CHAPTER 1
Paglapag ng eroplano sa airport ay walang pagsidlan ang
kasiyahan ni Amelie. At last, she's back in her Mom's homeland. She was just 16
years back then the last time she had her last vacation in the Philippines.
After her Canadian-Filipino father died she stayed in France para mag-aral at
magkaroon ng degree in Fashion Design dahil noon pa man pangarap nyang
magkaroon ng sariling fashion label. Ang mama nya naman mas pinili ang bumalik
na lng sa Pilipinas while ang kuya nyang si Adrien nanatili Sa Canada para
pamahalaan ang kanilang family business na iniwan ng kanilang dad .
Pinasundo sya ng Mom nya sa kanilang driver and while she's on her way na sa Sa
tahanan nila sa isang elite village in Santa Catalina nang tumawag ang kanyang
Kuya Adrien dala ang balitang hindi naman lingid sa kanyang kaalaman pero hindi
nya inaasahang yun ka agad agad na mangyayari pag-uwi nya ng Pilipinas. Yun ay
pinaghahanda na cia ng kanyang kuya at may nadeal etong wedding organizer na
sila na mag-aasikaso ng lahat lahat nilang pangangailangan para sa kasal nila
ni Mr. Garret Lee. At syempre sya na mismo ang magdedesign ng kanyang gown at
buong entourage. Kailangan nya lng na makipagcoordinate sa wedding planners na
ni-hire ng kuya nya.
Yes, she was engaged at sa lalaking kailan man hindi pa nya nameet in person.
Naipagkasundo na kasi sya ng Daddy to marry the first son / heir of their
family business partner. Hindi na cia pwedeng kumontra dahil rules pa rin ng
dad at kuya nya ang masusunod, buti na lng at pinagbigyan sya sa pinakagusto
nyang mag-aral sa France. Pwede syang magboyfriend pero hindi nya dapat
seryosohin dahil hindi rin naman nya eto makakatuluyan. Bagay na hindi nya na
rin ginawa para ano pa't masasaktan lng sya o mangyayari ring makakasakit lng
sya ng iba. Ang alam nya lng tungkol ky Garret ay matalino, gwapo at mabait
naman daw eto at hindi naman sya sigurong mahihirapan matutunan etong mahalin.
Pagdating dating nya kanilang bahay sinalubong sya ng galak at yakap ng kanyang
ina. Pero medyo nagkasimangot na eto kaya tinanong sya ng mom nya, “ What's
wrong with my princess..? Hindi kaba masaya na magkasama na uli tayo? “.... “Of
course mom... I'm so happy to be with you and I miss you so much. “..... “ Then
what's wrong hija?”.... “ Si Kuya kasi mommy eh, parang masiado nyang
minamadali ang kasal ko sa Mr. Lee na yun... eh kadarating ko nga lng po” ….. “
Halika ka hija, pagsaluhan na lng natin ang dinner na ipinahanda ko na, niluto
ko lahat ng paborito mo, para naman mawala na yang tampo mo..”
Alalay ng kanyang inang parang wala na ring magagawa sa desisyon
ng kanyang kuya.
After ng dinner at chitchat nila ng mom nya about sa experiences nya sa France
nakaramdam na ng pagod si Amelie. Kaya after nyang maligo nakatulog agad sya sa
kanyang mala prinsesang kama.
Sumunod na araw, nakipagkita si Amelie sa Mom ni Garret. Nasa America pa kasi
si Garret at marami pang tinatapos na tungkulin sa business din nila doon and a
month from then makakauwi na rin sya ng Pilipinas to meet his fiance at
matulungan na rin eto sa mga pag aasikaso ng kasal nila. Samantala yung mom nya
na mismo ang nagvolunteer to take his place sa pagtulong ky Amelie para makapag
bonding na rin daw sya sa kanyang magiging daughter in law. After nilang
makipagtagpo sa wedding planners, ay magkasama din silang naglunch. Tuwang tuwa
si Mrs. Lee sa kanya at talagang bet na bet nya ang dalaga para sa kanya unico
hijo. At proud na proud syang nagkukwento tungkol ky Garret. Pinakitaan nya na
rin eto ng mga pictures at minsan tumatawag na rin si Garret sa kanya.
Pagkatapos nilang maghiwalay ni Mrs. Lee, nilibang nya ang sarili sa paglibot
libot sa syudad. Pabalik na sya sa village nang nakadaan sya sa nagtitinda ng
balut, fishballs at cotton candy. Bigla nyang na miss Filipino street foods.
Bumili sya ng balut at fishball, at nang binuksan nya ang wallet nya para
magbayad, bigla na lng may humablot nito at napatakbo ng mabilis.. Habang
nagsisigaw sya.
“ Ang wallet ko..” ngunit para na lng etong natulala at walang nagawa. Pero
biglang my rumagasang itim motorsiklo sakay ang lalaking naka black jacket at
black helmet. Hinarang nito ang snatcher pinakiusapang ibigay sa kanya ang
wallet, pero kumawala eto sa kaya hinabol pa rin sya at nahuli nito ang
snatcher, nanlaban pa ang snatcher at may dala pa pala etong pocket knife at
sinubukang pa nitong saksakin ang lalaking nakahelmet. Pero magaling sya sa
self defense. Pinosas nya ang snatcher at habang hawak nya eto, tinangal nya
ang suot na helmet tiningnan nya ang ID ni Amelie sa wallet... Kumunot ang noo
nya na parang pamilyar sa kanya.. Nang biglang nasa harap nya si
Amelie...
“ excuse me po sir, sa akin po ang wallet na yan.. “ aniya... Binalik nya ang
wallet na may kasama pang sermon.. “ Ms. Mitchell... next time po mag-ingat
kayo.” …. “ Salamat po sir.... swerte na lng at may pulis palang nakabantay
dito..” kausap pa nya dito habang pinapasakay ang snatcher sa motor nito para
ihatid sa Police Station..Habang sumakay na din eto ng motor, supladong sumagot
eto
“ correction lng Miss, hindi ako Pulis at lalong hindi ako nagbabantay dito,
nagkataon lng din nakita ko ang pangyayari at dadaan na din lang ako ng Police
Station kargo de koncencia ko ang hayaan na lng ang tatanga tangang katulad
mo.. bratty girl !!”
Sabay sinuot ang helmet at pinaandar ang motor.. “ Hmmmm... gwapo naman sana
kaya lang suplado naman nun, hindi sya Police pero bakit may dalang posas..”
bulong sa sarili at nagmamaktol na bumalik sa kotse nya...
At habang nagdadrive, nagrewind sa utak nya ang salita ng misteryosong
lalaki,
“ kargo de koncencia ko ang hayaan na lng ang tatanga tangang katulad mo..
bratty girl.. “
Parang may bumabalik sa memory nyang narinig nya na ang annoying statement na
yun na parehong pareho ang pagkakasabi..
“ Brice …... tama si Brice nga.... sabay hampas manubela nang may naalala..
CHAPTER
2
10 Years ago ….......
Sa iisang village tuwing ala-sais pa lang ng umaga, dala ang bisekleta nito
lumalabas na ng gate sa mansion ng mga Lee si Brice para pumasok sa eskwela.
Hindi naman ganun kaaga ang kanyang pasok pero kinailangang nyang umalis ng
mansion bago pa gumising si Madam na siguradong masisira ang araw pag nakita
ang binata.
Si Brice Castañeda ay anak ni Mr. Lee sa dati nyang sekretarya, na isa nyang
malaking pagkakamali. Hindi pwedeng dalhin ni Brice ang apelyidong Lee dahil sa
isa etong kahihiyan sa kanilang pamilya at itinago itong lihim. Gamit nito ang
apelyido ng kanyang inang pumanaw walong taon ang nakaraan dahil sa isang hold
up incident at nanlaban eto kaya hindi pinalampas ng mga salarin. Silang
mag-ina lang ang magkasama sa buhay at dinadaos nito ang sariling anak ng hindi
tumatangap ng anumang tulong mula sa mga Lee. Ngunit ng pumanaw eto at walang
mapuntahan ang musmus pa lamang noon na si Brice. Kaya sa ayaw at gusto ng
asawa, inuwi ni Mr. Lee ang bata at pinalabas lng na anak eto ng isa sa
kanilang katulong. Isa sa mga katulong ng mga Lee na si Aling Martha ang naging
ina inahan ng bata. Ang mag-asawang Lee lng at ang mga katulong ang lng
nakatira sa mansion dahil si Garret simula pa noon sa America na nag-aaral, at
parang nanatili lng ang usual nilang pamumuhay as if Brice doesn't exist. Pumayag
si Mrs. Lee na tumira doon si Brice sa ganoong kondisyon, dapat hindi nya eto
makikita. At yun na din nga ang nangyayari, maaga pang umaalis si Brice bago pa
umalis na rin ang mag-asawa patungo sa kanilang kompanya, at umuwi eto gabi na
at madalas hindi na rin nakakauwi.
Nagpapaalam na lng eto kay Aling Martha.
Sa tuwing umaga na magbibisekleta cia palabas ng village, may ilang araw na
nyang nadadaanan ang noon teenager pa din lamang na si Amelie na nagjojogging
sa palibot ng village road. Dinadaanan nya lng eto ng tingin at hindi naman
kailanman lumilingon si Amelie. Noon pa man napansin na nito ang kanyang
kagandahan pero alam na alam nya sa sarili na yun ang mga tipo ng babae na para
sa kanya ay hangang tingin na lamang. Nagjojogging eto na parang wala lng
pakialam sa paligid at may nakasangsang na headphone lang mga tenga nito, na
parang sa kanya lng ang highway at sa gitna na mismo eto ng daan tumatahak.
Isang araw nakita cia ni Brice na nakayukong nagtatali ng kanyang nahubad na
shoelace sa gitna ng daan at napansin nito ang paparating na rumaragasang black
tinted na kotse. Sumisigaw cia kay Amelie, ngunit hindi sya nito naririnig
dahil sa naka headphone eto. Dali dali syang bumaba ng bike at iniwan eto sa
gutter. Karga pa ang backpack nito mabilis nyang hinablot si Amelie sa papunta
sa gilid ng daan. At dahil sa pagka out balance natumba ang mga eto sa gutter
at sinigurado ni Brice na hindi masasaktan si Amelie, bumagsak silang nakayakap
sya dalaga na nakadagan sa kanyang dibdib.
Nang iniangat ni Amelie ang ulo nagkatitigan silang dalawa, at sa ilang sigundo
silang naistatwa. Nang marinig ang sigaw ng driver ng kotse na tumigil sa harap
nila, “ hoy!!! magpapakamatay ba kayo? “
Agad agad silang tumayo na at nilinis ang mga sarili na parang walang nangyari..
“ Manong hinay hinay lng din po kayo sa pagmamaneho..” pagalit din sagot din ni
Brice sa kanya … “ tsk...tsk... walang galang kang sumagot na bata ka ah, Oh..
ayan.... nagmamadali ako kung nasaktan kaya tumawag na lng kayo jan..” sabay
abot ng calling card kay Brice at daling sinara ang bintana ng kotse at umalis.
“ By the way I'm Amelie Mitchell.. My crush ka ba sa akin at super hero ang peg
mong iligtas ako..” pahanging pagbasag ni Amelie ng katahimikan na nakatayo pa
rin sa likod ni Brice habang matalim pa rin ang tingin nito sa palayong kotse.
Biglang nag-init ang kanyang mukha hangang tenga ng marinig ang seducing na
boses ni Amelie.. Kumunot ang ang noo ni Brice na bumaling eto dito.. “ Hindi
ka man lng ba marunong magpasalamat?... Nagkataon lang na napadaan ako at kargo
de koncencia ko ang hayaan na lng ang tatanga tangang katulad mo.. bratty girl
!!” ….. “Oh... well.. Tha.... “... bago pa matapos ang kanyang salita
tinalikuran na cia ng binata na nagmadaling sumakay muli ng kanyang bisekleta at
umalis. Sinubukan pa nya etong pigilan dahil napansin nyang may galos eto sa
siko at bahagyang bukas ang bag nito. Biglang narealize nya ang sinabi na
kinainis ng lalaki. Joke lng naman sa kanya sana yun para mawala yung awkward
moment ng pagpagsak nilang magkayakap. Napaupo na lng cia sa gutter at
napabuntong hininga. At bigla syang may nakitang notebook. Pinulot nya eto
dahil sa sigurado syang galing yun sa bahagyang bukas na bag ng lalaki. Math
notebook nya yata iyon dahil puro figures and numbers lng ang nakita nya nang
buksan eto, at konting konti lng ang laman. Wala din syang makuhang info
maliban na lng sa nakasulat na pangalang Brice Castañeda behind the cover na
paniwala nyang yun na nga ang name ng lalaki.
Sumunod na araw, sa muling pag jogging ni Amelie dala dala nya yung notebook at
sadyang naghintay sa lugar ng pangyayari kahapon. Nakaupo lang cia sa guter at
dalawang oras naghintay ngunit walang ni anino ni Brice ang dumaan.
Nanghinayang si Amelie at feeling guilty na hindi man lng sya nakapagpasalamat
at naka hingi ng sorry sa kanya. Last day na ng vacation nya ang araw na yun at
mamayang gabi ang flight nila back to Canada. Nagkataon din naman namang ilang
araw ding hindi bumalik si Brice sa mansion.
Bago bumalik si Amelie at ang buong pamilya nya sa Canada, iniwan nya sa drawer
sa loob ng kanyang cabinet ang notebook at binilin din nila sa care taker ng
mansion nila na huwag galawin ang pagkaayos ng mga gamit sa mga kwarto. Habang
si Brice naman nang bumalik na rin sa village at balik din sa dating gawi
tuwing umaga ay kailanman hindi na nakita si Amelie at minabuti na lng eto sa
sarili at kinalimutan na lng ang magandang dalagang dati tuwing umaga nyang
nakikita.
--------------------------------------------------
Sa Kasalukuyan ….........
Nakahiga na si Amelie sa kanyang kama para makapagpahinga na rin sa pagod sa
buong araw nyang lakwatsa. At bigla nyang naalala ang pangyayari nung hapon.
Dahan syang bumangon at binuksan ang antigong cabinet at ang drawer nito sa
loob. Kinuha nya ang lumang notebook ni Brice sa sampung taon na nakalipas ay
nandun pa rin. Bigla nyang naisipang punuin eto ng kanyang sulat kamay ng Thank
You at Sorry at binabalak na isauli eto sa kanya. Sa kung paanong paraan ay
hindi pa nya malaman.
CHAPTER 3
Maagang nakapag off si Brice sa dahil lumipad si Congressman
patungong Singapore dahil sa sa isang personal invitation ng kaibigan. Naisipan
nito ang mag Friday day night whine up with his best buddy. Hindi nito
macontact ang cellphone kaya sinubukan nyang sorpresahin na lng eto sa kanyang
klase. Agad syang pumunta ng University of Santa Catalina, at pagdating
nya doon tinahak nya ang classroom ni Raph at hindi pa nga eto tapos sa klase.
Napakatahimik nyang pumasok ng classroom at umupo sa pinakalikuran at
nagkunwaring estudyante na late lang pumasok. Nagsenyasan lang sila nang
kaibigan at tahimik na rin etong nakinig ng lecture.
“Tristan and other Cornish warriors launch an attack on an Irish slave caravan.
Tristan fights Morholt, the champion and leader of the army of Donnchadh, whose
daughter, Princess Isolde, has been promised to Morholt in marriage. Though
Tristan kills Morholt and Donnchadh's forces are overrun, he is severely
wounded in the fight and believed dead, though he is in fact only suffering the
effects of Morholt's poisoned sword.Tristan's body is put out to sea on a
funeral boat which eventually washes up along the shores of Ireland. He is
discovered by Isolde and her maid, Bragnae, who administer an antidote that
revives him. Bragnae insists that Isolde conceal her identity so Isolde tells
Tristan her name is Bragnae. Tristan and Isolde fall in love as she nurses him
back to health. The two lovers must separate after Tristan's boat is
discovered. Tristan returns to Cornwall and receives a hero's welcome. A
confused but overjoyed Marke welcomes him back with open arms.Plotting to
defeat Britain, Donnchadh proposes a peace treaty, promising his daughter
Isolde in marriage to the winner of a tournament. Tristan wins the tournament
on behalf of Marke, unaware that "the prize" is the woman he fell in
love with in Ireland. When he discovers the truth about Isolde, he is
heartbroken to see her betrothed to Marke, but accepts it since the marriage
will end "a hundred years of bloodshed."
( From The Story Of Tristan and Isolde )
And the school bell rings………………….
“ Ok class let’s continue on Monday and it’s your assignment to know the
continuation of the story and be ready for the quiz next meeting. “
Paglabas ng mga estudyante, agad ni Raph tinangal ang eyeglasses at nagligpit
ng mga libro at gamit nito at lumapit na sa kaibigan.
“ Pare ano sumunod na nangyari dun sa kwento mo..” curious na tanong nito sa
kaibigan habang papalabas na sila ng pintuan ng classroom. “ At kelan ka naman
nagsimulang magka interes sa literature pre?” ….” Actually , ngayon lang..” at
nagkatawanan na lang ang dalawa. “ Saan ang shot natin ngayon…?” tanong ni Raph
…” Eh di doon pa rin sa dati..”
At dumiretso na ang dalawa sa karaniwang bar at billiard na lagi nilang
tambayan tuwing boys night out .
Pagkagraduate noon ni Brice sa High School napagdesisyunan nyang umalis ng
mansion at naghanap trabaho para makapag-ipon para sa kolehiyo. Ngtrabaho sya
bilang waiter ng isang restaurant hangang sa natagpuan sya ng kanyang high
school buddy na si Raphael Dizon na isang Literature Prof na sa kasalukuyan sa
isang unibersidad sa kanilang bayan. Anak sya ni Congressman na noon ay Mayor
pa lamang. Dahil sa tulong naging working scholar si Brice at kumuha ng kursong
BS Criminology sa kaparehong paaralan ni Raph. Napansin ni Mayor kanyang
pagpupursige at potential, humanga sya mga kakayahan nito. Kaya nang
nakapagtapos eto, pinag special training sya Mayor para maging personal na
katiwala at bodyguard nito. Marangal na pulitiko si Mayor Dizon, marami syang
tinutulungan at mahal sya ng masa kaya lagi syang panalo sa eleksyon. Bagay na
kinaiinisan ng mga kontra partido at lagi na lang etong may threat. Matalino,
matapat, matapang sa marangal na paraan si Brice. Magaling din eto sa shooting
at martial arts at naging black belter ito sa Taekwondo, Muay Thai at
Aikido.
-------------------
Ang ganda ng sikat ng araw ng Sabado at maagang nagsimula sa pagdidilig at
pag-aalaga ng flower garden si Aling Martha. May dalawang araw na day off si
Brice dahil wala sa bansa si Congressman, kaya sa wakas makakauwi na rin eto.
Sa pangungumbinsi na rin ni Brice napagdesisyunan ng matanda ang magresign sa
pagiging katulong ng mga Lee at sinusuportahan naman sya ng binata dahil sa
tinuturing na rin etong ina, at Nanay ang tawag nya dito.
Pagkatapos sa hardin naging abala na rin ang matanda sa paghanda ng tanghalian
at niluto ang mga paborito anak anakan. Maya maya’y dumating na rin cia at
medyo may hang over pa sa pakikipag-inuman sa kaibigan kagabi. At habang nananghalian
at kahit medyo may hang-over Masaya pa rin ang pagkukwentuhan nila ni Aling
Martha. Biglang nabangit ng matanda na kaninang umaga daw habang nasa hardin
cia napadaan si Stella, isa sa mga katulong din ng mga Lee. Dahil day off din
daw nito kaya nagawa pang makipagkwentuhan ng sandali ky Aling Martha. Binalita
ni Stella sa susunod na buwan darating ang kanilang señorito Garret dahil
ikakasal eto. Hindi naman alam ni Stella kung kanino basta sa anak ng Family
business partner. Ikinagulat iyon ni Brice dahil madalas naman tumatawag sa
kanya ang kanyang kuya ngunit ni minsan hindi nito nabangit ang pagpapakasal.
Hindi lingid sa kaalaman ni Garret ang katotohanan tungkol kay
Brice. In fact masaya pa nga eto na meron palang kapatid. Mabait kasi Garret at
tuwing nakakauwi eto ng Pilipinas hindi nakakalimutang makipagbonding eto sa
kapatid.
After ng pag-uusap nila ni Aling Martha, sinubukan ni Brice na magtext sa
kapatid para kamustahin at itinanong na rin ang nasagap na balita. Kinagabihan,
tumawag si Garret sa kanya.
“ Bro… kamusta kana jan? Balita ko marami ka raw napapaiyak na babae dyan?”
bati agad ni Garret sa kanya.. “ Kuya… saan mo naman nasagap yan… Diba ikaw
dapat ang may ibabalita? “
“ Ah yun ba… tama nga ang nasagap mong balita, at ihanda mo sarili mo dahil
ikaw ang bestman..” …” hahahaha… yan kung mapapayag mo ang mama mo..” … “ Ako
na ang bahala kay mama…. At Bro salamat sa pag intindi at pagpapacencia kay
mama ha..” …. “ Ok lng yun kuya sanay na ako dun…” at nagtawanan na lng ang
dalawa… “ By the way kuya, sino naman kaya ang napakaswerteng prinsesa ang
magiging reyna ng buhay mo..” …. “ To be honest Bro we haven’t met yet… thru
phone at online video call lng kame nagkakausap.”… “ Huh!!!! Magpapakasal ka sa
babaeng hindi mo pa nameet in person? Hindi ba isang malaking kalokohan yun
kuya? Mahal mo ba sya…at mahal ka rin ba nya?” ….. “ Oh…slowly Bro…. tangap ko
na yan na eto talaga ang destiny ng isang tulad ko… By the way Bro.. I have a
business call waiting, I will try to call you back later… “ Before pa nya
maitanong ang name ng fiancé ng kuya nya naputol na ang kanilang usapan.
CHAPTER
4
Boring ang araw ng Lingo na yun para ky Amelie. Pagkatapos nyang
magsimba, naisipan na lng nyang manatili na lamang muna sa bahay at
makipagbonding na lang kay mommy at magjoin na lng dito sa pakikipaglibangan sa
mga alagang asong shih tzu at maltese ng kanyang mommy. At sultin na lng ang
pahinga dahil magiging abala nanaman cia bukas sa mga wedding plans at
sisimulan na rin nyang asikasuhin ang mga pangangailang sa business plan nyang
magpatayo ng store ng sariling clothing line, at magsisimula yun sa Santa
Catalina.
Sinusuklay nya yung balahibo ng maltese puppy sa kanilang sala habang nanood ng
news sa TV. Nasa news ang recorded interview ni Cong. Dizon tungkol sa bago
nitong lunsad na charity foundation at nang-iimbita ito ng sponsors and donors.
Bigla nyang napansin ang lalaking naka tuxedo sa tabi ni ni
Congressman. Hindi cia pwedeng magkamali, it was him.... Kaya dali dali ciang
nag open ng laptop at ng iba pang videos and pictures ni Congressman sa
internet para kompirmahin kung sya nga talaga, at hindi nga sya nagkamali.
Ngayong may ideya na sya paano mahanap ang lalaking yun, napaisip sya ng
paraan. Bigla nyang naalala ang Charity Foundation ni Congressman. Maari syang
maging sponsor dito para na rin sa kanyang name publicity na makakatulong na
rin sa kanyang new clothing line business. Naisipan nyang tawagan si Dianne
nang palihim. Si Dianne ang inaanak ng kanyang mommy sa isang kaibigan at
nirekomenda etong maging P.A. ni Amelie sya na rin gagawa ng Business
Feasibility Study nito. Tinawagan nya si Dianne para sa kanyang secret mission
na ipag book eto ng appointment kay Congressman.
Naging successful ang plano ni Amelie. Ilang araw pagbalik ni
Congressman mula Singapore nakapag set si Dianne ng appointment dito. At nang
nasa office na eto ni Cong.Dizon, nagpakilala agad sya dito at nilahad ang
pakay tungkol sa foundation. Hindi naman lingid sa kaalaaman ni Congressman na
prominente ang Pamilyang Mitchell. Sobra syang nagalak sa alok nitong
sponsorship na malaki ang maitutulong nito sa Foundation. “ Ano naman ang
magagawa ko for your favor hija? “... “ Pwede naman sigurong e-recommend nyo
rin ako ng matapat na bodyguard..” Hindi seryosong sagot nito... “ Oh... well
pwedeng pwede hija... at sa panahon naman ngayon ang isang tulad mo dapat
nag-iigat at hindi nag-iisa..” …. “ Kung ganun Congressman pwede ko bang
e-request si Mr. Brice Castañeda? “ …. Biglang nag-iba ang mukha ni
Cong.Dizon... “ Oh.... You know him? “ nasorpresang tanong nito....
“ Hmmm.. not so well
naman, isang dating kaibigan pero parang hindi nya na yata ako maalala eh..” …
“ Ah..ganun ba... pero sorry hija ha... Pero hindi pwede si Brice eh.. I will
recommend you another, I will make it sure you won't get disappointed“ …. “ No
it's ok Cong.. I'm not really serious about it. The fact is hindi ko gusto yung
may buntot ng buntot saken, sanay kasi akong maging independent. Doon kasi sa
Paris malayong malayo ang buhay ko dito. There namumuhay at nag-aaral lang ako
just like the other common people. “ …. “ Sige, ganito na lang kung
kakailanganin mo ang tulong ko, I'm just your call away... “ … “ Sige Cong, I
guess this conversation is clear baka marami pa po kayong gawin.. looking
forward in cooperating with your endeavors Cong. Dizon. ” …. Sabay nito tumayo
at nakipagkamay .. “ It's my very pleasure hija... and by the way kung
kakailanganin mo ang tulong ko tawagan mo lang ako...” … “ Sure, thank you..
“...
At bago eto lumabas ng pinto... “ Wait hija, kung gusto mo pala
makausap ang dati mong kaibigan. Dumeretso ka muna sa lounge, I'm calling my
Secretary right now na papupuntahin doon si Brice..” … “ Thank you po ..”
tumango eto at napapangiting lumabas ng pinto at dumeretso na nga sa lounge.
Hindi pwedeng ibigay ni Congressman si Brice kasi hindi lang basta bodyguard
nito ang binata, kundi marami din eto ditong pinagkakatiwala. Naging secret
private agent nya rin eto na nag-iimbistiga kung sino sino ang mga taong may
pakana ng mga death threat ni Cong.Dizon at sa pamilya nito.
Pagpasok nya ng lounge nakaupoo at naghihintay doon si Brice.. “ Good afternoon
Mr. Castañeda! “
agad nitong pagbati.. Tumayong nagulat si Brice mula sa kinauupuan. Kumunot ang
noo nito na tila hindi inaasahang si Amelie Mitchell ay papalapit sa
kinatatayuan nya. “ Pano mo alam ang pangalan ko?”
“ Hmmm.. Well, paano nga kaya.... dahil ni research kita online wala ka namang
any social media account.. Paano nga ba..” patuksong pagkasabi dito at umupo na
rin sa kabilang couch kaharap nito..
“ Tigilan mo na nga yang pagkunot ng noo mo, binibiro ka lng eh... nakakatense
naman yang tingin mo kaagad , umupo ka nga muna.. Ano ba naman kasi ang nagawa
ko at parang allergic na allergic ka saken.. ” …. at dahan dahan rin etong
umupo. “ So, ano naman ang pag-uusapan natin?'
“ Nothing... I'm sure ayaw mo naman akong kausapin ni ayaw mo nga makipagkilala
eh..”
“ Kelangan pa ba yun, magaling ka naman yata mag research..” insulto pa nito...
May dinukot si Amelie sa bag nito at padabog na pinatong sa mesa sa harap ni
Brice ang bagay na kinuha sa mula bag.. “ Oh.. yan lng naman ang pakay ko sayo
eh...at for your information hindi ko na kelangan i-research ang pangalan mo. “
agad din etong tumayo at nagwalk out palabas ng lounge, at hindi na nagpaalam
ng maayos.. At hindi na nakasagot si Brice.
Nang makaalis na si Amelie at naiwang mag-isa si Brice sa lounge, pinulot at
binuksan nito ang lumang notebook. Bahagyang napangisi eto ng mabasa ang
pangalan sa likod ng front cover nito. Naalala nya noong highschool na
pinalabas sya ng teacher sa classroom dahil wala syang assignment sa Math dahil
hindi nito mahanap ang notebook. Kailanman hindi napasok sa isip nya na si
Amelie ang nakapulot nito. Lalo pa etong ngumisi nang buklatin at nakitang
napuno na eto ng sulat kamay ng dalaga ng mga salitang sorry at thank you... At
sa last page may nakasulat etong cellphone number at binasa nya ang note. “
Baka sakaling magbago ang isip mo at makipagkaibigan kana saakin. “ napangiti
na lng etong tinititigan ang number ni Amelie.
Kinagabihan, balisa sa kama na hindi makatulog si Amelie. Mukhang deadma zone
pa rin cia ni Brice. Halos nakaidlip na cia sa kakabantay ng phone nya na
tumunog. Nang sa wakas tumunog din eto, parang bigla ciang buhay na buhay nang
makitang number lang ang nag-appear... At sobra syang na disappoint nang parang
ma wrong send lamang eto sa kanya.. Ang message ba naman “ napadala ko na po
riyan!”
Hindi sya makarelate kaya nireply nya, “ sorry wrong send po kayo.” … at
nagtext ulit yung number,
“ disappointed ka ano... bratty girl .. nagjojoging ako every morning at 5:00
AM sa City Sports Complex.. “...... hindi nya napigilang napatili, nagtype
sya... “ OK see you there.. goodnight “.. and she's about to press send....
biglang nagbago ang isip nya at binura ang tinype na message saka nagbulong na
lng sa screen ng phone.. “ Goodnight Mr. Antipatiko !”
Samantala, si Brice din ay nanatiling gising din na nakahiga na
rin sa kama panay titig sa phone na wari'y naghihintay ng text. Tumunog ang
phone nya at excited nyang dinampot eto, ngunit kay Congressman galing yung
message, tungkol sa trabaho. Napabuntong hininga na lamang eto at inisp na baka
mahimbing na nakatulog si Amelie.
CHAPTER
5
Aligagang gumising at bumangon si Amelie, pasado ala sais na
nang umaga at inis na inis sa sarili dahil napahimbing eto ng tulog. Kaya
mabilis lang eto nag half bath at nagbihis ng jogging outfit. Hindi na mabuting
nakakapag ayos ng buhok . Sunusuklay na lng ng kamay nito ng buhok at tinaling
ponytail habang tumatakbong bumaba ng hagdan.
Mabilis ciang nagdrive patungong sports complex habang panay tingin sa kanyang
wristwatch. Past 6:45 AM na at estimate nyang makakarating cia sa complex
within 5 to 10 minutes, at nag-alala sya dahil baka hindi nya na maabutan si
Brice. Pagdating agad nyang naipark ng maayos ang kotse at tumakbo agad sa
field. Tama nga ang hinala nya at mukhang hindi nya na naabutan ang binata.
Hindi pa eto nakapagjogging pero para na rin etong ginawa dahil sa kanyang
naging adrenaline rush. Bigla etong nakaramdam ng pagod at napabuntong hininga
na lang na napaupo sa running oval.
“ Did you have a sweet dreams Ms. Bratty? “ … Bigla etong nabuhayan ng dugo
nang marinig ang boses at kumunot ang noong lumingon eto... “ Oh... I thought
you left already..”... “ Yeah... I'm about to leave but I guess I saw your car
out there, and just came back to confirm.. I'm just done with 10 lapses around
this oval so I guess it's your turn now, and I gotta go first... “ ….. “ I don't
think I can make it now, it's already past 7:00 AM at sa katataranta ko kaya
para na ring akong nag jogging.. hmmmm...
but would you like to have some coffee with me? “....... tumingin si Brice sa
kanyang relo ..
“ Ok... I still have an hour ..” … OK, let's go.. “ sagot uli nito habang
dahang tumayo sa pagkakaupo at medyo nangawit ang kanyang binti kaya inabot ng
binata ang kanyang kamay nito para alalayan..
“ Just secure your bike and shall we use my car na lang kaya, ok lng ba? “..
mungkahi ni Ame habang nakatayo silang dalawa sa motorbike at kotse. “ …
pumayag naman si Brice at sinugardo yung lock ng bike.. “ Just let me drive..
your key? “ … “ my keys... Oh My Gosh where's my keys.. I don't have my keys
here on my pocket.. “ nataranta nanaman eto ng mapansing wala ang susi at
naiwan pala yun sa loob ng kotse. Hindi lng susi kundi buong pouch nya nasa
loob. Naalala nyang bigla lang pala etong tumakbo sa loob ng stadium na walang
dala kahit na ano. “ Hay!!! tatanga tanga ka pa rin nga talaga.. Do you have
extra key sa bahay mo?”.. .. “ OO naman, pahiram na lang ng phone mo para
makatawag lang sa bahay pahahatid ko na lang ang susi ko. “ malungkot na sagot
nito..
Nakigamit sya ng phone ni Brice at tumawag sa mommy nya na na ipahatid sa kanya
ang extrang susi ng kotse nito.
“ Brice, mauna ka na lng
muna pacencia na sa abala ha, baka ma late ka pa sa trabaho mo eh.. Hihintayin
ko na lang si yaya muna dito.. “ sinabi habang binabalik ang phone.. At
tumungin uli sa relo nito si Brice.. “ But.. ok ka lng ba dito..?” … “ hmmm...
don't worry I'm fine maghihintay lang ako doon sa benches.. “ buti na lang sa
labas ng stadium mayroong mini playground, slide, seesaws, picnic benches and
tables.. Iniwan nito ang binata mula sa kinatatayuan at hinayaan na lang na makakaalis
Naglalakad sya patungong playground na nagmamaktol at lalo pang nainis sa
sarili sa kapalpakan nito that morning. Umupo sya sa bench, hinilig ang ulo
nito sa mesa unan ang mga braso. Halos makaidlip sa paggkainip.
Ilang sandali, may mainit na dumampi sa kanyang braso at bumangon eto sa
pagkahilig.
“ Brice?... bakit hindi ka pa umaalis.. “ Bumalik ang binatang may dalang
dalawang mainit na kape at burgers at umupo na rin sa harap ng dalaga.. “
ka.... …...” …. “ ay oo nga pala kasi kargo de koncencia mo pala ang hayaan na
lang ang tatanga tangang tulad ko....” natahimik si Brice at hindi na nga
natuloy ang sasabihin at nagtawanan na lang silang dalawa. “ Inumin mo yang
kape habang mainit pa.. meron pa naman akong 15 minutes, naisip ko lang bumalik
kasi baka kinakausap mo na ang mga langam at bubuyog dito. ” … alok nito habang
sumisip sip na ng kape at kumakain ng burger habang ngumingiting nakatitig sa
kanya si Amelie.. Kaya hindi nya magawang tumingin din dito. “ Thank you ulit
ha.. I guess tama naman yung hula kong mabait ka naman, at dahil meron akong
sense of gratitude kaya gusto ko lang naman sana makipagkaibigan.... Ang totoo
kasi wala ankong kaibigan dito. “ nagsimula etong magkwento habang iniinom na
rin ang kape. “ Bakit wala kang kaibigan?” ..
“ It's not na wala akong kaibigan, In fact I have a lot but then andun silang
lahat sa Paris at Vancouver. Since I was little, we only came here less than a
month for vacation every year. But when Dad passed away I decided to study in
Paris and 6 years I wasn't able to come here again for vacation. Ngayon lang
ulit.. ” …. “ Yung math notebook, how did you keep that 10 years long?” … “ I
found that after you left that day of incident. I waited at the same place the
following day to return that to you but I did not found you. And unfortunately
that was the last day of our vacation that year. I left that safely in my
cabinet at home in the village. The next four years of our every year vacation,
I'm still coming back on that place and still I'm not lucky to find you. Not
after almost 10 years, halos nakalimutan ko na nga ang araw na yun eh, until
another incident again happened here to me. You appeared again at last.. “
….. “ Alam mo ba na kick-out ako ng math teacher sa classroom
that day
dahil wala akong mapasang assignment. And that was my last days
sa village. “ ...” Kaya pala hindi na kita nakita sumunod na mga taon.. .. Kung
ganun since we're ok now, siguro naman we could be friends..”... “ hmmmmm..
Ok.. I'll think about it.. “ ngumingisi at loko nitong sagot kay Amelie.
Bago pa natuloy ang kanilang usapan, dumating ang Yaya ni Ame at dala na nito
ang extrang susi. At kinailangan na rin ni Brice umalis. At may usapan sila
muling magkita at sisikapin na talaga ng dalaga na gumising ng 5:00 AM susunod
na araw. Pero bago sila naghiwalay ng landas. Nakipag kamay din sa wakas si
Brice at sinabing.. “ Nice to meet you Amelie Mitchell “.....
Pag sakay nya ng kotse, tiningnan muna ang cellphone na naiwan din sa loob.
She got 3 missed calls
from Mrs. Lee at may mga text din eto reminding her of their meeting later for
the list of entourage.
Ang tila sandaling nabalot ng saya na mood ni Amelie ay
napalitan nanaman ang pagkayamot.
At habang tinatahak din ni Brice ang highway sa mabilis na pagpapatakbo ng
kanyang motorsiklo, napapangiti eto unconsciously habang may naiisip. Bumabalik
sa alaala nito, sampung taon nakaraan may paghanga sya dito ngunit ito'y
hangang tingin lamang. Because she was a princess and he's just a boy who can't
find a real home. At kailan man hindi pumasok sa isip nya na ang babaeng tulad
nya patiently keep coming back on that place where they met hoping she will
meet Him again.
Nagkaroon na sya ng mga nakalipas na mga relasyon ngunit hindi ang mga iyon
nagtatagal dahil sa uri ng kanyang trabaho.
Walang nagtyaga sa kanyang maghintay ng ganun.
“ Can we be friends? “ …...
“ Tama yun lang dapat Brice..... kaibigan lang at hwag na hwag kang lalagpas sa
boundary na yun.. “ bulong nito sa sarili hangang sa nakarating na eto sa
paroroonan.
CHAPTER
6
Halos nakasanayan na ni Amelie ang gumising ng madaling araw
dahil isang linggo nang naging daily routine nito ang pagkikita nila ni Brice
sa Sports Center with coffee and breakfast together after jogging maliban sa
araw ng Linggo na araw ng pag simba at pahinga. After nilang magkita nagiging
abala naman sya pag gawa ng kanyang mga gown designs, meeting with Dianne, Mrs.
Lee, and sa mga wedding planners. Sa ilang araw pa lamang na pag bonding ng
dalawa unti unti na etong naging komportable sa isa't isa. Hindi na sya
tinatawag ni Brice na bratty dahil hindi naman pala ganun si Amelie habang unti
unti nya etong nakikilala.
Araw ng sabado habang nag-aalmusal sila sa isang fastfood napag-usapan nila ang
lovelife. Naitanong ni Brice kung nasaan ang kanyang boyfriend, na ok lang ba
dito na nakikipagkita sa kanya ang dalaga araw araw. ..
“ Masyadong strict si Daddy noon, and when he passed away mas
lalong nakakatakot yung elder brother ko who took our Dad's place in the
company and took over us na rin sa amin ni Mommy. Ang mga salita nun batas sa
bahay. I can go out on a date, but I can't be in a serious relationship.
Nakakatawa pero naiingit ako sa mga karaniwang babae. Hindi katulad nila hindi
ako pwede umibig sa hindi nila gusto. “ …. “ Sobra naman pati puso mo
manipulado ng kuya mo..” …... “ Tama, yun nga ang nangyayari, kasi sila yung
pumipili at nagdedesisyun kung sino ako magpapakasal for the sake of business.
Unfair diba? Pero wala akong magagawa yun na talaga ang batas ng pamilya namin
eh, bata pa kame yun na angpinaregistro sa isip namin.. Kaya ganun.. … How
about you? Baka naman biglang may susulong saken ang bigla akong sasabunutan ha
na mamis interpret etong pagkikita natin. “
Napahalakhak si Brice.. “ Don't worry... walang sasabunot sayo... “ …..
“ Wala kang girlfriend? Weh... di nga.. sa itsura mong yan wala kang nabiktima?
“
….” Ang mukhang eto lagi kasing iniiwan... “ tugon nito... “ Eh bakit naman? “
…..... “ Kasi hindi nila naiintindihan ang linya trabaho ko. Lagi ko silang
nadidisappoint, at naiinip silang maghintay. Kaya mas minabuti ko na munang
walang relasyon, no commitment. “
“ Ganun ba yun... Hwag kang mag-alala sigurado akong yung Ms. Right mo nariyan
lang sa tabi tabi.
Hindi pa sa tamang panahon sigurong magtagpo kayo.. “
“ By the the way where you going after this? “ tanong ni Brice.. “ Dadaan ako
ng mall may bibilhin lang akong CDs and DVDs sa music store..” …. “ Mahilig ka
sa music”... “ Yeah, I'm very passionate with music and movies as well.” …. “ Kung
ganun samahan na kita..”....
“ Sure... pero wala ka
bang work today? “... “ Hmmm.. suppose to be meron pero may ka meeting pa si
Congressman... at makikipagkita sana ako sa kaibigan kaso may activities din
daw pala sya sa school. Kaya day off ko ngayon. At uuwi ako mamayang gabi kay
nanay Martha. Kaarawan nya pala kasi gusto ko syang handogan ng munting
sorpresa. Mukhanag kakailanganin ko ang tulong mo. “ paliwanag nito...
“ Ganun ba? Sige ganito.. uuwi muna kasi ako ng bahay para makapagshower at
magpalit ng damit... Kita na lang tayo later after lunch. Ok ba yun? “
…........ “ Sige, I'll just call you then.. “
At naghiwalay na sila ng landas pauwi at magkikita rin ulit ang mga eto mamaya.
Nasa mall na sila, una nilang pinuntahan ang tindahan ng mga CDs sat DVDs .
Habang namimili si Amelie ng mga music albums, si Brice naman nas movie
section. Napansin nitong mukhang may napiling DVD at binabasa nito ang
contents. Ginulat nya ang binata nang biglang nasa tabi na eto at sinabi.. “
Mahilig ka pala sa classics?” …. “ Not really...” binalik ang hawak na DVD sa
stand.. “ May napili ka na ba? “ … “ OO.. pipila na lang ako sa counter..” …..
“ Sige hintayin na lang kita sa labas .” .. Nang tumalikod at lumabas na si
Brice, dinampot ni Amelie ang DVD na hawak nito kanina... Binasa din eto.
“ Tristan and Isolde ?“ napakunot ang noo nito.. “ Mahilig ka pala sa classic
love stories ha...” natatawang bulong nito sa sarili at sinama na rin eto sa
mga napili para bayaran sa counter.
Pagkatapos nila sa store na yun, tumungo na sila sa department store para
mamili ng mga bestida, bag, at sandalyas para kay Aling Martha at pinabalot
nila iyon sa gift box. At huling pinuntahan nila ang pastry shop at pizza house
para magtake out ng cake at pizza. Mag aala sais na ng gabi nang makatapos sila
sa mall at inibitahan ni Brice si Amelie ng dinner sa bahay ni Aling Martha, at
pumayag din ang dalaga.
Kinarga nila ang pinamili sa kotse. At sakay ng motorsiklo pinangunahan ni
Brice ang daan at sumusunod sa kanya si Amelie.
Pagdating nila nang bahay, halos katatapos lang ni Aling Martha sa pagluluto sa
kusina. Tuwang tuwa etong sinalubong at nasorpresa sa daming regalo na dala ni
Brice sa kanya. Pero mas lalo etong nasorpresa nang mapansin meron pala etong
kasama .
“ Nay.. kaibigan ko nga pala si Amelie Mitchell. “ ….. “ Maligayang kaarawan
po!” bati nito sabay nakipag beso sa medyo naguguluhan pang matanda.
Habang kumakain na silang apat ng hapunan masayang nagkukwentuhan ang mga eto.
Kinuwento nila kay Aling Martha ang buong kwento kung paano sila naging naging
magkaibigan. Nasabi pa ng matanda na mukhang espesyal sya kay Brice kasi sya
ang ang unang babaeng dinala at pinakilala nito sa kanya. Namula ang pisngi ni
Brice at medyo napahiya kaya iniba nya ang topic. Pagkatapos nilang kumain,
nag-alok pa si Amelie na tulungan ang matanda sa pagliligpit at paghuhugas ng
mga hapagkainan at mga hugasing naiwan sa kusina. Ngunit hindi sya pinayagan ng
dalawa, sa halip pinagpahinga na lang nila eto sa sofa sa sala dahil halata na
sa mukha na pagod na eto. Si Brice na lang ang tumulong kay Aling Martha.
Habang nasa sofa, nakaramdam na nga ng antok at pagod si Amelie kaya napahiga
eto, at hindi nya namalayang nakaidlip na pala sya. Pagkatapos ng dalawa sa
kusina, nadatnan nila na mahimbing na nakatulog eto. Gigisingin pa sana sya ni
Brice, ngunit pinigilan sya ng nanay nya na hayaan na lang eto. Gabi na rin
kasi at delikado na sa daan pauwi. Ikinuha nya na lng ng unan, kinumutan, at
inayos ang ang pagkahiga nito. Umupo din eto sa kabilang couch na tinititigan
ang dalaga habang mahimbing na natutulog, habang si Aling Martha pumasok na rin
sa kanyang kwarto at nagpahinga.
May kung anong nag udyok sa kanya na lapitan eto at tinitigan ng napakalapit
ang mukha ni Amelie. Parang gusto nitong halikan ang mapang akit nitong mga
labi habang mahimbing na natutulog. Ngunit biglang gumalaw ng bahagya si
Amelie, at natauhan eto at mabilis na bumalik eto sa kinauupuang coach. Hinagod
nya ang kanyang dibdib at napabuntong hininga nang mapansin ang supot na nakapatong
sa mesa. Parang supot eto galing sa music store na pinuntahan nila kanina.
Kinuha nya eto at binuksan ang supot. Gulat nyang iyon ay ang hawak pala nya
kaninang DVD na Tristan and Isolde. Napangisi na lang eto. Wala syang magawa at
hindi rin makatulog kaya pinanuod na lang ang pelikulang iyon, para masagot na
rin ang minsang nabitin nyang narinig na lecture ni Raphael.
Nalungkot sya at napaisip sa ending ng historical movie na yun dahil walang
nagkatuluyan dahil naging malaya nga si Isolde pero namatay naman si Tristan.
Inilagay nya ang sarili sa lugar ni Tristan, what if kung sa una pa lang naging
matapang at ipinaglaban nya ang nararamdaman sa minamahal at hindi ito
hinayaang mapagkalulong sa mahal na hari, magkakaroon kaya sila ng happy ending?
Habang nakabaling ulit ng titig kay Amelie. “ Kaya ikaw Brice hwag mong hayaan
ang sarili na umibig sa isang tulad ni Amelie Mitchell dahil kahit kelan hindi
magiging ganun kadali ang magiging sitwasyun kapag umibig ang isang hamak na
kawal sa isang prinsesa. . “ .. bulong na paalala nito sa sarili.
CHAPTER
7
“ Baka naman tuluyan nang nahulog ang loob mo sa kanya ha.. Pre... I'm warning
you, sa mga katulad ni Amelie hindi magiging madali yan. Maging handa ka na
lang kung sakali. “ babala ni Raphael kay Brice habang may hawak silang tig
iisang bote ng beer sa terasa ng bahay ng mga Dizon.
Minsan na rin kasi etong nagkaroon ng girlfriend na galing sa angkan ng mga
Rich Traditional Chinese. Hindi nya eto nakatuluyan dahil hindi sya gusto ng
pamilya ng babae. Bumalik ang girlfriend nya sa China at hindi na eto nakabalik
at nakapag asawa na pala ng iba na gusto ng pamilya nito.
“ Hindi naman siguro mangyayari yun Pre.. At kung mangyari man, sisiguraduhin
kong hindi ako magiging duwag at magkaroon ng ending na katulad ng nangyari
sayo. “ ….. “ Naku.. sinasabi mo lang yan Pre.. tingnan na lang natin..
pustahan tayo dyan. “ ….....at nagkatawanan na lang silang dalawa.
“ Syanga pala.. Oh, eto baka sakaling may date ka sa Valentines . “ may dinukot
na sobre mula sa bulsa nito si Raphael at inabot kay Brice.. “ Ano to...”
binukasan ang sobre nang makita ang laman .
“ Two concert tickets?... saan mo naman nakuha to Pre.. Kanina lang
binababalaan mo ako tapos ngayon bibigyan mo ako ng dalawang concert ticket para
sa Valentines? “ tugon ni Brice habang tinitingnan ang tickets..
“ Masyado ka namang defensive Pre, wala naman akong sinasabi na si Amelie ang
ka date mo... Pero.... kunsabagay wala namang ibang pwede mong maging kadate
eh.. Siguro naman mahilig yun manood ng concert. Bigay kasi yan ng kaibigan
kong DJ, eh hindi ko naman magagamit yan. “ …...
“ Siguro nga Pre kasi mukhang mahilig nga iyon sa musika.
Sige salamat dito,
susubukan ko syang yayain. “
Kinabukasan....
Habang nagkakape ang dalawa sa suking coffee shop tuwing umaga inabot ni Brice
ang sobere kaya Amelie. ….
“ Valentine Serenade with Keith and The Band ? …. Oh My Gosh I like these
balladeer band !!! “ napatatili eto ng sandali …...... “ Gusto mo bang manuod?
“ …
“ Of course!! but wait... are you asking me for a date Mr. Castañeda? “
Halos mabulunan eto ng kape nang marinig ang mga sagot ni Amelie at pakiramdam
nya uminit nanaman ang mga pisngi nito hangang tenga. “
“ Hi... Hindi sa ganun... Bigay kasi yan ng kaibigang DJ ni Raphael, sayang naman
hindi naman nya magagamit yan.. At hindi din ako mahilig dyan.. Kayaa.......
Kung gusto mo yayain mo yung P.A. mong si Dianne, dalawa kayo manuod..” …
Bulol at denial na paliwanag nito na hindi makatingin ng diretso
ky Amelie at napahawak sya sa kanyang batok. Habang pabirong nakangiti ang
dalaga sa kanya..
“ Naku hindi pwede si Dianne, my boyfriend yun and I'm pretty sure na sila ang
magdedate.
Sige na.. ikaw na lang. Samahan mo ako dito, just for once please!! “
malambing na pagkukumbinsi nya kay Brice .
“ Sige na nga, pinipilit mo eh.. “ …....“ Thank You.. Ayan wala ng bawian yan
ha .. “
Napangiti na lang si Brice habang tinitingnan si Amelie na parang batang
kinikilig at excited habang nilalagay ang sobre sa bag.
Dumating ang araw ng Valentines at yun din ang araw ng concert. Dala ni Brice
ang asul na kotse ni Raphael, sinundo nya si Amelie. Halos mahulog ang panga at
tulala si Brice ng salubungin si Amalie paglabas mula sa kanilang gate.
Tumingkad pa ang kagandahan sa suot na hot pink sleeveless
blouse tucked in with a floral black and pink skater skirt showing her flawless
well shaped long legs at sapatos na pareho ang kulay sa kanyang blouse. Bumagay
din sa kanya ang fish tailed hair do at ang kanyang light make-up.
“ You look wonderful tonight. “ puri nya dito bago binuksan ang pinto ng
passenger seat.
Kasalukuyang nasa theater na sila at sobrang enjoy na enjoy si Amelie sa
panunuod ng concert. Katulad ibang kababaihan doon nakikitili at nakikikanta na
rin sya habang umaawit ang singer sa stage. Walang magawa si Brice kundi ang
makisabay na lng sa trip ng dalaga, habang panay ang nakaw tingin nya dito.
Natahimik ang mga audience ng awitin ng banda ang makabagbag damdaming Truly,
originally done by Lionel Ritchie.
♪♫♪♫♪♫♪♫
Girl, tell me only this
That I'll have your heart for always
And you want me by your side
Whispering the words I'll always love you
And forever I will be your lover
And I know if you really care
I will always be there
Now I need to tell you this
There's no other love like your love
And i,as long as I live,
I'll give you all the joy
My heart and soul can give
Let me hold you
I need to have you near me
And I feel with you in my arms
This love will last forever
Because I'm truly
Truly in love with you girl
I'm truly head over heels with your love
I need you, and with your love I'm free
And truly,you know you're alright with me
♪♫♪♫♪♫♪♫
Amelie was swaying her head with her both palms closed under her chin. Parang
natamaan naman si Brice habang inaawit ng singer ang kanta na yun. Pakiramdam
nya naka relate sya dito.
“ That's a wonderful song “. Bulong nito kay Amelie at nabasag ang
konsentrasyon.
“ Yeah, and I I like that song very much, nakainlove... “
…....... “ Tama.. Mukhang nakakainlove love nga. “ sang-ayun nito sa dalaga.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Amelie, ang totoong ibig sabihin ni Brice ay
mukhang naiinlove na nga sya sa dalaga.
After ng concert, napagkasunduan ng dalawa ang magpalipas nhg konting oras muna
sa baywalk. Pinarking ni Brice ang sasakyan sa harap ng dagat at humimlay sila
sa uluhan ng kotse. Malamig ang ihip ng hangin kaya pinasuot sa kanya ni Brice
ang rugged jacket na suot nya. Tanaw ang mga bituin sa maailwalas na
kalangitan, ini-enjoy nila ang take out na chicken at beer habang masayang
pinag-uusapan pa rin ang concert. Hangang sa inabot sa seryoso ang usapan. Nang
biglang nagpasalamat uli si Amelie sa kanya. Una ang akala ni Brice ang pagsama
nya sa concert.
“ Salamat sa pagsama saken sa concert.. I really enjoy this night. Pero ang
higit kong pinagpapasalamat kasi dahil sayo naging masaya ang mga nalalabi kong
araw. “
Napabangon si Brice dahil nagulat sa mga sumunod na salita nito na nalilito
kung ano ang ibig nyang sabihin. “ What do you mean, nalalabing araw? …. Mel,
tell me...Are you sick? …. bulalas nito.
Bumangon din si Amelie.. “ No.... hindi ako mamamatay.. I'm very healthy kaya..
What I mean is....... Oh.... nakita mo yun Brice, may falling star. When I was
a kid every night akong nag-aabang ng falling star to make a wish. It's a childish
thing, but I want to do it again this time.. Ikaw din... let's dot it together.
Let's close our eyes and make a wish.. “
“ Huh!! kailangan ba talagang gawin din yun... Ikaw na lang.. “ …
“ Sige na Brice.. Please !! “ nag aamen na pinapakiusapan eto.
“ Sige na nga... eto na pipikit na.. ikaw talaga … “
Habang nakapikit si Brice walang malay na tinititigan lang pala sya ni Amelie..
At nagulat na lng eto nang maramdaman ang pagdampi ng malambot na mga labi nito
sa kanyang pisngi ng napakabilis. Nakamulat sya at napipipi.
“ Uwi na tayo Brice, it's getting very late. Maaga pa tayo ulit bukas bukas.”
aniya habang naghahandang bumaba sa uluhan ng sasakyan. Ngunit bago pa sya
makababa, biglang hinila sya ni Brice papalapit sa kanya. Gulat pa sya at
susubukan pa sanang makawala sa biglang pagbalot ng mga makikisig na braso sa
kanyang balingkinitang baywang at dumampi ang noo nito sa kanyang noo.
Napakapit sya ng mahigpit sa kanyang dibdib na halos dinig na dinig na nya ang
lakas at bilis na kabog ng kanyang puso. She closed her eyes and then she
suddenly feel his warm soft lips against her. He kissed her and tuluyan nang
nawala sa sarili si Amelie and she kissed him back.
CHAPTER
8
Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse habang hinahatid ni
Brice si Amelie sa kanilang bahay. Nakatuon lang eto sa manubela at sa
tinatahak na daan habang si Amelie sa passenger seat ay halos mangawit na ang
leeg sa kakatanaw lang sa bintana sa gilid nito. Napapakagat lang eto nang labi
at hindi makatingin kay Brice. Parehong feeling awkward ang dalawa sa mga
sandaling iyon.
Ilang saglit lang ay nakarating na sila ng mansion. Tinangal ang seatbelt at
akmang bababa pa sana si Brice para pagbuksan ng pinto si Amelie, pero
pinigilan sya ng dalaga dahil kaya naman daw nya, at hindi na nya pinalabas ng
kotse ang binata. Nang nabuksan na ni Amelie ang pinto at dahang naibaba ang
kanang paa mula sa kinauupuan, napalunok si Brice at nakakuha ng lakas ng loob
para hawakan ang kaliwang kamay ng dalaga. Kaya napatigil si Amelie nang
maramdaman ang ang mga kamay nito at napalingon sya sa binata.. Binigyan nya
eto ng isang matamis na ngiti at mabilis na dinmpian muli ng isa pang halik sa
pisngi sabay bulong ng “ Goodnight”. Pagkatapos ay dali daling bumaba na ng
kotse at sinara agad ang pintuan nito. Bahagyang napatawa na lang si Brice
habang hinahaplos ang kaliwang pisnging dinapian ulit ng mga malalambot na labi
ni Amelie.
“ Magkita tayo ulit bukas “.. pahabol na lang nya dito habang dahang naglalakad
ng paatras patungong pintuan ng gate si Amelie at kumakaway ng paalam sa kanya.
Ilang saglit ay nagdoor bell na sya at nabuksan naman agad ng yaya nya..
“ Ingat sa pag-uwi Brice..” bilin pa nito sa binata bago tuluyang pumasok ng
gate. Pagkapasok ni Amelie pinaandar agad ni Brice ang kotse at agad na ring
umalis. At pangiti ngiting tinatahak ang daan palabas ng village.
Nang nasa loob na ng mansion si Amelie at paakyat na eto ng hagdan patungo sa
kanyang kwarto. “ Ma'am dumating po pala si Sir Adrien at pinagbilin po saken
na kapag dumating kayo puntahan nyo daw sya agad sa library, kanina pa po sya
naghihintay doon sainyo. “
“ Huh!!! andito si Kuya ?.... … sige yaya thank you, magpahinga na kayo..
didiretso nako sa library.” At tumuloy sya sa pag-akyat ng hagdan ngunit
patungo sa library. Hindi na sya nagtaka sa biglaang pag-uwi ni Adrien dahil
ganun talaga ang kanyang kuya kapag may mga emergency na aasikasuhin sa mga
company branches nila dito sa Pilipinas agaran na etong umuuwi na hindi man
lang nagpapaabeso. Tatawag na lang eto kapag nasa Airport na at magpapasundo sa
company service.
“ Hindi mo man lang ba napapansin kung anong oras na Amelie? Sa palagay mo
tamang gawain ba iyon ng isang babaeng ikakasal? Kung nasanay sa hangang
umagang lakwatsa sa Paris, well ibahin mo na ngayon Amelie. At sino ang kasama
mo hanggang dis oras ng gabi? “
Bungad agad ni Adrien sa pagpasok pa lang nya sa pintuan ng library at hindi pa
nakapagsalita.
“ Nagdinner at nanood ng concert lang naman ako kasama si Dianne kuya... May
masama ba doon? … Sinusunod ko naman lahat ng gusto mo kuya ah. Hwag mo naman
sana ipagkait na mag-enjoy ako ng kahit konti bago haharapin ang isang
responsibilidad ng pagpapakasal ko sa taong hindi ko pa kahit kelan namemeet in
person, dahil sa yun ang gusto nyong mangyari, hindi naman ako kahit kelan na
kumontra.” defensive na sagot nito sa kapatid.
Tiniklop ng kapatid ang newspaper na binabasa at dahang tumayo palalapit sa
kanyang kinatatayuan malapit sa pintuan ng libaray.
“ Sinasabi mo bang si Dianne ang kasama mo? I called her at hindi raw kayo
magkasama. And we are trying to call you several times hindi ka sumasagot. “
Napalunok si Amelie at hindi na malaman ang isasagot sa kapatid at napahigpit
na lang ang paghawak sa handle ng bag nito.
“ I don't care who the hell is this person you are playing right now Amelie,
pero kailangan mo nang tapusin ang kahibangan mong ito dahil darating na si
Garret sa Linggo. At matulog ka na dahil simula bukas sasama ka na sa akin sa
pag punta sa branches at pag attend ng mga meeting. “
“ But alam mo naman kuya na kahit kailanma'y hindi ako naging interesado sa mga
activities nyo ni Daddy. “ protesta pa nito sa kapatid.
“ Masyado kang naging spoiled ni Daddy noon. Magiging asawa ka ng isang napaka
prominenteng si Garret Lee kaya kailangan hindi ka lalabas na tatanga tanga sa
larangan ng business. At isa pa may plano ka rin magtayo ng negosyo diba.
Kakailanganin mo din yun Amelie, hindi lang ang pag gawa ng design ang iyong
aatupagin. “
Matapos magsermon ni Adrien nauna na etong lumabas ng pintuan ng libraray,
matamlay naman na sumunod si Amelie patungo ng kanyang kwarto. Pagkapasok ng
kwarto pinatong ang bag sa ibabaw ng dresser at nakatihayang binagsak ang
katawan sa kama habang malayo ang isip na nakatingin sa kisame and suddenly she
screamed rolling on her bed at napayakap ng mahigpit sa unan nito. Halo halo
ang nararamdaman ni Amelie. Nawiwindang at kinikilig sa mga tagpo kanina lang
habang kasama si Brice, ngunit may halong inis at lungkot na eto ngayon.
Bumangon sya at nagtungo sa banyo para magshower.
Habang nakapikit eto at sinasalubong ang pagbagsak ng tubig mula sa shower ay
muling naiisip nito ang binata. Pabalik balik na nagflashback ang mga
pangyayari. Ilang segundo lang naman ang halikan na iyon pero bakit tila parang
pakiramdam nya aabutin sya ng forever para makamove on, she still feel that
sting of warm soft lips pressing against her lips.
It was almost 2:00 AM nang matapos syang magshower and ready for bed. Kinuha
nya ang phone mula sa kanyang bag at nakita nyang napakarami ngang miss call
from her mom and kuya Adrien, hindi nya eto napansin dahil naka silent pala ang
phone. She got one new message. Humiga sya sa kanyang kama nang binanasa ang
new text message at galing yun kay Brice.
“ Goodnight Mahal na Prinsesa.. See you again tomorrow. “ …... napangiti syang
tila nalulungkot din nang mabasa ang text and she replied na hindi sila
magkikita bukas at hindi pa nya masasabing kailan pa ulit sila maaring magkita.
“ ….. Brice replied wondering why, if it is because of just what happened to
them earlier.. He said sorry and promised it would never happen again. She just
replied simply explaining , My Brother Adrien is here at isasama nya ako sa
business meeting at branches visit at sinabi na ring Goodnight at last text nya
na iyon for tonight, at nais na nyang magpahinga.
Ang totoo ay gusto nyang sabihin sa binata ang kanyang sitwasyon na ikakasal na
sya in less than a month from now. Pero bakit hindi nya kayang sabihin. Parang
pakiramdam ni Amelie ng mga sandaling ay gusto nyang tumakas at magtago. Sa
unang pagkakataon gusto nyang baliin ang ang batas ng Kuya nya at hindi nito
ituloy ang pagpapakasal. But she was helpless, kung pwedeng maging matapang sya
sa pagharap ng mga consequences na kontrahin ang kagustuhan ng Kuya nya, hinding
hindi naman nya magagawa ang hindi tuparin ang pinangako sa yumaong mahal
niyang Ama.
Ilang araw ang lumipas....
Hindi maasinta ni Brice na matamaan ang center ng target sa fire shooting at
napansin eto ni Raphael, kaya niyaya nito na magbreak muna. Nagpalamig muna ang
mga eto sa cafeteria ng camp.
“ Anong problema pre... ang layo yata ng isip natin ngayon ah.. “ … “ Ok lang
ako Pre.. pagod lang siguro ako at matagal tagal na rin kasi akong walang
practice kaya hindi ako asintado ngayon.. “
Hindi kumbinsido si Raphael sa paliwanag nito dahil kilalang kilala nito ang
kaibigan.
“ Yung si Amelie mo, kamusta kayo? Mukhang hindi mo na sya yata nababangit
ah..”
“ Ah.. yun... busy yata.. dumating kasi ang Kuya nya at sinasama
eto sa business trip nila dito sa bansa... But I'm trying to send her messages
at kinakamusta sya hindi din sya nagrereply eh. “
“ So... tama ba ang iniisip ko namimiss mo sya noh... Sabi ko nga ba eh, pano
yan Pre, mukhang mananalo ako sa pustahan.” …..
“ Loko loko ka talaga, akala ko concern kana saken.”
“ Pero hinay hinay lang Pre ha... Pero, teka lang... Pagkatapos mo syang
halikan, ano na ba kayong dalawa? … Pre, hindi ba kaya talagang iniiwasan kana
nun? Eto lang mapapayo ko sayo bilang kaibigan. Pre, hwag kang masyadong umasa.
“
Napabuntong hininga na lang eto at napapaisip din sa mga binitawang salita ng
kaibigan.
Dumating ang araw ng Linggo, ang inaasahang pagdating ni Garret
sa Pilipinas. Galak na galak na sinundo sya ni Ginang Lee sa airport kasama si
Amelie. Sinalubong ng mahigpit na yakap ng ina si Garret sa Arrival Waiting
Area. Malayo palang kumakaway na papalapit si Garret sa kanila tulak ang bagahe
nito. Casual lang eto sa suot na blue sweater shirt and jeans and his hair was
nape level length wet look brushed up. Napakalayo sa iniexpect ni Amelie ang
itsura ni Garret in person dahil nakabonnet eto tuwing nag-uusap sila thru
webcam.
Pagakatapos sa ina bumaling din sya kay Amelie at binati din eto ng yakap. “
How are you my dear? “ bulong nito sa fiancee habang niyayakap. Ang gaan lang
ng pakiramdam ni Amelie sa kanya, sa palagay nya tama lang ang naging kutob
niyang hindi sya mahihirapang mahalin si Garret.
Kinuha na ng driver ang mga bagahe ni Garret at dinala sa
sasakyan. Akbay nya sa kanan ang kanyang mommy at hawak naman ng kaliwang kamay
nya ang kamay ni Amelie habang papalabas na ng airport. Panay ang sulyap ni
Amelie sa tuwang tuwa na nakauwing binata. Bakit pakiramdam nya parang si Brice
lang ang kasama nya sa mga oras na iyon. Sobrang namimiss nya lang ba eto at
nakikita nya na si Brice sa greenish gray eyes din nito? Nakasuot nga lang si
Garret ng makapal na lenteng salamin, pero ang mga mata nito ay katulad na
katulad din ng mga mata ni Brice.
CHAPTER 9
Dumating sina Garret kasama ang kanyang Mommy at Daddy sa mansion ng mga
Mitchell para sa isang family dinner. Iyon ay para mapag-usapan na rin ang
public announcement at formal engagement party nila Garret at Amelie.
Pagkatapos ng dinner, pasado alas otso na nang gabi nang imbitahan ni Garret si
Amelie lumabas. Hinayaan lang sila ng kani kanilang pamilya para magkaroon din
naman ng solo moment ang dalawa.
Komportable lang si Amelie kasama si Garret at approachable etong kausap. Hindi
nga lang sya taklesa kumilos, hindi eto madaldal, kung ano lang itatanong ni
Garret yun lang din sasagutin nya. Hinahayaan nyang pagbuksan sya ni Garret ng
pintuan sa passenger seat ng kotse, bagay na hindi nya ginagawa kapag si Brice
ang kasama nya. Komportable nga sya kay Garret, but with Brice she can be with
herself pwera lang ang ipagtapat ang status ng kanyang buhay at kung ano ang
dinaramdam ng kanyang puso.
“ Where are we going ? “ ….... nakangiting liningon sya ni Garret habang
nagmamaneho,..
“ Hindi mo pa na meet ang buong pamilya ko eh.. “ …. “ Do you mean we are going
to meet your other relatives tonight? Tugon pa ni Amelie.. “ Maybe on our
engagement party but not tonight.. but we are going to meet my brother . He
will be my best man for our wedding. I just promised Him na ipakilala ko ang
kanyang magiging sister in law sa pagdating ko dito sa Pilipinas. Nagulat kasi
yun at medyo nagworry nang malaman agad akong ikakasal. “
“ Brother... You have a brother? “.. nagtaka eto dahil sa pagkaalam nya unico
hijo lang si Garret at wala naman eto sa Family dinner....
“ Yes, I have a brother. I understand naguguluhan ka sa ngayon
but later I'm sure you will understand.. “
Hangang sa nakarating na sila sa isang classic cozy bar malapit sa bay
walk.
“ Here we are.. Hintayin na lang natin sya sa loob. He will be late a little
daw dahil may pinahabol pang pinagawa ang Boss nya. Hay.. Ever since this kid
never changed.. He always makes me wait. “ pabirong reklamo pa nito habang
tinatangal ang seatbelt at unang bumaba ng kotse para pagbuksan si Amelie ng
pinto.
Pagbaba ni Amelie ng kotse nalanghap agad nya ang simoy at lamig ng hangin at
kita ang view ng baywalk. Biglang may naalala tuloy at napalayo ang tingin.
“ Are you alright my dear. Are you not feeling well? “ Worried na inalalayan
sya ni Garret at hinubad ang suot na formal coat at inalagay kay Amelie..
“ Oh.. I'm fine. I just remember something, but never mind about it.. Let's get
inside? “
At hindi na rin nag atubili pang magtanong si Garret at pumasok na sila sa loob
ng bar.
Maraming tao sa loob ng bar nang gabing iyon, at halos lahat ng customers ay
mukhang sophisticated. Buti na lang at nakareserve na ang regular na pwesto ng
magkapatid tuwing nagkikita sila dito. Nakaagaw pansin agad kay Amelie ang
maliit na stage at babaeng kumakanta ng jazz and ballads accompanied by a male
pianist.
Habang nagseserve ang waiter ng order nilang drinks at finger foods, nagriring
ang cellphone ni Garret, nangagaling yun sa assistant nya na iniwan sa U.S..
Kinailangan nyang iwan ng sandali ang dalaga para sagutin ang tawag, habang
ito'y nalilibang naman sa nagpeperform sa stage.
“ Amelie? ...” Nagulat sya nang makitang nakatayo si Brice sa harap nya.
“ Brice? Ano ang ginagawa mo dito? “ …. tanong ng nagsisimula nanamang
maguluhang si Amelie.
“ Diba dapat ako magtanong nyan? “..... bago pa makasagot ang dalaga ay...
“ Oh.. Bro... finally you're here..” …. Biglang sulpot ni Garret at tinapik
agad sa balikat si Brice.
Kumukunot nanaman ang noo ni Amelie...
At biglang napansin ni Garret nag-uusap ang dalawa ng dumating sya.
“ Umupo muna tayo bro.. Nagkakilala na ba kayo ni Amelie?.. “
Naunang umupo si Garret sa couch katabi ng dalaga.. at dahan dahan na ring
umupo sa kabilang couch at tumitingin kay Amelie na ang mata ay parang
humihingi ng explanation. Samantalang napuno ng tensyon ang pakiramdam ni
Amelie at hindi napansin na isang lagok nya lang ang kanyang isang basong
flavored vodka.
“ So ano.. ano magkakilala na ba kayo. Kung hindi pa... Well, Amelie, That's my
brother Brice.. and bro.. here she is Amelie my fiancee. “
Napalunok si Amelie...
“ Yes, I already know her..... she.....” before pa nakapagpatuloy ng magsalita
si Brice,
“ Remember I mentioned to you once sa chat na nagjojogging ako sa sports center
every week days morning. Andun din kasi si Brice, that's where we knew each
other. “
“ Oh.. I see... Well , there's no need na pala to introduce you more.. “
Umorder si Brice ng red horse. Habang pakiramdam namn ni Amelie ay para na
syang lalagnatin sa mga nakakastress na mga pangyayari sa mga oras na iyon.
Kaya iniwan nya muna ang dalawa para pumunta ng C.R.
Parito't paroon si Amelie sa loob ng C.R. Habang pinapaypay ng kamay ang sarili
at napabuntong hininga na humarap sa salamin.
“ Bakit naman kasi sa dinadaming lalaki dito sa Pilipinas at kayo
pa ang magkapatid. Relax lang Amelie... relax yourself... everything will be
alright. “
Kumuha lang eto ng buwelo at bumalik sa kinaroroonan ng dalawa. Ngunit
pagdating nya doon wala si Garret. Sandaling lumabas eto ulit para sagutin uli
ang phone call.
“ I guess you awe me an explanation Ms. Mitchell..” baling agad ni Brice sa
kanya.
“ Nakita mo nga diba.. Hindi pa ba malinaw sayo.. I'm getting married..
But sorry that I don't have any idea he was your brother. “
“ I mean, bakit hindi mo man lang na mention na ikakasal ka na pala.
You told me wala kang boyfriend. How about me.. How about us.. Yung mga
pinaramdam mo saken, Para saan yun? Is it just all for your stupid game? Huh !!
“
“ I'm a brat right?.... there's no us Mr. Castañeda at huwag mo nang ipilit na
sagutin ko ang mga katanungan mo dahil baka hindi mo magugustuhan ang mga
isasagot ko. “
Biglang sumulpot ulit si Garret.
“ Pasensya na, may konting problema lang kasi sa U.S. But it's done, my
assistant just requested some of my confirmations. So... mukhang seryoso
pinag-uusapan nyo ah. “
“ Not really bro, I'm just telling my sister in law to be about my job. “
Ilang saglit na nabalot ang katahimikan sa tatlo nang biglang naagaw ang pansin
nila nang tawagin ng singer si Garret.
“ May we request on Mr. Garret to invite his woman in the dance floor?
…...
And the rest of the couples out there please join the soon to be married
couple. “
Halatang magkakilala pala ang singer at si Garret dahil kumakaway eto sa kanya
at kinukumbinsing isayaw si Amelie.
“ Can I have the honor my lady? “ hindi na nagawang tumangi ni Amelie kahit
parang ayaw nito. Baka mapahiya si Garret kapag tumangi sya.
“ Will you excuse us muna bro?.. “ paumanhin nito sa kapatid..
“ Go... and enjoy … “ tugon naman kaagad ni Brice. Pero nakailang bote na sya
ng red horse at nang naiwan sa couch nagpadagdag pa eto sa waiter. Nang biglang
may matangkad na babaeng nakapula at maigsi ang blonding buhok na lumapit kay
Brice. May hawak pa etong isang goblet ng wine na umupo sa arm ng couch na
kinauupuan ni Brice at inakbayan ang binata. Mula sa dance floor kitang kita
iyon ni Amelie.
“ Ows.. masama yata ang mood natin ah. Bakit kasi wala ka ring ka date naNg
hindi ka out of place sa brother mo at fiancee nya. O baka naman may gusto ka
dun sa babae... Mukhang tama ba ako? Hay... pansinin mo nalang kasi ako nang
hindi ka nag-iisa.. “
“ Stop me Rhian..” habang tinatangal ang kamay ng babae sa balikat nito. “
“ Wala rin akong kasama. Alam mo talong talo ka pag namukmok ka lang jan. Halika
na nga.. “ habang sapilitang kinuha ang hawak na bote ni Brice at hinila eto sa
dance floor sa tabi ng dalawa.
Akmang babalik pa sana si Brice sa pwesto ngunit nahuli nyang panay ang sulyap
ni Amelie sa kanila na nanlilisik ang tingin na parang naiinis. Napaisip na isa
etong magandang ideya para patuloy pang inisin si Amelie. Dinampot nya sa
baywang si Rhian at magkalapit na magkalapit sila at binalot nya eto ng yakap
habang sumasayaw na gustong gusto naman eto ng babae.
Habang kasayaw si Garret, biglang napatigil si Amelie at niyayaya na ang
fiancee na umuwi dahil nahihilo na at hindi na nya daw kaya ang sama ng
pakiramdam. Nagpaalam si Garret kay Brice sa pamamagitan ng pagtapik nito
balikat ng kapatid sabay bulong,
“ Mauuna na kame Bro... Just enjoy your night … “ at tuluyan na nilang iniwan
ang dance floor.
Bumalik sila sa couch para kunin ang naiwang gamit at nag-iwan si Garret ng
credit card sa pinagkakatiwalaang waiter. Nang tuluyan ng nakalabas ng bar ang
dalawa, kumawala agad si Brice kay Rhian telling her tapos na ang palabas. At
iniwan na rin ang babae sa dance floor at sumunod na rin syang lumabas ng bar.
Parang racing highway lang ang daan sa sobrang bilis na pagpapatakbo ni Brice
ng kanyang motor patungo sa mataas na bahagi at rural na look na ng Santa
Catalina. Tumigil sya sa isang bakanteng loteng bangin na overlooking ang mga
ilaw ng syudad. Humiga sya sa manipis na damuhan tanaw ang mga bituin unti
unting natatabunan ng mga ulap sa malungkot na kalawakan. Hinahagod at
kinakatok nya ang dibdib dahil parang may kung anong nakabara dito at hindi sya
makahinga. Sa pagpikit nya ay tuluyan nang bumagsak sa gilid ng mga mata ang
kanina pang namimintanang mga luha.
Nagkaroon na dati si Brice ng mga nabigong relasyon. Ngunit sa unang pagkakataon
ngayon lang sya nasaktan ng isang babae ng ganun.
Hindi rin makatulog ng mga gabing iyon SI Amelie. Hindi matanggal sa isip nya
si Brice. Naiinis sya hindi dahil sa may intimate na kasayaw eto kanina. Alam
nyang sinadya ni Brice na inisin sya. Naiinis sya sa paglalaro ng tadhana sa
kanila. Naiinis sya dahil nasaktan nya ang binatang namimiss at gustong gusto
nyang yakapin sa mga sandaling iyon, sa halip kinailangan nya pa etong itaboy.
Nakita na nya sa wakas ang matagal nag hinanap na Knight In Armour ngunit
kailangan nyang isuko for the sake of her Prince.
Sinalpakan nya ng headset ang mga tenga at full volume na pinatugtog ang mga
paboritong kanta mula sa kanyang Ipad. Nang tumugtog ang kantang “ Lady by
Lionel Ritchie “.
Lady, I'm your knight in shining armor and I love you
You have made me what I am and I'm yours
My love, there's so many ways I want to say I love you
Let me hold you in my arms forever more
You have gone and made me such a fool
I'm so lost in your love
And oh, we belong together
Won't you believe in my song?
Lady, for so many years I thought I'd never find you
You have come into my life and, made me whole
Forever let me wake to see you each and every morning
Let me hear you whisper softly in my ear
In my eyes I see no one else but you
There's no other love like our love
Oh yes, I'll always want you near me
I've waited for you for so long
Oh, Lady, your love's the only love I need
And beside me is where I want you to be
'cause,'cos, my love, my love, there's somethin' I want you to know
You're the love of my life, of my life, you're my lady...You're my lady
“ I'm sorry Brice... I'm sorry...”
Bulong nito sarili at napayakap na lng ng mahigpit sa kanyang unan covering her
face at napahagulgol sa pag iyak.
CHAPTER
10
Ilang araw ang nakalipas ang gabi nang naging rebelasyon kay
Amelie na half brorthers pala sina Garret at Brice. Simula ng kaganapang iyon
ay hindi na nagparamdam pang muli si Brice kay Amelie, naging mailap na din ito
kay Garret. Laging syang may alibi sa kapatid sa tuwing iniimbitahan nitong
magkita lalo na kapag kasama si Amelie, na medyo ipinag-alala na rin ni
Garret.
Dumating ang gabi ng engagement party nina Amelie at Garret na ginanap sa
resort Hotel na pagmamay-ari ng mga Lee. Hindi nalulugar ang mga mata ni Amelie
sa pagsulyap sulyap sa mula entrance ng at sa buong paligid ng venue, wari'y
may hinihintay na dumating. Habang ito'y nakakapit sa mga bisig ni Garret at
may kung sino sinong mga bisita ang lumalapit at kumakausap at bumabati sa
kanila at halos mangawit na ang kanyang mga panga sa kakangiti, mga ngiting
nagkukunwari. Alam nyang hindi na nya dapat asahan na darating si Brice lalo
na't engagement party nila yun ni Garret, subalit nagbakasakali pa ring
makakadalo sya. Kaninang umaga lang tumawag na nagpaalam si Brice ky Garret na
susubukan lang nya kung makadalo sa party pero hindi sya sigurado dahil sa
naging Panauhing Pandangal si Congressman Dizon sa kapistahan ng isang malayong
rural na barangay sa ng kanilang bayan.
Dumating sa party ang kaibigan ni Ginoong Lee na ninong ni Garret. After na
makipagkilala ng Ginoo kay Amelie ay hinanap nito ang Daddy ni Garret. Lumingon
lingon sila sa buong paligid ay hindi nila makita si Mr. Lee, habang nakita
naman nila sa di kalayuan si Madam Lee na busy rin sa kachikahan si Ginang
Mitchell at mga kaibigan nila na nasa party. Dahil hindi pa mahanap ang ama
nag-usap muna ang mag ninong tungkol sa business at hindi naman si Amelie maka
relate, kaya nagsuggest syang iwan muna ang mag ninong at hahanapin nya si
Ginoong Lee.
Naglakad lakad si Amelie hangang sa nakaabot sya sa likod ng venue na walang
tao at nakita nya si Ginoong Lee na mukhang hindi mapakali. Nilapitan nya eto
at may kausap pala sa cellphone mukhang emergency at hindi nya sinasadyang
marinig ang sinasabi nito sa kinakausap eto sa cellphone.
“ Anong nangyari kay Brice....... Saan... saang ospital..”
Nang marinig iyon, nabitawan ni Amelie ang hinahawakang wine glass at nabasag
sa harap nito kaya napansin sya agad ni Ginoong Lee..
“ I'll be there in a moment... I'll call you back.. “ pagtatapos ni Ginoong sa
kausap sa cellphone.
“ Dad.. what happened? “ nag-aalalang tanong ni Amelie..
“ Hija... bumalik kana dun sa loob and tell Garret na may pupuntahan lang akong
importante sandali. “
“ May nangyari po ba kay Brice? “ sinusubukan nyang pigilin ang sarili na hindi
pahahalata na sobrang nag-aalala sya.
Pabalik na sana sa syudad ang convoy ni Congressman nang sa kanila'y may nang
ambush. Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa magkabilang panig. Nahuli rin
sa huli ang mga salarin ngunit sa kasgsagan ng mga kaganapan may ilang myembro
di ng grupo nila Brice ang nasaktan at nasawi. At sa responsibilidad nyang
proteksyunan si Congressman tumama sa kanyang likod ang ilang balang tatama
sana kay Congressman. Si Raphael pala yung tumawag kay Ginoong Lee.
Bumalik sa party medyo wala sa sarili at sinabi kay Garret ang tugon ni Ginoong
Lee na aalis eto at hindi muna sabihhin ang totoong dahilan dahil baka ikasira
eto ng gabi at lalo nanamang maiinis ang mommy ni Garret. Ngunit napansin ni
Garret na wala sa srili at halatang hindi mapakali si Amelie.
“ What's wrong my dear? “ nag-aalalang tanong ni Garret... Sandaling humingi ng
paumanhin si Garret sa Ninong na kausap at dinala si Amelie sa labas. At
pinilit nya si Amelie na sabihin sa kanya kung ano ang nangyayari dahil sa
kinukutoban talaga eto sa galaw at reaksyon ng dalaga. Nang sinabi lahat ni
Amelie ky Garret ang narinig sa Daddy nito ay hindi nagdalawang isip ang binata
at hinila sya papunta ng kotse at iniwan na rin nila ang party.
Pagdating nila ng ospital, naipasok na ng operating room si Brice at nadatnan
nila si Ginoong Lee na kausap ang isa sa mga Doctor na sinasabing critical ang
lagay ni Brice, na hindi nila masisigurong mailigtas eto subalit gagawin nila
ang lahat ng kanilang makakaya at pinapirma nila ang Ginoo ng waiver. Sumunod
ding dumating si Congressman kasama ang iba pang bodyguards nito at si Raphael.
Inimbitahan ni Congressman si Ginoong Dizon sa lounge ng ospital para makausap
at sumunod din si Garret, samantala naiwan si Amelie at Raphael sa labas ng
operating room.
“ If I'm not wrong, You are Amelie? “ …........ “ Yes... I am.. ikaw ba si
Raphael? “
“ Yes... nice to meet you then.. “ nakipagkamay kay Amelie.. Habang silay
nakaupo sa waiting bench sa labas ng O.R. At nakasandal sa dingding.
“ Narinig ko sabi kanina ng doctor maaring hindi raw nila mailigtas si Brice ….
Alam na ba eto ni Nay Martha? “ mukhang wala pa rin sa sarili na kinausap si
Raphael.
Napalingon si Raphael sa kanya at napansing medyo nanginginig eto at
namimintana ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumayo eto at iniwan ang dalaga
para kumuha ng inuming maligamgam na tubig para sana dito ngunit wala na si
Amelie sa kinauupuan nya kung saan nya ito naiwan. Hinanap nya ang dalaga,
napansin nyang sa di kalayuan pala ng O.R. Ay naroon ang isang maliit na chapel
ng ospital. Nakita nya si Amelie nakaluhod at mataimtim na nagdadasal sa unang
upuan sa harap ng altar. Pumwesto si Raphael sa likuran nya at nagdasal na rin.
Pagkatapos ni Amelie magdasal at tumayo mula sa pagkaluhod at namamaga pa nag
mga mata. Umupo muna eto sa silya para kumuha ng buwelo bago lumabas ng chapel
dahil hindi dapat mahalata ni Garret na umiiyak sya. Biglang nagsalita muli sa
Raphael mula sa kanyang kinauupuan sa likuran niAmelie.
“ Matibay yung kaibigan ko... Hwag kang mag-alala mabubuhay sya. “
biglang ikinagulat ng dalaga at nilingon eto.. “ Kanina ka pa ba riyan? “
“ Hindi naman masyado.... Eto inumin mo muna.. “ inabot ang tubig habang
lumilipat sa tabi ng dalaga... “ Mahal mo ba si Brice..”...
derechong tanong pa ni Raphael nang nakaupo na eto sa tabi nya.
“ Huh... ano ba ang pinag-sasabi mo? Naging kaibigan ko rin sya, syempre hindi
ko rin maiwasang mag-alala. Wala naman sigurong masama doon. “ depensa naman
kaagad ni Amelie
“ Alalahanin mo Mel na sa chapel tayo, hindi ka dapat nagsisinungaling. “
Biglang napikon si Amelie sa pagiging pranka ni Raphael .
“ Salamat dito sa tubig ha.. maiwan na kita .” mabilis na tumayo si Amelie at
lumabas sa chapel, nagkataon na bumalik na rin si Garret at si Mr. Dizon sa
waiting area ng operating room.
Kinumbinsi ni Ginoong Lee na bumalik na ang dalawa sa party dahil tawag ng
tawag na si Ginang Lee at napapraning na hinahanap na sila. Umalis na nga ang
dalawa sa ospital at bumalik sa party sa pangako ng Daddy na babalitaan sila
agad sa magiging resulta ng operasyon ni Brice.
Sa kabutihang palad nadinig ang dasal ni Amelie at matagumpay naman ang
operasyon. Subalit ito'y nanatiling walang malay ng ilang araw pa sa ICU at
patuloy pang inobserbahan. Sa panahong iyon ay walang nakakaalam na araw araw
pala syang binibisita ni Amelie.
Isang araw, mula sa crystal view ng ICU ay nakita nyang wala na doon si Brice.
Napatanong sya sa isang nurse na dumaan at sinabi ng nurse na nagising na ang
pasyente at kakalipat lang sa Rm. 307. Agad namang tinungo ni Amelie ang
kwartong iyon para kumpirmahing mas mabuti na ang kalagayan ni Brice.
Nasa harap na sya ng pinto Rm. 307 ngunit nag-aalangan pang kumatok. Nagulat
sya ng hindi pa sya kumakatok ay bumukas na ang pinto, buti na lang si Aling
Martha ang lumabas. Laking pasasalamat ni Aling Martha nang makita si Amelie
dahil balak nya sanang bumaba ng sandali para makabili ng pagkain ngunit
nag-alalang iwan si Brice sa loob. Sasaglit na sana ang matanda habang ito'y
tulog dahil kakainject lang ng gamot. Nakumbinsi sya ni Aling Martha na maiwan
muna.
Nnakaupo lang sa tabi ng kama na hinihintay nyang bumalik si Aling Martha
habang pinagmamasdan lang ang namumutlang mukha ni Brice. Pero mukha pa rin
etong prinsipeng matagal lang nakatulog. Unti unting ginalaw ni Amelie ang
kanyang mga kamay para mahawakan sana ang kaliwang kamay nito subali't biglang
bumukas ang pinto. Agad naman nakabalik si Aling Martha. Gusto man ni Amelie na
manatili pero kailangan nyang umalis bago pa gumising ang binata.
Gising si Brice sa tuwing bumibisita sa ospital Raphael at Congressman, ganun
din si Garret at Daddy nila. Isang beses, lokong tinanong ni Brice si Garret
kung nasaan ang sister in law to be nya, na ipinagkibit balikat na lang ni
Garret dahil niyayaya nya naman daw ngunit ayaw nitong sumama sa kadahilanang
marami etong ginagawa. Kahit nandun din si Raphael, hindi pa nya nagawang
sabihin sa kaibigan ang tungkol sa pag-uusap nila ni Amelie at napansin nito sa
dalaga dahil gusto nya na rin maka pag move on kaagad ang kaibigan paglabas
nito sa ospital.
Kinabukasan....
Araw ng Linggo pagkatapos magsimba at maglunch, nagpahatid na agad ng bahay si
Amelie kay Garret dahil masakit na daw ang ulo at gusto munang magpahinga.
Pagdating ng bahay nagpahinga lang eto ng saglit at naghanda na pag-alis.
Tuwing als dos ng hapon , yun ang oras na bumibisita si Amelie sa ospital, oras
na natutulog pa si Brice. Kakapasok lang nya ng kotse nng tumawag si Ginang Lee
sa kanya na samahan sya sa mall. Katulad din ng dahilan nya kanina kay Garret
ang naging dahilan nya sa Madam.
Dumaan muna sya ng fruit stand para bumili ng mga prutas na dadalhin, nang
hindi nya namalayang nadaanan sya ni Ginang Lee. Biglang nakaramdam ng pagdududa
ang Mommy ni Garret sa kakaibang kinikilos ni Amelie lately, kaya lihim nitong
sinundan ang dalaga. Walang kamalay malay si Amelie, mukhang masaya pa etong
pumasok ng kotse bitbit ang fruit basket.
Pagdating nya ng ospital, tamang tamang nga ang dating nya at tulog nanaman an
binata. Nagpaalam na naman si Aling Martha ng saglit para naman makauwi at
babalik din naman kaagad.
Inilapag nya ang fruit basket at pumwesto na muli sa tabi Brice. Kung ano ang
pumasok sa isip nito at sa pananabik na kahit sa nakaw na pagkakataon ay
mayakap nya ang binata.
Nasa kaliwang braso ni Brice nakakabit ang dextrose nito. Kaya
pinili nyang lumugar sa kanan at tinabihan nya etong bahagyang nakahilig sa sa
kanang balikat ng binata, lifting his right arms for her to hug and hold.
Hangang sa hindi nya namalayang nakatulog sya sa ganung posisyon. At wala pa
rin syang ka malay malay na sinundan at lihim na pinagmasdan ni Ginang Lee mula
sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwartong iyon. Hindi natagalan ang ang
pagmasid ni Mommy ni Garret at uminit ang ulo nito. Bago pa sya ma high blood
umalis na sya ng ospital.
Ilang sandali ang lumipas...
Nagising si Amelie ng tapikin sya ni Aling Martha.. Nagpapanik na bumangon eto,
nang dumilat ay halos magkadikit na ang mukha nila ni Brice, at nakayakap na
eto sa kanya, ngunit mahimbing pa rin etong natutulog. Napatawa si Aling Martha
sa kanya nang madatnan ang kanyang sitwasyun at biglang pagpanik nito. At bago
pa tuluyang magising muli ang binata dali dali nanaman etong umalis. At habang
nagmamaneho, hindi maalis sa isip ang magkalapit nanaman nilang mukha at bakit
nakayakap na yun sa kanya. Hindi kaya nahuli na sya ni Brice..
Samantala...kakagising lng ni Brice at hinahanda sya ng makakain ni Aling
Martha.
“ Gusto mo ba ng mansanas anak ? “ … Hindi agad nakasagot si Brice kay Aling
Martha dahil parang may iniisip eto. Iniisip nyang labis na namimiss nya na
talaga siguro si Amelie at napaniginipan nyang katabi nya eto.. Ngunit parang
totoo ang panaginip na yun.
“ Anak... okay ka lng ba.. may masakit ba sayo? “ …... Biglang nasa harap na
nya si Aling Martha at inaabot sa kanya ang mga hiniwang mansanas.
“ Wala naman nay... may naiisip lang po ako.. “ biglnag napatingin sa fruit
basket..
“ Ang dami nyong pinamiling prutas Nay.. “ ….. “ Ah... ang mga yan? Dala yan ni
Amelie.. “
“ Ni Amelie? “..... “ Oo ni yung kaibigan mong si Amelie .. Alam mo yung
babaeng yun araw araw nandito. Pasalamat nga ako dahil sa kanya kahit paano
nakakauwi ako kahit sandali. Kaya lang pinagtataka kung bakit sa laging oras a
tulog ka ang pagpunta nya dito.. May problema ba kayo anak?”
“ Nay, hindi na po sya dapat pumupunta dito..”... “ Bakit naman? “
“ Yun po si Amelie, ang fiancee ni Kuya Garret.. “
Nagulat si Aling Martha sa sinabi ng anak anakan pero pinalwanagan din sya ni
Brice.
Alam na alam ni Aling Martha na may namuuong lihim na pag-iibigan ang dalawa
ngunit wala din etong magagawa.
Kinabukasan, ganun pa rin ang routine ni Amelie.
Ngunit nang pumasok sya ng Rm. 307 wala doon si Alin Martha, at wala din si
Brice. Nagtungo sya ng information to check kung nakalabas na ang pasyente sa
kwartong iyon. Hindi pa naman pala dahil bukas pa sila pinayagang
makalabas.
Feeling disappointed na nakatayo si Amelie sa harap ng elevator.
Nang bumukas ang elevator, parang nag slow motion ang lahat nang magkasalubong
ang mga mata nila ni Brice habang ito ay nakatayo sa harap nya mula sa loob ng
elevator. Natigilan sila ng ilang saglit, nang biglang dinampot ni Brice ang
kaliwang kamay ni Amelie hila papasok ng elevator.
Hawak pa rin ng mahigpit ang kamay ni Amelie muling sinara ni Brice ang
elevator pushing the button back to the rooftop. Hindi na nakapagsalita si
Amelie when suddenly Brice hug her so tight. She was trying to push Him away.
“ Amelie.... just this few moment please stay still. “ bulong ni Brice habang
lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Ang mga bisig ni Amelie na kanina
lang ay nanlalaban at tinulak syang palayo tuluyan na ring sumuko, and it
freely runs through his back as well embracing him back..
Nasira ang momentum nila nang may pumasok na nurse at pasyenteng nakawheelchair
mula sa ikalimang palapag at patuloy ang pag-akyat nito sa ikapito at huling
palapag kung saan hawak kamay pa rin silang lumabas ng elevator at inakyat ang
maliit na hagdan patungong rooftop. Na para silang mga batang tumatakas.
“ Why are you coming here every day? What's that for ? “ unang tanong ni Brice
habang tanaw nila ang buong syudad mula sa kanila kinatatayuan.
“ Did you just suddenly hug me on that elevator and drag me here just to ask
that question?”
“ Oh Yeah... Maybe I'm just crazy.. Crazy that I suddenly hug my brother's
fiancee and drag her here.... And now I will even get more crazier because I
want to kiss her. “
“ Then kiss her... and she is crazy too because she's still going to marry your
brother anyway.”
Hawak pa rin ang kamay ni Amelie, hinarap nya eto pulling her more closer to
him again. Brice cupped her face with his palms and said..
“ Then let's both get crazy...." Ilang sandaling nakatitig sya sa mga mata
ni Amelie.. " Damn, I miss you. “ before she could answer she missed him
too, napasinghap si Amelie nang tuluyang maglapat ang mga labi nila. She gently
close her eyes and feel the mixed emotions she couldn't even name. She's right
here right now with this man once made her feel complete. While their kiss
deepened, they finally surrender to each other's embrace. She decided to get
crazy with Him for a moment, kakalimutan muna nyang ikakasal sya..... at ang
napaka saklap ,
She is getting married with this man's brother.
CHAPTER 11
Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng mga tagpong iyon sa rooftop.
Nakipagsundo si Amelie kay Brice na hindi na mauulit yun at hindi na sila
pwedeng magkita sa ganoong sitwasyun. Sa kabila na parang sasabog ang dibdib ni
Amelie sa sobrang sakit na naramdaman nang iniwan nya si Brice sa rooftop, kung
ano man ang naging meron sa kanila, tinapos na nila nang araw na iyon.
“ Wow... Grabe!! Ang ang ganda mo teh... “ manghang mangha si Dianne habang
sinusukat ni Amelie ang katatapos lang nyang wedding gown na sarili nitong
design.
“ You'll be the most beautiful bride my dear... And I'm so lucky to have you“
sang-ayon din naman agad ni Garret..
“ Kayo talaga, sobra nyo namang pinapalapad yung tenga ko..”
habang tinitigan ni Amelie ang sarili sa salamin.
“ Sir Garret swerte din naman ni Ate Amelie sainyo.. Napakagwapo na, mayaman
na, matalino pa , at mabait pa. “ ….... “ Sige na nga Dianne ililebre na kita
ng lunch mamaya. “ pabirong sagot naman ni Garret ky Dianne..
“ Pero teka lang po... naalala ko po kasi laging sinasabi ni Lola noon na bawal
daw isukat ng Bride yung kanyang gown bago sa araw ng kasal. Malas daw yun.
Maaring hindi raw matutuloy ang kasal.” dagdag pa ni Dianne.
“ Naku Dianne lumang pamahiin na yan, moderno na ngayon. Paano mo yan malalaman
kung maluwang o masikip ang damit mo kung hindi mo isususkat. “ ani ni Amelie..
Tatlong araw na lang bago ang kasal, kasama ni Amelie si Garret at Dianne nang
kinuha nila ang kanyang wedding gown sa patahian and the rest na susuotin ng
buong entourage. Kunga dati atat na atat ang mommy ni Garret sa pagvolunteer na
tulungan si Amelie sa pag-aasikaso other needs sa wedding pinagtataka nyang
mukhang hindi maganda ang mood ng Madam sa kanya lately. Hindi nya naman
pinaag-ukulan ng buong pansin dahil iniisip lang nito na ganun talaga ang ugali
ng Mommy ni Garret. Kaya kung hindi si Garret mismo, si Dianne na lng kasama
nito. Nakapagdesisyon at sinasasanay na ni Amelie na turuan ang sariling kalimutan
na si Brice at ibaling na ang atesnyon sa magiging asawa nito.
Ngunit isang beses na doon nagdinner si Amelie sa bahay nila ni Garret kasabay
ang mga magulang nito, masama ang tingin nito kay Amelie at nagwalk -out na
biglang sinabi masama ang pakiramdam nya. Sinubukan etong sabihin ni Amelie kay
Garret ang biglang pagbago ng pakitungo ng Mommy nito sa kanya. Nangako naman
si Garret na kakausapin nya eto.
Pagkatapos nila sa shop, naglunch, at tumuloy naman ang tatlo sa
mall para mamili ng mga sapatos, at pauwi sila ng napadaan sa DVD Store, muli
nanamang nakita ni Amelie ang pelikulang Tristan and Isolde at biglang sumagi
nanaman sa isip nito si Brice. This time binili nya eto para sa sarili at
niyaya pa si Garret na sabay nilang panoorin sa Theater room sa bahay nila ni
Amelie at hindi naman nakatangi si Garret.
Kinagabihan sa bahay na ng mga Mitchell nagdinner si Garret. At tulad ng
pinagkasunduan magkasama nilang pinanuod ang movie na yun. Subalit sa
kalagitnaan pa lang ng pelikula nakatulog si Amelie na nakahilig pa eto sa
balikat ni Garret. Habang napatapos at naenjoy naman ni Garret ang buong
pelikula.
Binuhat sya ni Garret patungo sa kwarto nito at marahang inilapag sa kanyang
kama. Mahimbing pa rin ang tulog ni Amelie at hindi man lang naramdamang
binuhat sya ni Garret. Pagkatapos nya kumutan ang dalaga, umupo pa eto saglit
sa kanyang tabi at tahimik lang pinagmasdan ang maamong at mala angghel na
mukha ni Amelie habang mahimbing natutulog. At katulad din sa naging karanasan
ni Brice dati, biglang natuon din ang kanyang pansin sa mapang-akit na mga labi
ng fiancee. Dahang dahang nilapit nya ang mukha dito at akmang halikan ang mga
labi nito, ngunit bigla syang natauhan, sa halip sa noo ni Amelie dumampi ang
kanyang halik, sabay bulong ng goodnight and sweetdreams dito, saka sya tumayo
at lumabas nang kwarto ni Amelie.
Halos maghahating gabi na nang dumating si Garret sa kanilang bahay at hindi pa
eto nagpahinga. Agad syang dumeretso ng library at naisipan pang magresearch ng
konti tungkol doon sa pelikulang pinanuod. At biglang pumasok din ang kanyang
mommy sa library at tinabihan sya na parang may gustong sasabihin.
“ Mom... bakit hindi ka pa natutulog? “” Talagang hinihintay kita anak, dahil
hindi ako makatyempong kausapin ka. “... “ May problema ba mommy?” bigla naman
nitong naalala ang na mention ni Amelie tungkol sa biglang pagbago ng pakitungo
nito at tinigil ang ginagawa sa laptop at hinarap ang ina.... “ Mom... is there
any problem between You and Amelie? “
Biglang kumunot ang noo ng madam ng marinig ang pangalan ng dalaga.
“ Kaya nga ako nandito hijo para pag-usapan natin tungkol dyan... Sigurado ka
na ba sa pagpapakasal mo sa babaeng yun anak? “.....................
“ Diba eto naman po ang kagustuhan nyo ni Papa? … At mukhang nagkakamabutihan
na rin kame ni Amele Mom... And I really like her.. So I guess wala namang
problema... Bakt meron ba Ma?”
“ Mukhang nagkamali kasi yata ako ako ng akala anak... Hay!! ang hirap
mag-explain.. Eto see for yourself, then pag-isipan mo ng mabuti habang may
panahon ka pa anak. “
Inabot ng Ginang ang isang brown envelope kay Garret at saka lumabas na sya ng
library iniwan ang anak sa loob.
Kinaumagahan, maagang naghanda si Amelie sa lakad pa sana nila ni Garret.
Personal pa silang magbibigay ng ilan pang natitirang invitation. Ngunit
tanghahali na walang anino pa rin ang dumarating. Ilang beses na nitong
sinubukang tawagan ngunit hindi rin eto nasasagot. Kaya naisipang si Dianne na
lang ang isasama sa lakad nito.
Samantala, si Garret ay nakakulong pa rin sa kanyang kwarto at sobrang sakit ng
ulo. Sa mesang katabi ng higaan nito halos naubos ang isang bote ng wine,
habang ang cellphone ay patuloy na nagriring sa tawag ni Amelie.
Habang si Amelie sumuko na rin sa kakatawag kay Garret, at kasama si Dianne
buong araw na tinapos ang pagsend out ng mga natirang invitations. Later
nakatangagp sya ng text message mula kay Garret humihingi ng pasencia na hindi
nya eto nasamahan ang dalaga dahil hindi mabuti ang pakiramdam nito ng araw na
yun.
Sumunod pa ang isang araw at bukas na ang araw ng kasal. Handang handa na ang
lahat. Ang buong araw na yun ay nilaan sa kanyang beauty rest for her big day
tomorrow. Subalit hindi napapakali si Amelie, at tila kinakabahan. Siguro
natural lang nyang maramdaman iyon. Ngunit ang isa pa nyang pinag-alala ay
buong araw nanamang hindi nagparamdam si Garret sa kanya.
Naibsan din ang kanyang worry nang kinagabihan ay pumunta si Garret sa kanilang
bahay. Pinagtataka ni Amelie ay niyaya sya muli nito na muling panuorin nila
ang Tristan & Isolde. Habang nanunuod sila, tinanong sya ni Garret na ,
What if she was Princess Isolde ano ang gagawin nya.
“ Huh.. What if kung ako si Princess Isolde? “ …. biglang napalalim ng isip ni
Amelie at hindi nya alam ang isasagot kay Garret at dun pa lang nyang na
realize na halos magkatulad nga sitwasyun nya kay Princess Isolde.
Disrupting her thoughts, bahagyang tumawa si Garret.. “ Ang maipapayo ko lang
kay Isolde, she should follow her heart. …. Pero kung ako naman yung Tristan, I
will take that courage to win my love... and If am the King.... I will let them
go.. “.......
Napabuntong hininga si Amelie, pinulot ang remote at pinatay ang DVD..
“ Alam mo Mr. Lee ang mas mabuti siguro pareho na lang tayo magpahinga, at nang
hindi tayo stress bukas.. Hmmm. “ … Basag naman kaagad ni Amelie sa topic
cupping her fiancee's face with her palms. .. “ Alright... ! “ … Akmang tatayo
sana silang dalawa mula sa couch. But Garret slightly pushed her at napahilig
sya sa arm ng couch and Garret leaning over her at halos sobrang magkalapit na
ang kanilang mukha at naamoy nya ang wine na iniiom nito kanina habang naunuod
sila ng pelikula.
Napalunok si Amelie ng kanyang lalamunna at pilit na pinikit ang kanyang mga
mata habang mahigpit ang kapit nya sa kanyag damit sa kanyang diddib. Napansin
ni Garret na parang naginginig sa takot si Amelie. He gently kissed her in her
forehead at sabay bulong, He's leaving. At dahan etong tumayo at tinulungan
ring makatayo si Amelie at sabay silang lumabas ng theater room.
Kinabukasan.. Araw na ng pinaka hihintay na kasalang Garret Lee at Amelie
Mitchell.
Nasa hotel na si Amelie abala na ang lahat sa paghahanda. Kakatapos ng artist
ang kanyang hair do and make-up. Nang pumasok si Dianne sa kanyang kwarto dahil
dumaan daw ang driver ni Garret at may pinaabot eto kay Amelie. Ito'y isa
nakaselyong putting envelope. Mukhang excited pa si Amelie dahi akala nya may
pahabol na sorpresa si Garret sa kanya. Nang nabuksan nito ang sobre. Laking
gulat nito nang bumungad sa kanya ang mga pictures. Nanginginig at biglang
tinago ang ang hawak na sobre and bigla syang nagfreak out telling everyone in
the room to get out that she wants to be alone. Kasama ng mga pictures na yun
ay liham mula kay Garret.
Habang nagkakaroon ng komosyun sa labas ng Hotel Room ni Amelie. Ilang sandali
lumabas sya na naka t-shirt and jeans na lng at wala nang make up at
nakawagayway na ang buhok. Hawak ang handbag at ang sobreng inabot kanina ni
Dianne. Sobrang ikinagulat iyon ng kanyang mga bridesmaids na sa labas naghihintay
at nakabihis na. Namamaga pa ang mga mata sa kakaiyak, inutos ni Amelie kay
Dianne na pagsabihan ang lahat walang kasalang magaganap.
Habang sa simbahan nagkaroon na rin ng commotion ang mga taong inimbitahan at
mga abay na nakaabang na doon nang nakatangap ng tawag si Adrien mula kay
Dianne. Naroon na rin sa simbahan sa mga oras na yun si Brice. Sinusubukan
nyang tawagan si Garret para huming ng explanation sa mga naging kaganapan.
Nang biglang may nag-abot din sa kanya ng sobre na katulad ng inabot ni Dianne
kay Amelie. Galit na galit si Brice na lumabas ng simbahan pagkatapos mabasa
ang liham at makita ang mga pictures. Dali dali etong sumakay ng kanyang motor
at mabilis na pinatakbo.
Nasa highway na papunta ng Airport pabalik na sana ng America si Garret sa mga
oras na yun. Biglang napatigil ang Driver ni Garret sa gitna ng highway nang
harangin eto ng isa rumaragasang motorsiklo. Tinangal ni Brice ang suot na
helmet at inwan eto sa motor at humakbang patungo sa kotse ni Garret. Bumaba
din ito ng kotse para salubungin ang kapatid.
Nang magkalapit, bago pa makapagsalita ang isa sa kanila hindi napigilan ni
Brice sa unang pagkakataon nasuntok nya ang kapatid. Dahilan kaya ito natumba.
Dumukot sya ng panyo para punasan ang gilid ng bibig dumugo mula sa napalakas
na suntok ni Brice.
“ Nagparaya na ako kuya dahil ikaw ang pinili nya.... Kung alam ko lang eto ang
gagawin mo sa kanya sana hindi ko na sya pinakawalan pa at hinayaan sayo. “
Nakahikbi sa galit si Brice sa kapatid habang hawak nya eto sa collar..
Sapilitang inalis ni Garret ang mga kamay ni Brice sa collar nito at
tumayo.
“ Kung sana lang hindi kayo nagsinungaling, hindi na tayo umabot dito. Alam
mong hindi ako madamot. Kaya ibinabalik ko na sya sayo. “
Hindi nakasagot agad si si Brice.. Inayos ni Garret ang nagulong collar. At
tinalikuran si Brice pabalik ng kotese.
“ Nasaan na napunta ang ang tapang mo Sgt. Brian Lawrence !!! “
Sigaw at pahabol na salita pa nito sa kapatid bago tuluyang pumasok na ng kotse
at patuloy sa pag-alis.
Habang sunod na lang ito ng tanaw ni Brice hangang sa nawala ang ng tuluyan sa
paningin nya ang likuran ng kotse ni Garret.
Muling sumakay si Brice ng kanyang motor tungo sa Hotel kung saan si Amelie.
Ngunit pagdating nya doon sumalubong sa kanya si Dianne.
“ Nasaan si Amelie? “ … agad na tanong nya sa nagpapanik at nagingiyak ngiyak
na si Dianne.
“ Sir umalis po si Ate... hindi po namin alam kung saan sya pumunta hindi rin
po makontak ang cellphone nya. Sobrang nag-aalala na po si Kuya Adrien at
Ninang. “
Muling umalis si Brice pinuntahan ang lahat ng lugar na naiisip na maaring
puntahan ni Amelie ngunit hindi nya eto makita. Lumalim na ang gabi, parang
mababaliw na si Brice sa pag-alala at kakahanap sa hindi matagpuang si Amelie.
Tumigil sya sa baywalk at habang nakatingin sa dagat, nadukot nya mula sa bulsa
ang sobre na natangap nito kanina. Tiningnan nya uli ang mga pictures. Mga
pictures nila iyon ni Amelie na magkasama sa rooftop nang huling araw nya sa
ospital.
Maya maya napatawag sa kanya si Raphael..
“ Pre, punta ka dito sa bahay. I found her.... Nandito ngayon si Amelie.. “
Bungad agad ng kaibigan....
CHAPTER
12
Hindi sinasadyang nakita ni Raph si Amelie sa isang bar na naglalasing. Ang
pagkakaalam nya ay kasal nya nang araw na iyon kaya pinagtaka nya kung bakit
naroon si Amelie. Napansin din nyang inaaway na eto ang bar tender dahil hindi
na ito bibigyan ng inumin dahil lasing na lasing na sya, kaya lumapit sa kanya
si Raphael. Inalalayan nyang palabas ng bar si Amelie at balak sana ni
Raph na ihatid eto pauwi. Nang tiningala ni Amelie ang lalaking naka-alalay
paningin nito kay Raph ay si Brice kaya tinulak nya eto.
“ Brice... bakit mo ako sinundan dito... pabayaan nyo muna akong lahat...plesse
gusto ko mapag-isa.” … tumalikod at pa-easy easing lumakad palayo kay Raph.
Ngunit nakita ng bigla etong na out balance sa kalasingan at muntik na matumba.
Mabilis naman syang sinalo muli ni Raph at kinainis pa ni Raph na bigla syang
sinukahan ni Amelie..
“ Haist!!! ano ba nangyayari sayo Amelie. “
Hindi namang magawang hayaan na lang eto ni Raph , at napansin nyang parang
ayaw ni Amelie umuwi. Hinang hina na si Amelie kaya wala na syang nagawa nang
pinasakay sya ni Raph sa kotse nito. At imbis na ihatid eto pauwi ay dinala na
lang eto sa kanilang bahay at tinawagan si Brice.
Nagising si Amelie na sobrang sakit ng ulo, sa kanyang pagdilat at at kanyang
pagmasid masid ay tinatanong nya ang sarili kung nasaan sya. Nasa loob sya ng
isang kwartong hindi nya alam kung kanino. Bumangon eto na hinahagod ang
kanyang noo. Bigla syang nagfreak out nang mapansing naka robe na lang sya.
Nagpapanik na hinanap ang kanyang damit ngunit hindi nya eto mahanap. Nang unti
unting bumabalik sa memorya nya ang kaganapan kagabi. Naalala nyang sumuka sya
ay may sinukahan eto. Pilit nyang inalala kung sino yun. Nang biglang bumukas
ang pintuan ng kwarto. Pumasok ang babae dala ang malinis na nyang damit.
“ Ay mam... gising na po pala kayo.. eto po pala ang damit mo, pwede po kayong
maligo dyan sa banyo at malinis na rin po etong mga damit nyo... Sasabihin ko
po kina sir sa baba na gising na kayo. “
“ Salamat... pero manang, nasaan po ako? “ … Dito po kayo sa bahay ni
Congressman, dinala po kayo ni Sir Raphael dito kagabi na walang malay at puno
po ng suka.. Inutusan po kameng dalhin kayo dito sa guestroom at pinalabhan
samen ang damit nyo.. eto mam... nadryer na po eto.. “
“ Huh!! si Raphael pala yun... naku nakakahiya.. “... “ Sige po mam maiwan ko
na po kayo, sabihin ko na lang po kina Sir na gising na kayo. “
Paglabas ng katulong pumasok sya ng banyo para makaligo para mawala na rin ang
sakit ng kanyang ulo. At habang ngshoshower, unti unti nang bumalik sa alala
nya ang hindi na natuloy na kasal nya kahapon. Napasandal sya sa dingding ng
shower room, muli nanamang napaiyak. Nasaktan din sya sa nangyari, labis na
napahiya at hindi pa sya handang harapin muli ang kanyang mommy at Lalo na ang
kanyang Kuya na siguradong malalagot sya. Gusto nya munang saglit na lumayo at
makakuha ng lakas ng loob para muling harapin ang kanyang mundo.
Katatapos lng nyang magshower, dumeretso sya kama kung saan iniwang ng katulong
ang kanyang mga damit. Nakalimot sya na parang sariling kwarto lang na hinubad
ang kanyang robe para suotin muli ang mga nalilnis na nyang damit. Nang biglang
bumukas ang pinto at hindi sadyang naabutan sya ni Brice sa ganung sitwasyun
habang hawak pa nito ang isang tray ng pagkain para sana sa kanya.
“ Ahhhh... bastos... lumabas ka!!! “ napasigaw eto sa gulat at dali daling
dinampot muli nito ang robe at kaagad na nagtakip. Kaagad namang muling lumabas
ng pinto si Brice at sinara eto .
“ Bakit naman kasi hindi mo nilalock ang pinto.. “ saway pa nito.. habang
napabuntong hininga na nakasandal sa pinto sa labas... . “ Eh sana naman kasi
kumakatok ka din muna bago ka pumasok.“ .. “ Sorry po!!! Sabihin mo kung tapos
ka na ha.. naghihintay lang ako dito..”
Napangpangisi na lng eto habang naghihintay sa labas ng pinto. Habang si Amelie
naman mabilis nang sinuot ang kanyang mga damit at pulang pula ang mga pisngi
sa kahihiyan...
“ Ano ba naman ang kamalasan meron ako... Bakit puro na lng ako kahihiyan . “
pagmamaktol nito sa sarili... “ Andyan ka pa ba? Pwede ka nang pumasok. “
Nang nakapasok si Brice sa kwarto.
“ How did they get those pictures.. What are we going to do now? We are not
suppose to see each other now baka lalo lang lumala ang sitwasyon.. “ bungad
agad ni Amelie habang nilalapag ni Brice ang tray sa kanyang tabi.
“ Kumain ka muna... then ihahatid na kita sainyo..” habang hindi eto makatingin
ng diretso kay Amelie at umupo na rin sa tabi nito. … “ No !!! “ Biglang
napahawak si Amelie sa kanyang kanang bisig.. “ No... ayoko muna umuwi sigurado
akong alam na eto ni Kuya at malalagot ako sa kanya... Si Garret... where is
Garret kailangan natin magpaliwanag sa kanya.. “...... “ Garret is gone.. “
“ What do you mean He's gone “ “...... “ bumalik na sya ng America.. And I
already tried to explain to Him, but it was too late... “ hinarap nya si Amelie
at hinawakan ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang bisig.... “ Don't
worry, aayusin natin to... hindi kita pababayaan. “
Nagtama ang kanilang mga mata..... Ngunit biglang nagsink in muli kay Amelie na
kanina lang ay halos nakita ni Brice ang buo nitong kaluluwa. Agad na kumalas
eto sa paghawak sa kanyang bisig at biglang namula muli ang kanyang mga pisngi
at bahagyang tumalikod eto sa kanya. Pero hinawakan nya eto sa magkabilang
balikat at muling pinaharap si Amelie sa kanya.
“Amelie.... “ napabuntong hininga muna eto bago itnuloy ang sinabi... “ I
wasn't able to take enough courage to tell you this... but.. I Love You....
Kung gusto mong lumayo.... Please go with me, dahil hindi ko na hahayaang
mabaliw ako sa kakahanap sayo uli.. “
Hindi na nakasagot si Amelie at bigla na lang sya napayakap dito.. “ Yes... I'm
going with you.. Ilayo mo muna ako dito Brice... pakiusap.... “ Mahal ko, sige
aalis tayo...”
Pinahiram sila sasakyang magagamit at tutuloy silang dalawa sa vacation house
nila ni Raphael sa Baguio. Dumaan muna sila ng convenient store para bumili ng
kanyang extra pang masusuot at necessities nang mapansin wala ang wallet sa bag
then bigla nyang naflashback na nilapag nya pala iyon sa mesa sa bar at
malamang naiwan nya iyon doon sa bar. But Brice provided everything she needs
at mga kakainin nila sa pansamantalang pananatili sa Baguio. At habang nasa
highway sila binuksan nya ang naka off na phone, at pumasok ang napakaraming
text messages.. Pero hindi indi nya binasa ni isa sa mga text messages at
dinelete all ang mga ito. Tinawagan nya ang kanyang Mommy na labis na
nag-aalala ang she explained na kailangan muna nyang magpalamig pagkatapos ng
mga pangyayari.
Samantala, doon sa iniwang bar kagabi. Napulot pala ng may-ari ng bar ang
wallet ni Amelie, at nakita ang ID nito at kakilala ni Adrien ang may-ari ng bar
na yun. At ayon sa waiter na huling nakasalamuha ni Amelie nakilala nyang anak
ni Congressman Dizon ang naglabas sa kanya nang gabing iyon.
Kinagabihan narating din nila ang Dizon vacation house sa Baguio. Amelie
comforted herself sa mga sandaling kasama si Brice malayo sa realidad ng mundo
nito na haharapin sa mga sususnod na na mga raw. Dahil sa kanyang pagbabalik
hindi nya alam kung anong consequences ang kanyang haharapin sa kamay ng
kanyang Kuya Adrien, kailangan nyang ihanda ang sarili.
Manghang mangha si Amelie habang pinagmamasdan lang si Brice habang nagluluto
ng kanilang dinner. Hindi na sya hinayaan ni Brice na tumulong dahil imbis na
napapabilis ang ginagawa, hindi eto matapos tapos dahil sa mali maling ginagawa
ni Amelie. Kaya pinaupo na lang sya ni Brice at pinaghintay na lang. Ang
lalaking iyon sanay na sanay sa buhay. Natawa na lang si Amelie sa sarili dahil
sa kababae nyang tao hindi nya alam magluto. Noong nasa Paris din sya kasi kung
hindi puro fastfood ang kaibigang kasama din nya sa apartment ang
nagluluto.
Sa harap ng fireplace inilapag ni Brice ang mga nilutong soup and pasta.
“ Ummmmm... ang sarap grabe... ang galing mo pala talaga magluto... Alam mo
Brice pwede kana mag-asawa.” puri nya agad dito sa unang tikim pa lang nya dito.
“ Kung ganun.. pasado na ba... “ …... “ hmmmm.. pasadong pasado.. “ habang
binigyan nya et ng dalawang thumbs up... Pagkatapos nila kumain nagtulngan na
sila sa paghuhugas ng mga hugasin na may kasama pang harutan na pinaglalaruan
ang sabon at nagbabasaan pa ng tubig.
Later....
Naglapag sila ng comforter at humiga sa harap ng fireplace. Nakakaunan si
Amelie sa kanyang dibdib wrapping his arms around her.
“ Hindi mo pa sinasagot ang sinabi ko sayo kanina.. “ biglang tanong ni Brice
sa kanya...
“ Ang alin? “ …...” Yung sinabi kong mahal kita.... wala bang sagot dun? “
bahagya syang bumangon at tiningnan nya sa mga nito ang binata, then she put
her right palm on his left cheek at binigyan nya eto ng isang malambot na halik
sa labi.... “ pwede na bang sagot eto Mr. Castañeda? “
“ Isa pa nga !!! “ … hirit pa ni Brice... Walang pag-aalinlangan naman muling
tinugunan yun ni Amelie. Pero hindi na sya nakawala, Brice caught her on her
nape pushing her more towards him and kissing her back. Habang unti unti na silang
nawawala sa sarili, slowly they were changing position and their kiss deepened
led to an intimate embrace to heated and passionate caress of making love.
Kinaumagahan, naunang nagising si Amelie na nakaunan pa si dibdib ni Brice.
Bigla nyang naisipang subukang sya naman ang maghanda ng breakfast. Dahan nyang
tinaas ang mga bisig ng binata na nakayakap pa sa kanya at muling sinuot ang
mga natangal na saplot. At tahimik na tumungo ito sa kusina. Bago sya
nakarating ng kusina binuksan nya ang binatana sa living room para malanghap
ang init ng bagong sikat na araw. She was stretching her hands and back sa
harap ng maliit na bintana nang biglang napansin nya may ilang kotseng
paparating. Kung hindi sya nagkakamali ang isasa mga kotse na yun ay sa kanyang
Kuya Adrien. Dali dali syang bumalik sa fireplace at ginising si Brice..
“ Brice.... gumising ka... ano ang gagawin natin.. andito si Kuya ..”
Mabilis namang bumangon si Brice at sinuot ang kanyang longsleeve shirt at bago
pa sila makadungaw narinig na ni Amelie ang boses ng galit galit nyang Kuya
Adrien.
“ Amelie.... alam kong nariyan ka !!! lumabas ka dyan..
Hinwakan ni Brice ng mahigpit ang kamay ni Amelie..... “ Haharapin natin ang
Kuya mo.. “
Nalaman ni Adrien ang kinaroonan ng dalawa dahil sa nakakuha sila ng
impormasyon mula sa isa sa mga katulong nila Raphael. Agad na umalis din si
Adrien kasama ang goons nito patungong Baguio para sunduin si Amelie.
Lumabas silang dalawa at hinarap si Adrien. Agad namang nagbigay si Adrien ng
senyales sa mga tao nito na sapilitang kunin si Amelie. At habang papalapit ang
mga goons sa kanila, mas lalo pang hinigpitan ni Brice ang paghawak ky Amelie
at bahagyang tinago eto sa kanyag likuran. At dahil inalam ni Adrien ang
kakayahan ni Brice nagdala eto ng napakaraming alalay. Bago pa tuluyang
makalapit ang mga goons, basang basa na ni Amelie ang nasa isip ng kapatid.
Kaya kusa etong bumitaw kay Brice...
“ Hindi mo na kelangan gawin to kuya.. I'm going home with you. “
“ Pero Amelie....” pigil ni Brice......
Then she touched his face.. “ Just let me do it... It will be alright. “
At lumapit na eto eto sa kuya nya... “ Get inside the car... now !!! “ sigaw ni
Adrien sa kanya..
“ Sige.. sasama ako but promise me... Don't hurt Him.”
“ Get rid of that guy Amelie.... Or I'll be the one to do that for you.. “
“ Kuya please.... “..... “ Now, get inside the car.... habang nanlilisik ang
tingin kay Brice.
Patuloy na nakaharang ang mga goons sa harap ni Brice hangang sa nakasakay na
si Amelie sa loob ng kotse ni Adrien saka nya pinaalis ang mga iyon sa harap ni
Brice, at tuluyan nilang nilisan ang lugar na yun dala si Amelie.
Nang makabalik na sila ng Santa Catalina, Galit na galit si Adrien at hindi
napigilang nasampal ng malakas ang bunsong kapatid at tumilapon eto sa kama. At
sinusubukan namang pigilan ni Ginang Mitchell ang nakakatandang anak.
“ Tama na !!!! “..... sigaw ni Ginang Mitchell..” …. “ Yan!!!! yan kasi
lumaking matigas ang ulo at brat yang bunso ninyo kasi sobra nyo na spoiled ni
Daddy. Pero hindi ako katulad ni daddy Ma... At kung kinakailangan kong turuan
ng leksyon ang babaeng yan, gagawin ko at nang magising yan sa kanyang matinong
pag-iisip.... Grounded ka dito sa kwarto mo buong araw at pinaayos ko na ang
mga kakailanganin bukas na bukas ng umaga sa ayaw at sa gusto mo sasama ka na
sa akin sa Canada.! “
At tuluyan nang nag walk out ang kapatid. Iyak ng iyak si Amelie at sinusubukan
naman etong patahanin ng umiiyak na rin na ina.
“ Ma... sumosobra na talaga si Kuya... Hangang kailan nya ba mamanipulahin ang
buhay ko.”.........
“ Anak alam kong sobra ka nang nasasaktan at nahihirapan... Magpakatatag ka
anak, lumaban ka, naniniwala akong matalino ka, play with your brother's game,
patunayan mo sa kanya sa wise na paraan, tapatan mo sya then later He will realize
he cannot over run your life ever again. Sa tingin mo ba kung basta ka na lang
magtatago at sasama sa lalaking iyon titigilan kayo ng Kuya mo... Anak, kung
talagang mahal ka nya, kahit anong mangyari makapaghihintay sya. Then in the
end you will know if that that man is worth fighting for. Nakukuha mo ba ang
ibig kong sabihing anak? “
“ Yes mommy... “...... at napayakap eto sa kanyang ina....
“ I believe you can do it anak.... “
Amelie decided to go with his Adrien's will bringing with herself a wiser plan
for her freedom.
A new journey and challenge is about to begin. Umuwi sya ng Canada at dahil
grounded hindi nya nagawang magpaalam ky Brice.
Bumalik na rin si Brice sa Santa Catalina, sinubukan nyang puntahan pa si
Amelie sa bahay nila sa Village ngunit hindi nya nagawang makapasok dahil
pinahigpit ni Adrien ang Security at nang nakaisip sya ng paraan kung paano
makapasok ng Village ay huli na ang lahat, nadatnan nyang papaalis na si
Amelie, sinubukan nya etong muling pigilan, ngunit hinarang sya muli ng mga
goons ni Adrien. Sa pagkakataong iyon nanlaban na si Brice sa kanila. Hindi
naman sya naitumba ng mga tao ni Adrien, at kahit na mag-isa lang sya at marami
sila, knock out pa rin silang lahat. Ngunit naging dahilan naman yun na hindi
nya na nagawang pigilan si Amelie at tuluyan na syang sumakay ng kotse ni
kasama si Adrien patungong Airport. Nang mga oras na yun hindi hindi nya
liningon si Brice.. Dahil sa oras na syay lilingon alam nya sa sariling tatakbo
sya rito at hindi na matutuloy ang kanyang plano.
Habang nasa loob ng kotse palabas ng village, Brice was running after the car
she was riding hindi pa rin eto lumingon but she can't stop her tears from
falling and her heart keeps on breaking.
THE
FINAL CHAPTER
3 Years later.........
Sa pagsisiskap ni Amelie nakuha nya muli ang tiwala ng kanyang Kuya Adrien.
Starting from the bottom, naging parte na sya ng pagpapatakbo at pamamahala ng
kanilang kompanya sa Canada. Sinimulan na rin nya ang sariling pangarap na
naudlot sa Plipinas, ang magkaroon ng sariling Signature Clothing Line
Business. Sa unang taon, sinimulan nya eto mismo sa Canada at maswerte naman
nagustuhan ng mga tao ang kanyang designs at tinangkilik ang kanyang brand.
Sumunod na taon nagdesisyon syang palaguin ito dahil sa patuloy naman ang
pagtangap ng mga tao dito. Nagkaroon din sya ng store sa Paris. Hindi naglaon
sumikat ang kanyang brand sa Europa.
Simula ng dumating sya sa Canada ang huling naging balita nya
kay Brice mula sa pakikipag-chat kay Dianne ay nagresign na ito kina
Congressman at umalis na rin ng bansa at walang maibigay si Dianne na
impormasyon kung nasaan si Brice. Paniwala ni Amelie ay tuluyan na itong
sumuko. Inisip nya na kailangan nya na rin siguro tangapin ant ang lahat, mag
move on at ayusin ang buhay para na rin sa sarili na makamit nito ang estado ng
buhay na hindi na sya magawang manipulahin ng kanyang Kuya Adrien balang araw.
Sa loob ng tatlong taon naging napaka abala at sinubsob ni Amelie ang sarili sa
larangan ng business, hindi nya muna binigyan ng puwang ang sarili para sa love
life. Madalas sa hating gabi nagigising sya dahil bigla na lang nyang
mapapanaginipan si Brice. Wala syang dalang kahit ano mang bagay makapagpaalala
sa binantang minsan syang nagpakabaliw, ni kahit isang litrato ay wala. Tanging
alalaa lang and dala nito, at para maalis nya ang binata sa kanyang isip ay
binubuhos na lang ito sa pag guhit at pag gawa ng bagong disenyo
Isang araw, kadarating lang ni Adrien galing sa isang business meeting sa
America ay dumiretso agad eto sa opisina ni Amelie. Umupo eto sa silya sa harap
ng working table ni Amelie at inilapag ang isang folder.
“ Look what I got for you in U.S. Sis. “ ….... “ What is this Kuya.” habang
binubuksan ang folder..
“ As you can see, it is a business partnership proposal... “
“ Oh My.. tama ba pagkakaintindi ko kuya? Someone want to invest for my brand
in the Philippines? “ habang bahagyang binubuklat at mabilis lang binabasa ang
mga pahina..
“ And not only in the Philippines.... but as well in Japan, Korea, Thailand and
whole Asia... “
Nawiwindang pa si Amelie at halos hindi makapaniwala..
“ Sino naman etong interasadong gustong mag-invest Kuya..”
“ Turn it on the last page... “
utos ng kanyang Kuya...
“ Si Mori Yamashita? Ang Japanese Business Tycoon na si Mori Yamashita? “
“Well, sya nga!!! And looks like He have a heart for Philippines kaya naisip
nyang doon magsimula. I met Him in the meeting at napag-alaman nyang You are my
sister and He was intrigue sa sumisikat mong brand sa Europe. I'm leaving that
to you... Basahin mong mabuti at pag-aralan mo.. Don't miss this opportunity
Amelie..“
Pinag-aralan at buong gabing pinag-isipan ni Amelie ang proposal na yun.
Iniisip nyang kapag tinangap nya ang proposal, ito na muli ang kanyang
pagkakataong makabalik ng Pilipinas. Hindi kasi nya nagawa sa lumipas na
dalawang taon dahil wala pa syang sapat na idadahilan kay Adrien para pumayag
eto, not until this once in a lifetime opportunity came up. Saglit syang
nakaramdam ng excitement kaya kinontak nya agad si Dianne at ni hire nya etong
muli. Ngunit bahagya din syang nalungkot dahil ang tanging dahilan ng
pagbabalik nya ay business matter, at wala na ang taong tanging dahilan ng
kanyang pagsusumikap at mukhang hindi nya na doon mababalikan.
Finally Amelie made a response from that proposal and a meeting was set for
personal contract signing at magaganap iyon sa Pilipinas.
Samantala... In Japan...
Nasa gulf club ang matandang mayaman na si Yamashita Mori -san, lumapit sa
kanya ang kanyang sekretarya at bumulong.. “ Mr. Lawrence is already here.. He
is waiting in the lounge.. “
Tumango naman ang matanda at hininto ang paglalaro at marahang pumasok ng
lounge.
Pagpasok nya ng lounge, isang makisig na binata ang sumalubong sa kanya na
nakasuot ng American Black Suit and sophisticated eye glasses, magalang na
bumati ito with a Japanese vow. After Yamashita-san affirmed his greetings,
umupo na sila sa couch. Sumunod din na pumasok ng lounge ang secretarya nito at
inabot sa kay Mori-san ang mga files, at saka lumabas din kaagad ito iwan
silang dalawang seryosong nag-usap.
“ As what I have promise to you son, I will make you a favor in return of my
gratitude. And I always keep my word. “...... “ Sir, Thank you very much it is
my pleasure for such an offer but It is a part of my job..” pagtangi ni Mr.
Lawrence
“ Just let me finish explaining to you what I am about to offer then you
decide.. “
At patuloy ang paglahad ni Mr. Mori sa binata at nakikinig naman naman ito ng
mabuti.
Isang araw bago ang meeting ay maagang nakarating sa Pilipinas si Amelie kaya
may oras pa itong umuwi ng Santa Catalina. Sinalubong naman sya agad ng isang
welcome lunch party pinamunuan ng kanyang Mommy at ni Dianne. After ng party,
imbis na magpahinga ay nagdrive at naglibot libot pa si Amelie sa buong syudad
dahil marami syang namimiss dito. Tumungo sya sa Sports Center, sa rooftop ng
ospital at inabutan sya ng gabi sa baywalk. Sumandal sya sa uluhan ng kanyang
kotse na humaharap sa dagat at tumingala sa kalawakan. Napabulong sa
sarili..
“ Where are you Brice? “ … Napapikit sya ng kanyang mata at hindi namalayang
may tumulong luha sa mga gilid ng kanyang mga mata.
Ngunit biglang naabala ang momentum nito ng biglang nagring ang kanyang phone
at si Dianne pala ay tumawag..
“ Hello Dianne, bakit ka napatawag? “ ….. “ Ate kakaopen ko lang ng email.. May
message po from Mr. Mori. “..... “ Huh!!! ano yun Dianne? “..... “ Hindi daw po
sya makakarating bukas due to some family circumstances daw po. “..... “ Huh
!!! paano na ngayon to... nagpostponed ba ng date of meeting.. Kelan? “ … “
Ate... tuloy naman daw po ang meeting bukas, may ipapadala daw po syang
Representative in His behalf at makakarating din ang lawyer nya.. Mr. Brian
Lawrence daw po yung panagalan ng kanya authorize representative. “
“ Ganun ba.... mabuti naman kung ganun. Pero sayang naman akala ko finally
mamemeet in person ko na yung si Mr. Mori.. But it doesn't matter importante
matutuloy ang partnership na ito. Sige Dianne magpahinga ka na at maaga pa tayo
luluwas bukas.. Handa na ba yung lugar na padadausan ng meeting?..“ …..” Ayos
na po ate... at diba kayo po dapat ang maghinga na.. “... “ OO nga naman..
pauwi na rin ako, sige see you tomorrow Dianne.”
Habang nasa eroplano naman sina Mr. Lawrence kasama ang attorney na nakatulog
na sa katabing upuan. May kinuha syang maliit na box sa kanyang bag, binuksan
nya at kinuha ang isang lumang cellphone. Pagkatapos nyang pindutin ang on
nito, simulan nya namang basahin ang tatlong taong lumang messages nito na
paulit ulit nyang binabasa at memorize nya na ito. At pagkatapos nya sa
messages, pumunta naman sya sa mga pictures na nakasave doon. At tumigil sya sa
isang close up napakasayang mukha at selfie nila ni Amelie nung nasa Vacation
house sila in Baguio.
“ Ilang sandali na lang muling magkikita na tayo Amelie.. “
Flash back....
Halos bumagsak ang mundo nya noon nang umalis si Amelie. Habang hinahabol ang
sasakyan at tawag ang pangalan nito, inasam nya na na kahit lumingon man lang
ito sa kanya, pero hindi nya iyon ginawa. Nang sumama sya kay Adrien at iniwan
sya doon sa Baguio, naiwan ni Amelie ang mga gamit nito, her personal
belongings na lang ang tanging iniwan nito at nagsilbing kanyang alaala.
Naawa si Ginang Mitchell sa kanya, kaya sa una at huling pagkakataon kinausap
nya eto. Kung ano ang sinabi nya sa anak ganun din ang sinabi nya kay Brice.
Ngunit kailan man hindi yun sinabi ni ng Ginang sa anak dahil ayaw nyang umasa
ito at iniisp na maraming pwedeng mangyari sa maraming taon. Inakala nya na
baka makalimutan din nila ang isa't isa. Ngunit ilang gabing naglaro sa isipan
ni Brice ang mga sinabi ni Ginang Mitchell kaya napagdesisyunan na rin nitong
lumayo para din ayusin ang sarili na mas maging karapat dapat na sya kay Amelie
pagdating ng panahon. Ngunit kahit kailan hindi nito naisip na humingi ng tulong
sa kanyang ama, at lalo ngayon kay Garret. Napagdesisyunan nyang umalis na ng
bansa at tinanggap rin sa wakas ang matagal nang imbitasyun sa kanya ng CISA (
Central Intelligence and Security Alliance ), isang confidential and private
investigation agency na naglalayunin ng safety, peace and security of nations
and cooperating with armed forces in resolving crime cases.
Matagal na syang inoobserbahan ng organisasyon at inimbitahang
mag undergo sa isang buhos buhay na training sa Budapest, at maging isang
Official Agent ng CISA. Isang taon din ang ginugol nya sa loob ng kampo. At
nang nalamapasan nya na ang training, magaling din ang naipamalas nito sa field
and operation. May mga threat kay Mr. Mori at isa eto sa founder ng
organisasyon at kanyang team ang naatasan dito. Isang Araw ay nakidnap ang
pamilya ni Mr. Mori. Malaki ang tiwalang ibinigay nya kay Brice at sa team nito
at hindi nya ito binigo. Nailigtas nya ang pamlya ni Mr. Mori. At sa laking
pasasalamat dito kung anong offer ang binigay nya sa team ni Brice, ngunit
hindi sya tumangap ng kahit na ano mula kay Mr. Mori. Bilang isa sa mga founder
ng CISA hawak ni Mr. Mori ang mga backgrounds even personal ng mga agents nito.
At sigurado syang gusto muling mabawi nito si Amelie Mitchell.
Agent Lawrence ang tawag sa kanya ng CISA, mula sa totoong buong
pangalan nito,
Brian Lawrence Castañeda Lee.
Sa kasalukuyan …................
Kasama si Dianne at ang kanyang attorney, matyagang hinintay ni Amelie ang
party ni Mr. Mori sa isa executive room ng isang elite restaurant sa Manila na
pinareserve ni Dianne. Maya-maya, guided ng isang service attendant unang
pumasok ang isang Japanese in his 40's in black suit and case. Kasunod si Mr.
Lawrence in his black suit and case na lalong gumwapo sa suot na sophisticated
clear eye glasses.
“ A... andito na sila... “ nauutal na sinabi ni Dianne dahil ang posisyon nito
sa kinauupuan ay nakaharap sa pinto samantala nakatalikod naman si Amelie.
Parang nagtaka si Amelie na parang nag-iba ang facial reaction ni Dianne at
halos mahulog ang mga panga nito.. Dahan syang tumayo para harapin ang mga
eto...
Ngunit bago pa sya makalingon. Narinig nya agad ang boses nito..
“ Miss Amelie Mitchell? “.....
Parang huminto ang kanyang mundo, at biglang natakot syang
lumingon, at dumapo ang tingin kay Dianne na nasorpresa din ang mukha. At dahan
dahan din syang lumingon, nang nagsalita eto ulit...
“ Miss Amelie... can we have our seat now ..”
“ Ye..Yes please have a seat... “ sabay na ring nilingon ito. At sabay na
naghina ang kanyang mga tuhod nang masilayan ang kaharap. Napahawak sya sa
sandalan ng silya na parang nahilo... Agad syang hinawakan ng binata sa kanyang
mga siko... “ Careful..... Are you OK? “
“ Brice... is it really you? “.... “ It's Brian Lawrence... please to meet you
Ms. Mitchell! “
sabay ang matamis nitong ngiti na inaalok ang dalagang makipagkamay sa kanya..
At marahang nakipagkamay din sya rito.. “ Shall we start?” …. agad din nyang
pagbitaw at inalok ang upuan para makapagsimula sa meeting.
Habang nilalahad ng mga attorney ang kani-kanilang kontrata, parang
mapaparaning naman si Amelie kakapretend everything is ok, at halos walang
naiintindihan sa mga pinag-uusapan dahil hindi sya makapag concentrate, mabuti
na lang sinasalo sya ni Dianne. Habang si Brice naman ay professional na
professional. Kumakain sila ng dinner pero patuloy pa rin ang busness topic.
Natapos ang meeting agkasabay silang limang lumabas ng restaurant at naghiwa
hiwalay ng landas na parang wala lang. Ang attorney ni Amelie unang bumaba at
tumungo ng kanyang kotse, sina Brice at kanyang kasama ring attorney sumakay ng
isang black ferrari.
“ Ate, ibang iba na si Sir Brice... Ok ka lang ba? “
“ Tama ka Dianne, mukhang nakapag move on na nga sya.. yun naman talaga ang
dapat at masaya ako para sa kanya.. “ ….. nakangiti si Amelie ngunit halatang
halata ni Dianne ang kalungkutan nito. ..
“ Halika na Dianne bumalik na rin tayo ng hotel at
makapagpahinga na rin “..
papasok na sila ng kotse nang biglang may nagtext kay
Dianne..
” Ate pwede bang mauna ka na lang bumalik ng hotel, malapit lang daw pala kasi
dito si Lester at nakapag-off early ng work magkikita daw muna kame.
“ Wow!!! kayo pa rin pala ni Lester, tagal nyo na ah... “ ….
” Sa awa ng Diyos po ate baka magpapakasal na po kame next year, abay kayo ha..
“ …
“ Makakaasa ka Dianne.. cge mauna na ako, and enjoy your date.. “
While on her way back to the hotel she's staying napangiti si Amelie na naiisip
na mabuti pa si Dianne at masaya ang lovelife. Biglang may mga black tinted
cars na kanina pa nyang napapansing nakasunod sa kanya. Nakaramdam sya ng kaba
kaya siniguradong nakalock lahat ang maga bintana at pinto at mabilis pang
pinatakbo ang kanyang kotse,
at biglang napreno ito nang kamuntikan nang masagasaan ang
biglang humarang na naka motor.
Mahigpit na nakahawak sa manubela si Amelie habang nakatingin sa lalaking
bumaba sa kanyang motor at tingal ang kanyang helmet, moving towards her.
“ Br..Brice? Ano ang ginagawa mo? “
maya maya nakatayo na ito sa pinto ng kotse nya kinakatok ang bintana ng kotse.
Kaya mabilis rin nyang binuksan ang pinto at bumaba na nagfrefreak out.
“ My God Brice.. Ano ba ang ginagawa mo? Papatayin mo ba ako sa takot? ”
“ Come with me.....” ….. “ What !!! “....... “ I said come with me..”
sabay dampot ang kamay ng dalaga at hinila eto papunta sa black ferrari at
unang pinapasok si Amelie sa passenger seat at sumunod din sya sa driver seat.
“ Saan mo naman ako ngayon dadalhin” .. pagmamaktol pa ni Amelie
“ We are going home.. “ ….. “ What do you mean we are going home ? “
“ sa Santa Catalina syempre saan ba tayo umuuwi... “
“ Hmmm... kanina lang hindi mo ako pinapansin.... tapos ngayon
eto....kidnapping na itong ginagawa mo ha... “
“ Tumahimik ka na lang muna dyan kasi.. at syanga pala sayo to diba.. “
at inabot yung maliit na box kay Amelie.
“ Akala ko nagbago ka na... gumwapo ka pa nga konti, pero ganun ka pa rin....
antipatiko.. ano ba ang laman nito?.. “ at nang binuksan ang box... “ Oh my!!!
This are belongings.. tinago mo pala.. “
At napangiti na lang si Amelie at parang nakaramdam ng hiya at tumahimik nya
dahil naalala nya kaagad kung saan nya naiwan ang mga iyon. Binuksan ni Amelie
ang bintana sa kanyang gilid para makalanghap ng hangin. With her chin resting
on her arms in the window, tinatanaw na na lang ang kanilang dinadaanan.
Hangang sa narating nila ang Santa Catalina, pero nilampasan nila ang syudad.
At patuloy na tinatahak ni Brice ang daan patungong Hilaga. Sa natatasang look
na bahagi ng syudad. At tumigil sila sa bakanteng loteng banging overlooking ang
buong Santa Catalina. Ang lugar noon kung saan laging buhos ni Brice at lahat
nang hindi nasasabi at lahat ng sama ng loob. Katulad pa rin ng dati ang lugar
na iyon napaka tahimik at tanging buwan at mga bituin at ang ilaw ng kotse lang
ang nagliliwanag at nagsilbing ilaw dito.
“ Saan ba tayo ? “ patuloy na tanong nang bumaba ng kotse.
Umupo si Brice sa damuhan sa nakasanyang kinauupuan at hiniling ky Amelie na
tabihan sya.
Hindi na nainda ni Amelie ang katahimikan sa kanilang dalawa...
“ Now what?.... What makes you bring me here on this place...
Kung hindi ka mang lang magsasalita...” …. Nagulat na lang si Amelie nang bigla
na lang syang niyakap ng sobrang higpit ni Brice..” …...” Why Amelie... why did
you just leave me without even saying goodbye... Do you have any idea how that
so hard for me? ''
“ Bri... Brice... I can't breath …... I'm choking..”.. At bahagyang bumitaw si
Brice.
“ I thought you're different person now.... Why... after all that I've done to
to you, why are you still not giving up? “....... “ Give up?... what are you
saying .. that word does not exist in my vocabulary anymore after all that I've
been through.... Ngayon tingnan mo ako Amelie...
Give me definite reason to give you up... Mahal na mahal kita at sa
pagkakataong ito gusto ko din malaman, so please tell me.. Am I really just
your game, or did you ever loved me once or you never loved me at all. “
“ I'm sorry for being such a coward... For I am afraid to tell
you na dahil baka hindi ko naman makayang panindigan..but God knows kung gaano
ko kagustong isigaw sa buong mundo, I love you... and I love you so much more
than you'll ever know. And I'm sorry for leaving you that way.. I just thought
it would be the best for us. And I thought you're gone.. I thought you have
given me up.. “
Nakahilig si Amelie sa mga balikat nito at halos basa naa ang sleeve nito ng
kanyang mga luha. Brice cupped her face with his two palms at pinahiran ang mga
luha nito ng kanyang mga kamay habang inaangat mukha nito palapit sa kanyang
mukha. Dinampian nya eto ng halik sa noo, own to cheek na basa pa ng kanyang
mga luha, down to her lips so slowly and gentle.
“ We are here together now Amelie.. We are not Tristan and Isolde... I am Brian
Lawrence Castañeda and you're Amelie Mitchell and you're no longer my brother's
woman. And I know you are like a princess and I'm just a private agent and I
cannot give you the life you used to live. But I promise to make you my queen
and live my life with you forever.. “
At may dinukot etong white gold ring with diamonds mula sa bulsa ng kanyang
coat.
“ Will You marry me Amelie Mitchell? …..... Please... say Yes..... “
“ Mayroon pa ba akong ibang option eh nakidnap mo na nga ako..
Would you accept Yes for an answer Agent Lawrence.. ? “
Hinalikan ni Brice ang kanyang kamay at marahang sinuot ang singsing sa kanyang
ikalawang daliri.. .. “ It's beautiful !! “ habang tinitingnan ni Amelie ang
kanyang mga kamay.
“ I Love You Brice....” ............. I Love You more Amelie..”
And once again, binalot nila ang isa't nga mainit at sabik na
sabik yakap at halik dala ang pangakong walang sususoko, sino man mang tumutol
hindi na sila padadaig sa takot, at magakasama nilang haharapin ang lahat ng
hamon sa buhay.
WAKAS ..................
"Still"
Lady, morning's just a moment away
And I'm without you once again
You laughed at me
You said you never needed me
I wonder if you need me now
[Chorus:]
So many dreams that flew away
So many words we didn't say
Two people lost in a storm
Where did we go?
Where'd we go?
We lost what we both had found
You know we let each other down
But then most of all
I do love you
Still!
[Chorus]
We played the games that people play
We made our mistakes along the way
Somehow I know deep in my heart
You needed me
'cause I needed you so desperatly!
We were too blind to see
But then most of all
I do love you
Still!