

Halos maghahating gabi na nang dumating si Garret sa kanilang bahay at hindi pa eto nagpahinga. Agad syang dumeretso ng library at naisipan pang magresearch ng konti tungkol doon sa pelikulang pinanuod. At biglang pumasok din ang kanyang mommy sa library at tinabihan sya na parang may gustong sasabihin.

“ Mom... bakit hindi ka pa natutulog? “” Talagang hinihintay kita anak, dahil hindi ako makatyempong kausapin ka. “... “ May problema ba mommy?” bigla naman nitong naalala ang na mention ni Amelie tungkol sa biglang pagbago ng pakitungo nito at tinigil ang ginagawa sa laptop at hinarap ang ina.... “ Mom... is there any problem between You and Amelie? “
Biglang kumunot ang noo ng madam ng marinig ang pangalan ng dalaga.
“ Kaya nga ako nandito hijo para pag-usapan natin tungkol dyan... Sigurado ka na ba sa pagpapakasal mo sa babaeng yun anak? “.....................
“ Diba eto naman po ang kagustuhan nyo ni Papa? … At mukhang nagkakamabutihan na rin kame ni Amele Mom... And I really like her.. So I guess wala namang problema... Bakt meron ba Ma?”
“ Mukhang nagkamali kasi yata ako ako ng akala anak... Hay!! ang hirap mag-explain.. Eto see for yourself, then pag-isipan mo ng mabuti habang may panahon ka pa anak. “
Inabot ng Ginang ang isang brown envelope kay Garret at saka lumabas na sya ng library iniwan ang anak sa loob.

Kinaumagahan, maagang naghanda si Amelie sa lakad pa sana nila ni Garret. Personal pa silang magbibigay ng ilan pang natitirang invitation. Ngunit tanghahali na walang anino pa rin ang dumarating. Ilang beses na nitong sinubukang tawagan ngunit hindi rin eto nasasagot. Kaya naisipang si Dianne na lang ang isasama sa lakad nito.

Samantala, si Garret ay nakakulong pa rin sa kanyang kwarto at sobrang sakit ng ulo. Sa mesang katabi ng higaan nito halos naubos ang isang bote ng wine, habang ang cellphone ay patuloy na nagriring sa tawag ni Amelie.

Habang si Amelie sumuko na rin sa kakatawag kay Garret, at kasama si Dianne buong araw na tinapos ang pagsend out ng mga natirang invitations. Later nakatangagp sya ng text message mula kay Garret humihingi ng pasencia na hindi nya eto nasamahan ang dalaga dahil hindi mabuti ang pakiramdam nito ng araw na yun.

Sumunod pa ang isang araw at bukas na ang araw ng kasal. Handang handa na ang lahat. Ang buong araw na yun ay nilaan sa kanyang beauty rest for her big day tomorrow. Subalit hindi napapakali si Amelie, at tila kinakabahan. Siguro natural lang nyang maramdaman iyon. Ngunit ang isa pa nyang pinag-alala ay buong araw nanamang hindi nagparamdam si Garret sa kanya.

Naibsan din ang kanyang worry nang kinagabihan ay pumunta si Garret sa kanilang bahay. Pinagtataka ni Amelie ay niyaya sya muli nito na muling panuorin nila ang Tristan & Isolde. Habang nanunuod sila, tinanong sya ni Garret na , What if she was Princess Isolde ano ang gagawin nya.
“ Huh.. What if kung ako si Princess Isolde? “ …. biglang napalalim ng isip ni Amelie at hindi nya alam ang isasagot kay Garret at dun pa lang nyang na realize na halos magkatulad nga sitwasyun nya kay Princess Isolde.

Disrupting her thoughts, bahagyang tumawa si Garret.. “ Ang maipapayo ko lang kay Isolde, she should follow her heart. …. Pero kung ako naman yung Tristan, I will take that courage to win my love... and If am the King.... I will let them go.. “.......

Napabuntong hininga si Amelie, pinulot ang remote at pinatay ang DVD..
“ Alam mo Mr. Lee ang mas mabuti siguro pareho na lang tayo magpahinga, at nang hindi tayo stress bukas.. Hmmm. “ … Basag naman kaagad ni Amelie sa topic cupping her fiancee's face with her palms. .. “ Alright... ! “ … Akmang tatayo sana silang dalawa mula sa couch. But Garret slightly pushed her at napahilig sya sa arm ng couch and Garret leaning over her at halos sobrang magkalapit na ang kanilang mukha at naamoy nya ang wine na iniiom nito kanina habang naunuod sila ng pelikula.
Napalunok si Amelie ng kanyang lalamunna at pilit na pinikit ang kanyang mga mata habang mahigpit ang kapit nya sa kanyag damit sa kanyang diddib. Napansin ni Garret na parang naginginig sa takot si Amelie. He gently kissed her in her forehead at sabay bulong, He's leaving. At dahan etong tumayo at tinulungan ring makatayo si Amelie at sabay silang lumabas ng theater room.

Kinabukasan.. Araw na ng pinaka hihintay na kasalang Garret Lee at Amelie Mitchell.

Nasa hotel na si Amelie abala na ang lahat sa paghahanda. Kakatapos ng artist ang kanyang hair do and make-up. Nang pumasok si Dianne sa kanyang kwarto dahil dumaan daw ang driver ni Garret at may pinaabot eto kay Amelie. Ito'y isa nakaselyong putting envelope. Mukhang excited pa si Amelie dahi akala nya may pahabol na sorpresa si Garret sa kanya. Nang nabuksan nito ang sobre. Laking gulat nito nang bumungad sa kanya ang mga pictures. Nanginginig at biglang tinago ang ang hawak na sobre and bigla syang nagfreak out telling everyone in the room to get out that she wants to be alone. Kasama ng mga pictures na yun ay liham mula kay Garret.

Habang nagkakaroon ng komosyun sa labas ng Hotel Room ni Amelie. Ilang sandali lumabas sya na naka t-shirt and jeans na lng at wala nang make up at nakawagayway na ang buhok. Hawak ang handbag at ang sobreng inabot kanina ni Dianne. Sobrang ikinagulat iyon ng kanyang mga bridesmaids na sa labas naghihintay at nakabihis na. Namamaga pa ang mga mata sa kakaiyak, inutos ni Amelie kay Dianne na pagsabihan ang lahat walang kasalang magaganap.

Habang sa simbahan nagkaroon na rin ng commotion ang mga taong inimbitahan at mga abay na nakaabang na doon nang nakatangap ng tawag si Adrien mula kay Dianne. Naroon na rin sa simbahan sa mga oras na yun si Brice. Sinusubukan nyang tawagan si Garret para huming ng explanation sa mga naging kaganapan.
Nang biglang may nag-abot din sa kanya ng sobre na katulad ng inabot ni Dianne kay Amelie. Galit na galit si Brice na lumabas ng simbahan pagkatapos mabasa ang liham at makita ang mga pictures. Dali dali etong sumakay ng kanyang motor at mabilis na pinatakbo.

Nasa highway na papunta ng Airport pabalik na sana ng America si Garret sa mga oras na yun. Biglang napatigil ang Driver ni Garret sa gitna ng highway nang harangin eto ng isa rumaragasang motorsiklo. Tinangal ni Brice ang suot na helmet at inwan eto sa motor at humakbang patungo sa kotse ni Garret. Bumaba din ito ng kotse para salubungin ang kapatid.

Nang magkalapit, bago pa makapagsalita ang isa sa kanila hindi napigilan ni Brice sa unang pagkakataon nasuntok nya ang kapatid. Dahilan kaya ito natumba. Dumukot sya ng panyo para punasan ang gilid ng bibig dumugo mula sa napalakas na suntok ni Brice.
“ Nagparaya na ako kuya dahil ikaw ang pinili nya.... Kung alam ko lang eto ang gagawin mo sa kanya sana hindi ko na sya pinakawalan pa at hinayaan sayo. “
Nakahikbi sa galit si Brice sa kapatid habang hawak nya eto sa collar.. Sapilitang inalis ni Garret ang mga kamay ni Brice sa collar nito at tumayo.
“ Kung sana lang hindi kayo nagsinungaling, hindi na tayo umabot dito. Alam mong hindi ako madamot. Kaya ibinabalik ko na sya sayo. “
Hindi nakasagot agad si si Brice.. Inayos ni Garret ang nagulong collar. At tinalikuran si Brice pabalik ng kotese.
“ Nasaan na napunta ang ang tapang mo Sgt. Brian Lawrence !!! “
Sigaw at pahabol na salita pa nito sa kapatid bago tuluyang pumasok na ng kotse at patuloy sa pag-alis.
Habang sunod na lang ito ng tanaw ni Brice hangang sa nawala ang ng tuluyan sa paningin nya ang likuran ng kotse ni Garret.

Muling sumakay si Brice ng kanyang motor tungo sa Hotel kung saan si Amelie. Ngunit pagdating nya doon sumalubong sa kanya si Dianne.

“ Nasaan si Amelie? “ … agad na tanong nya sa nagpapanik at nagingiyak ngiyak na si Dianne.
“ Sir umalis po si Ate... hindi po namin alam kung saan sya pumunta hindi rin po makontak ang cellphone nya. Sobrang nag-aalala na po si Kuya Adrien at Ninang. “

Muling umalis si Brice pinuntahan ang lahat ng lugar na naiisip na maaring puntahan ni Amelie ngunit hindi nya eto makita. Lumalim na ang gabi, parang mababaliw na si Brice sa pag-alala at kakahanap sa hindi matagpuang si Amelie. Tumigil sya sa baywalk at habang nakatingin sa dagat, nadukot nya mula sa bulsa ang sobre na natangap nito kanina. Tiningnan nya uli ang mga pictures. Mga pictures nila iyon ni Amelie na magkasama sa rooftop nang huling araw nya sa ospital.

Maya maya napatawag sa kanya si Raphael..
“ Pre, punta ka dito sa bahay. I found her.... Nandito ngayon si Amelie.. “
Bungad agad ng kaibigan....











CHAPTER 12

Hindi sinasadyang nakita ni Raph si Amelie sa isang bar na naglalasing. Ang pagkakaalam nya ay kasal nya nang araw na iyon kaya pinagtaka nya kung bakit naroon si Amelie. Napansin din nyang inaaway na eto ang bar tender dahil hindi na ito bibigyan ng inumin dahil lasing na lasing na sya, kaya lumapit sa kanya si Raphael. Inalalayan nyang palabas ng bar si Amelie at balak sana ni Raph na ihatid eto pauwi. Nang tiningala ni Amelie ang lalaking naka-alalay paningin nito kay Raph ay si Brice kaya tinulak nya eto.
“ Brice... bakit mo ako sinundan dito... pabayaan nyo muna akong lahat...plesse gusto ko mapag-isa.” … tumalikod at pa-easy easing lumakad palayo kay Raph. Ngunit nakita ng bigla etong na out balance sa kalasingan at muntik na matumba. Mabilis naman syang sinalo muli ni Raph at kinainis pa ni Raph na bigla syang sinukahan ni Amelie..
“ Haist!!! ano ba nangyayari sayo Amelie. “
Hindi namang magawang hayaan na lang eto ni Raph , at napansin nyang parang ayaw ni Amelie umuwi. Hinang hina na si Amelie kaya wala na syang nagawa nang pinasakay sya ni Raph sa kotse nito. At imbis na ihatid eto pauwi ay dinala na lang eto sa kanilang bahay at tinawagan si Brice.

Nagising si Amelie na sobrang sakit ng ulo, sa kanyang pagdilat at at kanyang pagmasid masid ay tinatanong nya ang sarili kung nasaan sya. Nasa loob sya ng isang kwartong hindi nya alam kung kanino. Bumangon eto na hinahagod ang kanyang noo. Bigla syang nagfreak out nang mapansing naka robe na lang sya. Nagpapanik na hinanap ang kanyang damit ngunit hindi nya eto mahanap. Nang unti unting bumabalik sa memorya nya ang kaganapan kagabi. Naalala nyang sumuka sya ay may sinukahan eto. Pilit nyang inalala kung sino yun. Nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok ang babae dala ang malinis na nyang damit.

“ Ay mam... gising na po pala kayo.. eto po pala ang damit mo, pwede po kayong maligo dyan sa banyo at malinis na rin po etong mga damit nyo... Sasabihin ko po kina sir sa baba na gising na kayo. “

“ Salamat... pero manang, nasaan po ako? “ … Dito po kayo sa bahay ni Congressman, dinala po kayo ni Sir Raphael dito kagabi na walang malay at puno po ng suka.. Inutusan po kameng dalhin kayo dito sa guestroom at pinalabhan samen ang damit nyo.. eto mam... nadryer na po eto.. “

“ Huh!! si Raphael pala yun... naku nakakahiya.. “... “ Sige po mam maiwan ko na po kayo, sabihin ko na lang po kina Sir na gising na kayo. “

Paglabas ng katulong pumasok sya ng banyo para makaligo para mawala na rin ang sakit ng kanyang ulo. At habang ngshoshower, unti unti nang bumalik sa alala nya ang hindi na natuloy na kasal nya kahapon. Napasandal sya sa dingding ng shower room, muli nanamang napaiyak. Nasaktan din sya sa nangyari, labis na napahiya at hindi pa sya handang harapin muli ang kanyang mommy at Lalo na ang kanyang Kuya na siguradong malalagot sya. Gusto nya munang saglit na lumayo at makakuha ng lakas ng loob para muling harapin ang kanyang mundo.

Katatapos lng nyang magshower, dumeretso sya kama kung saan iniwang ng katulong ang kanyang mga damit. Nakalimot sya na parang sariling kwarto lang na hinubad ang kanyang robe para suotin muli ang mga nalilnis na nyang damit. Nang biglang bumukas ang pinto at hindi sadyang naabutan sya ni Brice sa ganung sitwasyun habang hawak pa nito ang isang tray ng pagkain para sana sa kanya.

“ Ahhhh... bastos... lumabas ka!!! “ napasigaw eto sa gulat at dali daling dinampot muli nito ang robe at kaagad na nagtakip. Kaagad namang muling lumabas ng pinto si Brice at sinara eto .
“ Bakit naman kasi hindi mo nilalock ang pinto.. “ saway pa nito.. habang napabuntong hininga na nakasandal sa pinto sa labas... . “ Eh sana naman kasi kumakatok ka din muna bago ka pumasok.“ .. “ Sorry po!!! Sabihin mo kung tapos ka na ha.. naghihintay lang ako dito..”
Napangpangisi na lng eto habang naghihintay sa labas ng pinto. Habang si Amelie naman mabilis nang sinuot ang kanyang mga damit at pulang pula ang mga pisngi sa kahihiyan...
“ Ano ba naman ang kamalasan meron ako... Bakit puro na lng ako kahihiyan . “ pagmamaktol nito sa sarili... “ Andyan ka pa ba? Pwede ka nang pumasok. “

Nang nakapasok si Brice sa kwarto.
“ How did they get those pictures.. What are we going to do now? We are not suppose to see each other now baka lalo lang lumala ang sitwasyon.. “ bungad agad ni Amelie habang nilalapag ni Brice ang tray sa kanyang tabi.
“ Kumain ka muna... then ihahatid na kita sainyo..” habang hindi eto makatingin ng diretso kay Amelie at umupo na rin sa tabi nito. … “ No !!! “ Biglang napahawak si Amelie sa kanyang kanang bisig.. “ No... ayoko muna umuwi sigurado akong alam na eto ni Kuya at malalagot ako sa kanya... Si Garret... where is Garret kailangan natin magpaliwanag sa kanya.. “...... “ Garret is gone.. “
“ What do you mean He's gone “ “...... “ bumalik na sya ng America.. And I already tried to explain to Him, but it was too late... “ hinarap nya si Amelie at hinawakan ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang bisig.... “ Don't worry, aayusin natin to... hindi kita pababayaan. “
Nagtama ang kanilang mga mata..... Ngunit biglang nagsink in muli kay Amelie na kanina lang ay halos nakita ni Brice ang buo nitong kaluluwa. Agad na kumalas eto sa paghawak sa kanyang bisig at biglang namula muli ang kanyang mga pisngi at bahagyang tumalikod eto sa kanya. Pero hinawakan nya eto sa magkabilang balikat at muling pinaharap si Amelie sa kanya.

“Amelie.... “ napabuntong hininga muna eto bago itnuloy ang sinabi... “ I wasn't able to take enough courage to tell you this... but.. I Love You.... Kung gusto mong lumayo.... Please go with me, dahil hindi ko na hahayaang mabaliw ako sa kakahanap sayo uli.. “
Hindi na nakasagot si Amelie at bigla na lang sya napayakap dito.. “ Yes... I'm going with you.. Ilayo mo muna ako dito Brice... pakiusap.... “ Mahal ko, sige aalis tayo...”

Pinahiram sila sasakyang magagamit at tutuloy silang dalawa sa vacation house nila ni Raphael sa Baguio. Dumaan muna sila ng convenient store para bumili ng kanyang extra pang masusuot at necessities nang mapansin wala ang wallet sa bag then bigla nyang naflashback na nilapag nya pala iyon sa mesa sa bar at malamang naiwan nya iyon doon sa bar. But Brice provided everything she needs at mga kakainin nila sa pansamantalang pananatili sa Baguio. At habang nasa highway sila binuksan nya ang naka off na phone, at pumasok ang napakaraming text messages.. Pero hindi indi nya binasa ni isa sa mga text messages at dinelete all ang mga ito. Tinawagan nya ang kanyang Mommy na labis na nag-aalala ang she explained na kailangan muna nyang magpalamig pagkatapos ng mga pangyayari.

Samantala, doon sa iniwang bar kagabi. Napulot pala ng may-ari ng bar ang wallet ni Amelie, at nakita ang ID nito at kakilala ni Adrien ang may-ari ng bar na yun. At ayon sa waiter na huling nakasalamuha ni Amelie nakilala nyang anak ni Congressman Dizon ang naglabas sa kanya nang gabing iyon.

Kinagabihan narating din nila ang Dizon vacation house sa Baguio. Amelie comforted herself sa mga sandaling kasama si Brice malayo sa realidad ng mundo nito na haharapin sa mga sususnod na na mga raw. Dahil sa kanyang pagbabalik hindi nya alam kung anong consequences ang kanyang haharapin sa kamay ng kanyang Kuya Adrien, kailangan nyang ihanda ang sarili.

Manghang mangha si Amelie habang pinagmamasdan lang si Brice habang nagluluto ng kanilang dinner. Hindi na sya hinayaan ni Brice na tumulong dahil imbis na napapabilis ang ginagawa, hindi eto matapos tapos dahil sa mali maling ginagawa ni Amelie. Kaya pinaupo na lang sya ni Brice at pinaghintay na lang. Ang lalaking iyon sanay na sanay sa buhay. Natawa na lang si Amelie sa sarili dahil sa kababae nyang tao hindi nya alam magluto. Noong nasa Paris din sya kasi kung hindi puro fastfood ang kaibigang kasama din nya sa apartment ang nagluluto.

Sa harap ng fireplace inilapag ni Brice ang mga nilutong soup and pasta.
“ Ummmmm... ang sarap grabe... ang galing mo pala talaga magluto... Alam mo Brice pwede kana mag-asawa.” puri nya agad dito sa unang tikim pa lang nya dito.
“ Kung ganun.. pasado na ba... “ …... “ hmmmm.. pasadong pasado.. “ habang binigyan nya et ng dalawang thumbs up... Pagkatapos nila kumain nagtulngan na sila sa paghuhugas ng mga hugasin na may kasama pang harutan na pinaglalaruan ang sabon at nagbabasaan pa ng tubig.

Later....

Naglapag sila ng comforter at humiga sa harap ng fireplace. Nakakaunan si Amelie sa kanyang dibdib wrapping his arms around her.
“ Hindi mo pa sinasagot ang sinabi ko sayo kanina.. “ biglang tanong ni Brice sa kanya...
“ Ang alin? “ …...” Yung sinabi kong mahal kita.... wala bang sagot dun? “ bahagya syang bumangon at tiningnan nya sa mga nito ang binata, then she put her right palm on his left cheek at binigyan nya eto ng isang malambot na halik sa labi.... “ pwede na bang sagot eto Mr. Castañeda? “
“ Isa pa nga !!! “ … hirit pa ni Brice... Walang pag-aalinlangan naman muling tinugunan yun ni Amelie. Pero hindi na sya nakawala, Brice caught her on her nape pushing her more towards him and kissing her back. Habang unti unti na silang nawawala sa sarili, slowly they were changing position and their kiss deepened led to an intimate embrace to heated and passionate caress of making love.

Kinaumagahan, naunang nagising si Amelie na nakaunan pa si dibdib ni Brice. Bigla nyang naisipang subukang sya naman ang maghanda ng breakfast. Dahan nyang tinaas ang mga bisig ng binata na nakayakap pa sa kanya at muling sinuot ang mga natangal na saplot. At tahimik na tumungo ito sa kusina. Bago sya nakarating ng kusina binuksan nya ang binatana sa living room para malanghap ang init ng bagong sikat na araw. She was stretching her hands and back sa harap ng maliit na bintana nang biglang napansin nya may ilang kotseng paparating. Kung hindi sya nagkakamali ang isasa mga kotse na yun ay sa kanyang Kuya Adrien. Dali dali syang bumalik sa fireplace at ginising si Brice..
“ Brice.... gumising ka... ano ang gagawin natin.. andito si Kuya ..”

Mabilis namang bumangon si Brice at sinuot ang kanyang longsleeve shirt at bago pa sila makadungaw narinig na ni Amelie ang boses ng galit galit nyang Kuya Adrien.

“ Amelie.... alam kong nariyan ka !!! lumabas ka dyan..
Hinwakan ni Brice ng mahigpit ang kamay ni Amelie..... “ Haharapin natin ang Kuya mo.. “

Nalaman ni Adrien ang kinaroonan ng dalawa dahil sa nakakuha sila ng impormasyon mula sa isa sa mga katulong nila Raphael. Agad na umalis din si Adrien kasama ang goons nito patungong Baguio para sunduin si Amelie.

Lumabas silang dalawa at hinarap si Adrien. Agad namang nagbigay si Adrien ng senyales sa mga tao nito na sapilitang kunin si Amelie. At habang papalapit ang mga goons sa kanila, mas lalo pang hinigpitan ni Brice ang paghawak ky Amelie at bahagyang tinago eto sa kanyag likuran. At dahil inalam ni Adrien ang kakayahan ni Brice nagdala eto ng napakaraming alalay. Bago pa tuluyang makalapit ang mga goons, basang basa na ni Amelie ang nasa isip ng kapatid. Kaya kusa etong bumitaw kay Brice...
“ Hindi mo na kelangan gawin to kuya.. I'm going home with you. “
“ Pero Amelie....” pigil ni Brice......
Then she touched his face.. “ Just let me do it... It will be alright. “

At lumapit na eto eto sa kuya nya... “ Get inside the car... now !!! “ sigaw ni Adrien sa kanya..
“ Sige.. sasama ako but promise me... Don't hurt Him.”
“ Get rid of that guy Amelie.... Or I'll be the one to do that for you.. “
“ Kuya please.... “..... “ Now, get inside the car.... habang nanlilisik ang tingin kay Brice.
Patuloy na nakaharang ang mga goons sa harap ni Brice hangang sa nakasakay na si Amelie sa loob ng kotse ni Adrien saka nya pinaalis ang mga iyon sa harap ni Brice, at tuluyan nilang nilisan ang lugar na yun dala si Amelie.

Nang makabalik na sila ng Santa Catalina, Galit na galit si Adrien at hindi napigilang nasampal ng malakas ang bunsong kapatid at tumilapon eto sa kama. At sinusubukan namang pigilan ni Ginang Mitchell ang nakakatandang anak.
“ Tama na !!!! “..... sigaw ni Ginang Mitchell..” …. “ Yan!!!! yan kasi lumaking matigas ang ulo at brat yang bunso ninyo kasi sobra nyo na spoiled ni Daddy. Pero hindi ako katulad ni daddy Ma... At kung kinakailangan kong turuan ng leksyon ang babaeng yan, gagawin ko at nang magising yan sa kanyang matinong pag-iisip.... Grounded ka dito sa kwarto mo buong araw at pinaayos ko na ang mga kakailanganin bukas na bukas ng umaga sa ayaw at sa gusto mo sasama ka na sa akin sa Canada.! “

At tuluyan nang nag walk out ang kapatid. Iyak ng iyak si Amelie at sinusubukan naman etong patahanin ng umiiyak na rin na ina.
“ Ma... sumosobra na talaga si Kuya... Hangang kailan nya ba mamanipulahin ang buhay ko.”.........
“ Anak alam kong sobra ka nang nasasaktan at nahihirapan... Magpakatatag ka anak, lumaban ka, naniniwala akong matalino ka, play with your brother's game, patunayan mo sa kanya sa wise na paraan, tapatan mo sya then later He will realize he cannot over run your life ever again. Sa tingin mo ba kung basta ka na lang magtatago at sasama sa lalaking iyon titigilan kayo ng Kuya mo... Anak, kung talagang mahal ka nya, kahit anong mangyari makapaghihintay sya. Then in the end you will know if that that man is worth fighting for. Nakukuha mo ba ang ibig kong sabihing anak? “
“ Yes mommy... “...... at napayakap eto sa kanyang ina....
“ I believe you can do it anak.... “

Amelie decided to go with his Adrien's will bringing with herself a wiser plan for her freedom.
A new journey and challenge is about to begin. Umuwi sya ng Canada at dahil grounded hindi nya nagawang magpaalam ky Brice.

Bumalik na rin si Brice sa Santa Catalina, sinubukan nyang puntahan pa si Amelie sa bahay nila sa Village ngunit hindi nya nagawang makapasok dahil pinahigpit ni Adrien ang Security at nang nakaisip sya ng paraan kung paano makapasok ng Village ay huli na ang lahat, nadatnan nyang papaalis na si Amelie, sinubukan nya etong muling pigilan, ngunit hinarang sya muli ng mga goons ni Adrien. Sa pagkakataong iyon nanlaban na si Brice sa kanila. Hindi naman sya naitumba ng mga tao ni Adrien, at kahit na mag-isa lang sya at marami sila, knock out pa rin silang lahat. Ngunit naging dahilan naman yun na hindi nya na nagawang pigilan si Amelie at tuluyan na syang sumakay ng kotse ni kasama si Adrien patungong Airport. Nang mga oras na yun hindi hindi nya liningon si Brice.. Dahil sa oras na syay lilingon alam nya sa sariling tatakbo sya rito at hindi na matutuloy ang kanyang plano.

Habang nasa loob ng kotse palabas ng village, Brice was running after the car she was riding hindi pa rin eto lumingon but she can't stop her tears from falling and her heart keeps on breaking.


THE FINAL CHAPTER 


3 Years later.........

Sa pagsisiskap ni Amelie nakuha nya muli ang tiwala ng kanyang Kuya Adrien. Starting from the bottom, naging parte na sya ng pagpapatakbo at pamamahala ng kanilang kompanya sa Canada. Sinimulan na rin nya ang sariling pangarap na naudlot sa Plipinas, ang magkaroon ng sariling Signature Clothing Line Business. Sa unang taon, sinimulan nya eto mismo sa Canada at maswerte naman nagustuhan ng mga tao ang kanyang designs at tinangkilik ang kanyang brand. Sumunod na taon nagdesisyon syang palaguin ito dahil sa patuloy naman ang pagtangap ng mga tao dito. Nagkaroon din sya ng store sa Paris. Hindi naglaon sumikat ang kanyang brand sa Europa.


Simula ng dumating sya sa Canada ang huling naging balita nya kay Brice mula sa pakikipag-chat kay Dianne ay nagresign na ito kina Congressman at umalis na rin ng bansa at walang maibigay si Dianne na impormasyon kung nasaan si Brice. Paniwala ni Amelie ay tuluyan na itong sumuko. Inisip nya na kailangan nya na rin siguro tangapin ant ang lahat, mag move on at ayusin ang buhay para na rin sa sarili na makamit nito ang estado ng buhay na hindi na sya magawang manipulahin ng kanyang Kuya Adrien balang araw. Sa loob ng tatlong taon naging napaka abala at sinubsob ni Amelie ang sarili sa larangan ng business, hindi nya muna binigyan ng puwang ang sarili para sa love life. Madalas sa hating gabi nagigising sya dahil bigla na lang nyang mapapanaginipan si Brice. Wala syang dalang kahit ano mang bagay makapagpaalala sa binantang minsan syang nagpakabaliw, ni kahit isang litrato ay wala. Tanging alalaa lang and dala nito, at para maalis nya ang binata sa kanyang isip ay binubuhos na lang ito sa pag guhit at pag gawa ng bagong disenyo

Isang araw, kadarating lang ni Adrien galing sa isang business meeting sa America ay dumiretso agad eto sa opisina ni Amelie. Umupo eto sa silya sa harap ng working table ni Amelie at inilapag ang isang folder.
“ Look what I got for you in U.S. Sis. “ ….... “ What is this Kuya.” habang binubuksan ang folder..
“ As you can see, it is a business partnership proposal... “
“ Oh My.. tama ba pagkakaintindi ko kuya? Someone want to invest for my brand in the Philippines? “ habang bahagyang binubuklat at mabilis lang binabasa ang mga pahina..
“ And not only in the Philippines.... but as well in Japan, Korea, Thailand and whole Asia... “
Nawiwindang pa si Amelie at halos hindi makapaniwala..
“ Sino naman etong interasadong gustong mag-invest Kuya..”
“ Turn it on the last page... “
utos ng kanyang Kuya...
“ Si Mori Yamashita? Ang Japanese Business Tycoon na si Mori Yamashita? “
“Well, sya nga!!! And looks like He have a heart for Philippines kaya naisip nyang doon magsimula. I met Him in the meeting at napag-alaman nyang You are my sister and He was intrigue sa sumisikat mong brand sa Europe. I'm leaving that to you... Basahin mong mabuti at pag-aralan mo.. Don't miss this opportunity Amelie..“

Pinag-aralan at buong gabing pinag-isipan ni Amelie ang proposal na yun. Iniisip nyang kapag tinangap nya ang proposal, ito na muli ang kanyang pagkakataong makabalik ng Pilipinas. Hindi kasi nya nagawa sa lumipas na dalawang taon dahil wala pa syang sapat na idadahilan kay Adrien para pumayag eto, not until this once in a lifetime opportunity came up. Saglit syang nakaramdam ng excitement kaya kinontak nya agad si Dianne at ni hire nya etong muli. Ngunit bahagya din syang nalungkot dahil ang tanging dahilan ng pagbabalik nya ay business matter, at wala na ang taong tanging dahilan ng kanyang pagsusumikap at mukhang hindi nya na doon mababalikan.

Finally Amelie made a response from that proposal and a meeting was set for personal contract signing at magaganap iyon sa Pilipinas.

Samantala... In Japan...

Nasa gulf club ang matandang mayaman na si Yamashita Mori -san, lumapit sa kanya ang kanyang sekretarya at bumulong.. “ Mr. Lawrence is already here.. He is waiting in the lounge.. “
Tumango naman ang matanda at hininto ang paglalaro at marahang pumasok ng lounge.
Pagpasok nya ng lounge, isang makisig na binata ang sumalubong sa kanya na nakasuot ng American Black Suit and sophisticated eye glasses, magalang na bumati ito with a Japanese vow. After Yamashita-san affirmed his greetings, umupo na sila sa couch. Sumunod din na pumasok ng lounge ang secretarya nito at inabot sa kay Mori-san ang mga files, at saka lumabas din kaagad ito iwan silang dalawang seryosong nag-usap.
“ As what I have promise to you son, I will make you a favor in return of my gratitude. And I always keep my word. “...... “ Sir, Thank you very much it is my pleasure for such an offer but It is a part of my job..” pagtangi ni Mr. Lawrence
“ Just let me finish explaining to you what I am about to offer then you decide.. “
At patuloy ang paglahad ni Mr. Mori sa binata at nakikinig naman naman ito ng mabuti.

Isang araw bago ang meeting ay maagang nakarating sa Pilipinas si Amelie kaya may oras pa itong umuwi ng Santa Catalina. Sinalubong naman sya agad ng isang welcome lunch party pinamunuan ng kanyang Mommy at ni Dianne. After ng party, imbis na magpahinga ay nagdrive at naglibot libot pa si Amelie sa buong syudad dahil marami syang namimiss dito. Tumungo sya sa Sports Center, sa rooftop ng ospital at inabutan sya ng gabi sa baywalk. Sumandal sya sa uluhan ng kanyang kotse na humaharap sa dagat at tumingala sa kalawakan. Napabulong sa sarili..
“ Where are you Brice? “ … Napapikit sya ng kanyang mata at hindi namalayang may tumulong luha sa mga gilid ng kanyang mga mata.
Ngunit biglang naabala ang momentum nito ng biglang nagring ang kanyang phone at si Dianne pala ay tumawag..
“ Hello Dianne, bakit ka napatawag? “ ….. “ Ate kakaopen ko lang ng email.. May message po from Mr. Mori. “..... “ Huh!!! ano yun Dianne? “..... “ Hindi daw po sya makakarating bukas due to some family circumstances daw po. “..... “ Huh !!! paano na ngayon to... nagpostponed ba ng date of meeting.. Kelan? “ … “ Ate... tuloy naman daw po ang meeting bukas, may ipapadala daw po syang Representative in His behalf at makakarating din ang lawyer nya.. Mr. Brian Lawrence daw po yung panagalan ng kanya authorize representative. “
“ Ganun ba.... mabuti naman kung ganun. Pero sayang naman akala ko finally mamemeet in person ko na yung si Mr. Mori.. But it doesn't matter importante matutuloy ang partnership na ito. Sige Dianne magpahinga ka na at maaga pa tayo luluwas bukas.. Handa na ba yung lugar na padadausan ng meeting?..“ …..” Ayos na po ate... at diba kayo po dapat ang maghinga na.. “... “ OO nga naman.. pauwi na rin ako, sige see you tomorrow Dianne.”

Habang nasa eroplano naman sina Mr. Lawrence kasama ang attorney na nakatulog na sa katabing upuan. May kinuha syang maliit na box sa kanyang bag, binuksan nya at kinuha ang isang lumang cellphone. Pagkatapos nyang pindutin ang on nito, simulan nya namang basahin ang tatlong taong lumang messages nito na paulit ulit nyang binabasa at memorize nya na ito. At pagkatapos nya sa messages, pumunta naman sya sa mga pictures na nakasave doon. At tumigil sya sa isang close up napakasayang mukha at selfie nila ni Amelie nung nasa Vacation house sila in Baguio.
“ Ilang sandali na lang muling magkikita na tayo Amelie.. “

Flash back....

Halos bumagsak ang mundo nya noon nang umalis si Amelie. Habang hinahabol ang sasakyan at tawag ang pangalan nito, inasam nya na na kahit lumingon man lang ito sa kanya, pero hindi nya iyon ginawa. Nang sumama sya kay Adrien at iniwan sya doon sa Baguio, naiwan ni Amelie ang mga gamit nito, her personal belongings na lang ang tanging iniwan nito at nagsilbing kanyang alaala.

Naawa si Ginang Mitchell sa kanya, kaya sa una at huling pagkakataon kinausap nya eto. Kung ano ang sinabi nya sa anak ganun din ang sinabi nya kay Brice. Ngunit kailan man hindi yun sinabi ni ng Ginang sa anak dahil ayaw nyang umasa ito at iniisp na maraming pwedeng mangyari sa maraming taon. Inakala nya na baka makalimutan din nila ang isa't isa. Ngunit ilang gabing naglaro sa isipan ni Brice ang mga sinabi ni Ginang Mitchell kaya napagdesisyunan na rin nitong lumayo para din ayusin ang sarili na mas maging karapat dapat na sya kay Amelie pagdating ng panahon. Ngunit kahit kailan hindi nito naisip na humingi ng tulong sa kanyang ama, at lalo ngayon kay Garret. Napagdesisyunan nyang umalis na ng bansa at tinanggap rin sa wakas ang matagal nang imbitasyun sa kanya ng CISA ( Central Intelligence and Security Alliance ), isang confidential and private investigation agency na naglalayunin ng safety, peace and security of nations and cooperating with armed forces in resolving crime cases.

Matagal na syang inoobserbahan ng organisasyon at inimbitahang mag undergo sa isang buhos buhay na training sa Budapest, at maging isang Official Agent ng CISA. Isang taon din ang ginugol nya sa loob ng kampo. At nang nalamapasan nya na ang training, magaling din ang naipamalas nito sa field and operation. May mga threat kay Mr. Mori at isa eto sa founder ng organisasyon at kanyang team ang naatasan dito. Isang Araw ay nakidnap ang pamilya ni Mr. Mori. Malaki ang tiwalang ibinigay nya kay Brice at sa team nito at hindi nya ito binigo. Nailigtas nya ang pamlya ni Mr. Mori. At sa laking pasasalamat dito kung anong offer ang binigay nya sa team ni Brice, ngunit hindi sya tumangap ng kahit na ano mula kay Mr. Mori. Bilang isa sa mga founder ng CISA hawak ni Mr. Mori ang mga backgrounds even personal ng mga agents nito. At sigurado syang gusto muling mabawi nito si Amelie Mitchell.

Agent Lawrence ang tawag sa kanya ng CISA, mula sa totoong buong pangalan nito,
Brian Lawrence Castañeda Lee.

Sa kasalukuyan …................

Kasama si Dianne at ang kanyang attorney, matyagang hinintay ni Amelie ang party ni Mr. Mori sa isa executive room ng isang elite restaurant sa Manila na pinareserve ni Dianne. Maya-maya, guided ng isang service attendant unang pumasok ang isang Japanese in his 40's in black suit and case. Kasunod si Mr. Lawrence in his black suit and case na lalong gumwapo sa suot na sophisticated clear eye glasses.
“ A... andito na sila... “ nauutal na sinabi ni Dianne dahil ang posisyon nito sa kinauupuan ay nakaharap sa pinto samantala nakatalikod naman si Amelie. Parang nagtaka si Amelie na parang nag-iba ang facial reaction ni Dianne at halos mahulog ang mga panga nito.. Dahan syang tumayo para harapin ang mga eto...
Ngunit bago pa sya makalingon. Narinig nya agad ang boses nito..
“ Miss Amelie Mitchell? “.....
Parang huminto ang kanyang mundo, at biglang natakot syang lumingon, at dumapo ang tingin kay Dianne na nasorpresa din ang mukha. At dahan dahan din syang lumingon, nang nagsalita eto ulit...
“ Miss Amelie... can we have our seat now ..”
“ Ye..Yes please have a seat... “ sabay na ring nilingon ito. At sabay na naghina ang kanyang mga tuhod nang masilayan ang kaharap. Napahawak sya sa sandalan ng silya na parang nahilo... Agad syang hinawakan ng binata sa kanyang mga siko... “ Careful..... Are you OK? “
“ Brice... is it really you? “.... “ It's Brian Lawrence... please to meet you Ms. Mitchell! “
sabay ang matamis nitong ngiti na inaalok ang dalagang makipagkamay sa kanya.. At marahang nakipagkamay din sya rito.. “ Shall we start?” …. agad din nyang pagbitaw at inalok ang upuan para makapagsimula sa meeting.
Habang nilalahad ng mga attorney ang kani-kanilang kontrata, parang mapaparaning naman si Amelie kakapretend everything is ok, at halos walang naiintindihan sa mga pinag-uusapan dahil hindi sya makapag concentrate, mabuti na lang sinasalo sya ni Dianne. Habang si Brice naman ay professional na professional. Kumakain sila ng dinner pero patuloy pa rin ang busness topic.
Natapos ang meeting agkasabay silang limang lumabas ng restaurant at naghiwa hiwalay ng landas na parang wala lang. Ang attorney ni Amelie unang bumaba at tumungo ng kanyang kotse, sina Brice at kanyang kasama ring attorney sumakay ng isang black ferrari.
“ Ate, ibang iba na si Sir Brice... Ok ka lang ba? “
“ Tama ka Dianne, mukhang nakapag move on na nga sya.. yun naman talaga ang dapat at masaya ako para sa kanya.. “ ….. nakangiti si Amelie ngunit halatang halata ni Dianne ang kalungkutan nito. ..
“ Halika na Dianne bumalik na rin tayo ng hotel at makapagpahinga na rin “..

papasok na sila ng kotse nang biglang may nagtext kay Dianne..
” Ate pwede bang mauna ka na lang bumalik ng hotel, malapit lang daw pala kasi dito si Lester at nakapag-off early ng work magkikita daw muna kame.
“ Wow!!! kayo pa rin pala ni Lester, tagal nyo na ah... “ ….
” Sa awa ng Diyos po ate baka magpapakasal na po kame next year, abay kayo ha.. “ …
“ Makakaasa ka Dianne.. cge mauna na ako, and enjoy your date.. “

While on her way back to the hotel she's staying napangiti si Amelie na naiisip na mabuti pa si Dianne at masaya ang lovelife. Biglang may mga black tinted cars na kanina pa nyang napapansing nakasunod sa kanya. Nakaramdam sya ng kaba kaya siniguradong nakalock lahat ang maga bintana at pinto at mabilis pang pinatakbo ang kanyang kotse,
at biglang napreno ito nang kamuntikan nang masagasaan ang biglang humarang na naka motor.

Mahigpit na nakahawak sa manubela si Amelie habang nakatingin sa lalaking bumaba sa kanyang motor at tingal ang kanyang helmet, moving towards her.
“ Br..Brice? Ano ang ginagawa mo? “
maya maya nakatayo na ito sa pinto ng kotse nya kinakatok ang bintana ng kotse. Kaya mabilis rin nyang binuksan ang pinto at bumaba na nagfrefreak out.
“ My God Brice.. Ano ba ang ginagawa mo? Papatayin mo ba ako sa takot? ”
“ Come with me.....” ….. “ What !!! “....... “ I said come with me..”
sabay dampot ang kamay ng dalaga at hinila eto papunta sa black ferrari at unang pinapasok si Amelie sa passenger seat at sumunod din sya sa driver seat.

“ Saan mo naman ako ngayon dadalhin” .. pagmamaktol pa ni Amelie
“ We are going home.. “ ….. “ What do you mean we are going home ? “

“ sa Santa Catalina syempre saan ba tayo umuuwi... “
“ Hmmm... kanina lang hindi mo ako pinapansin.... tapos ngayon eto....kidnapping na itong ginagawa mo ha... “
“ Tumahimik ka na lang muna dyan kasi.. at syanga pala sayo to diba.. “
at inabot yung maliit na box kay Amelie.
“ Akala ko nagbago ka na... gumwapo ka pa nga konti, pero ganun ka pa rin.... antipatiko.. ano ba ang laman nito?.. “ at nang binuksan ang box... “ Oh my!!! This are belongings.. tinago mo pala.. “

At napangiti na lang si Amelie at parang nakaramdam ng hiya at tumahimik nya dahil naalala nya kaagad kung saan nya naiwan ang mga iyon. Binuksan ni Amelie ang bintana sa kanyang gilid para makalanghap ng hangin. With her chin resting on her arms in the window, tinatanaw na na lang ang kanilang dinadaanan.

Hangang sa narating nila ang Santa Catalina, pero nilampasan nila ang syudad. At patuloy na tinatahak ni Brice ang daan patungong Hilaga. Sa natatasang look na bahagi ng syudad. At tumigil sila sa bakanteng loteng banging overlooking ang buong Santa Catalina. Ang lugar noon kung saan laging buhos ni Brice at lahat nang hindi nasasabi at lahat ng sama ng loob. Katulad pa rin ng dati ang lugar na iyon napaka tahimik at tanging buwan at mga bituin at ang ilaw ng kotse lang ang nagliliwanag at nagsilbing ilaw dito.

“ Saan ba tayo ? “ patuloy na tanong nang bumaba ng kotse.
Umupo si Brice sa damuhan sa nakasanyang kinauupuan at hiniling ky Amelie na tabihan sya.
Hindi na nainda ni Amelie ang katahimikan sa kanilang dalawa...

“ Now what?.... What makes you bring me here on this place... Kung hindi ka mang lang magsasalita...” …. Nagulat na lang si Amelie nang bigla na lang syang niyakap ng sobrang higpit ni Brice..” …...” Why Amelie... why did you just leave me without even saying goodbye... Do you have any idea how that so hard for me? ''
“ Bri... Brice... I can't breath …... I'm choking..”.. At bahagyang bumitaw si Brice.
“ I thought you're different person now.... Why... after all that I've done to to you, why are you still not giving up? “....... “ Give up?... what are you saying .. that word does not exist in my vocabulary anymore after all that I've been through.... Ngayon tingnan mo ako Amelie...
Give me definite reason to give you up... Mahal na mahal kita at sa pagkakataong ito gusto ko din malaman, so please tell me.. Am I really just your game, or did you ever loved me once or you never loved me at all. “


“ I'm sorry for being such a coward... For I am afraid to tell you na dahil baka hindi ko naman makayang panindigan..but God knows kung gaano ko kagustong isigaw sa buong mundo, I love you... and I love you so much more than you'll ever know. And I'm sorry for leaving you that way.. I just thought it would be the best for us. And I thought you're gone.. I thought you have given me up.. “
Nakahilig si Amelie sa mga balikat nito at halos basa naa ang sleeve nito ng kanyang mga luha. Brice cupped her face with his two palms at pinahiran ang mga luha nito ng kanyang mga kamay habang inaangat mukha nito palapit sa kanyang mukha. Dinampian nya eto ng halik sa noo, own to cheek na basa pa ng kanyang mga luha, down to her lips so slowly and gentle.

“ We are here together now Amelie.. We are not Tristan and Isolde... I am Brian Lawrence Castañeda and you're Amelie Mitchell and you're no longer my brother's woman. And I know you are like a princess and I'm just a private agent and I cannot give you the life you used to live. But I promise to make you my queen and live my life with you forever.. “
At may dinukot etong white gold ring with diamonds mula sa bulsa ng kanyang coat.

“ Will You marry me Amelie Mitchell? …..... Please... say Yes..... “
“ Mayroon pa ba akong ibang option eh nakidnap mo na nga ako..
Would you accept Yes for an answer Agent Lawrence.. ? “

Hinalikan ni Brice ang kanyang kamay at marahang sinuot ang singsing sa kanyang ikalawang daliri.. .. “ It's beautiful !! “ habang tinitingnan ni Amelie ang kanyang mga kamay.
“ I Love You Brice....” ............. I Love You more Amelie..”




And once again, binalot nila ang isa't nga mainit at sabik na sabik yakap at halik dala ang pangakong walang sususoko, sino man mang tumutol hindi na sila padadaig sa takot, at magakasama nilang haharapin ang lahat ng hamon sa buhay.

WAKAS ..................



"Still"

Lady, morning's just a moment away
And I'm without you once again
You laughed at me
You said you never needed me
I wonder if you need me now

[Chorus:]
So many dreams that flew away
So many words we didn't say
Two people lost in a storm
Where did we go?
Where'd we go?

We lost what we both had found
You know we let each other down
But then most of all
I do love you
Still!

[Chorus]

We played the games that people play
We made our mistakes along the way
Somehow I know deep in my heart
You needed me
'cause I needed you so desperatly!
We were too blind to see
But then most of all
I do love you
Still!














No comments:

Post a Comment